Chapter Nine

11.5K 42 0
                                    

UMINOM muna si Reena ng mojito bago sya magtungo sa cr ng lalaki.

Nang tumapat kasi sa kanya ang bote ay tuwang tuwa ang mga kaibigan nya dahil ika nga nila: Save the best to the last. Kaya ito sya ginagawa ang dare sa kanya.

Nakangisi sya habang naglalakad patungong cr. Easy lang kasi ang dare sa kanya pero may pagkamahalay nga lang ng konti. Hehehe. Well, sanay na sya sa mga ginagawa nila dahil hindi naman ito ang unang beses nilang maglaro ng ganito. Playing is always come with their name: Bullhangss

"Pretend to be drunk then go to comfort room for men. Halikan mo yung lalaking katatapos pa lang umihi at hawakan mo ang hmm." natatawang sabi ni Vince.

"Ewww. Dapat maghugas ka ng kamay pagkatapos ha?" sabat naman ni Jezzy.

"Estimate mo kung ilang inches hehhehe." sabi naman ni Dine.

"Gawin mo ha? Walang dayaan Reena" bilin naman ni Alvin.

Anong tingin nila kay Reena, duwag? Hindi sya ganon. Matapang sya at palaban.

"OK! Easy" balewalang sabi nya sa mga ito.

Ngayon nga ay andito na sya sa tapat ng cr ng mga lalake. Sumilip sya muna baka kasi mapahamak sya kung basta na lang sya papasok at manghihipo.

Tsaka baka hindi kaaya aya ang andon, sayang naman ang kamay nya noh.

Akala nya wala ng tao sa loob ng cr kaya tuluyan na syang pumasok pero may isang tao pa pala don. Katatapos lang umihi at papunta na sana sa lababo upang maghugas siguro ng mga kamay.

Nagulat ito ng makita sya. Muntik na nyang makalimutan na kailangan nyang magpanggap na lasing dahil sa gulat.

Lights. Camera. Action. Sabi nya sa isip nya kaya umakto na syang nahilo at lasing na lasing.

"Excuse me, miss?" sabi ni Niko.

Oo, si Niko ang lalaki sa cr. Pagkakataon nga naman. Thank you Lord. Sambit nya sa kanyang sarili.

"UHHmmm?" sinadya nyang lagyan ng landi ang kanyang boses. Nagkunwari pa syang naiinitan habang mapang-akit syang naglakad papalapit dito.

"You got the wro---" hindi na nya ito pinatapos magsalita at sinunggaban na agad ng halik. Hindi ito agad nakasagot kung kaya't pinagpatuloy na lang nya ang ginagawa nya.

It's my chance, I grab it with two hands. Sa isipang iyon ay dinakma na din nya ang hmm nito. Nagulat sya sa nahawakan.

Ang haba. At ang taba.

Hihiwalay na sana sya kay Niko ng hapitin sya nito papalapit sa kanya at halikan ng mas maalab pa sa ginawa nya.

"UHMMM" napaungol sya sa ginawa ni Niko. Ang init ng labi nito.

Napahawak sya sa balikat nito ng mas lumalim pa ang halikan nila. Ngunit naalala nya ang plano nya kaya agad nyang pinutol ang mainit na halikan nila. Hinabol pa nga ni Niko ang kanyang mga labi pero pinigilan nya ito gamit ang hintuturo nya.

Nang tumingin ito sa kanyang mukha ay mapang-akit nya ito nginitian. Pinungayan nya ang kanyang mga mata at dinilaan ang kanyang mga labi. Sinundan naman ng tingin ni Niko ang dila nito. Nang nilapit nya ulit ang mukha nya kay Niko ay bigla itong napapikit na tila hinihintay syang humalik ulit, napangisi sya sa ginawa nito.

"Sorry, it's a mistake." bulong niya kay Niko at iniwan itong tulala sa loob ng banyo.

Pagkalabas ni Reena ng CR ay bigla syang nanghina kung kaya't napahawak sya sa pader.

"Whoa! Intense! So ganon pala ang feeling ng halikan ng isang Niko Oliver Torres. At grabe ang male part nya. Ang taba at ang haba. My Ghad!" bulong ni Reena sa kanyang sarili.

Napahawak sya sa kanyang labi na pakiramdam nya ay namaga sa paghahalikan nila ni Niko. Ramdam nya pa doon ang mainit at malambot na labi.

Agad nyang pinalis ang nasa isip nya. Inayos nya ang sarili at nagsimula na ulit maglakad patungong table nila kung saan naghihintay ang mga kaibigan nya. Naglakad sya na tila walang nangyaring nagpayanig sa kanyang mundo.

Nang makita ni Reena ang kanyang mga kaibigan ay agad nya itong nginisihan. Tinignan lang si Reena ng mga ito na may pagdududa sa mga mata.

Tssk! They need a proof. Sabi nya sa isip nya.

Alam na nya ang mga ito, hindi niya ito basta basta maloloko.

"I did the dare." sabi na lang nya pagkatapos ay lumagok sa kanyang drink.

"And where's the proof?" sabi naman ni Dine. Nag-aabang lang naman ang iba.

Inabot nya ang kanyang cellphone kung san naka-open ang kanyang gallery. Kinuha naman ni Vince at tinignan ang laman niyon.

Nagsigawan naman ang kanyang mga kaibigan ng makita ang laman niyon. Habang naghahalikan kasi sila ni Niko ay kinuhaan nya ito ng mga picture, pati na din ang paghawak nya sa male part nito.

"Ikaw na talaga! You already!" nanunuksong sabi ni Vince.

"Oh my! So, anong feeling?" tanong naman ni Dine.

"Ang gwapo ni Niko! Sana ako na lang ang gumawa ng dare na yan!" hyper na sabi naman ni Arly.

Natatawa lang si Reena sa mga ito.

"Wait, wait lang! Hindi naman yan ang dapat na tanong kay Reena eh! Dapat ang tinatanong natin ay kung malaki ba ang hmm." singit naman Jezzy.

"Ay nga pala! Gaano kalaki? Mataba ba?" atat na tanong ni Vince.

Hindi muna sya sumagot. Tinignan nya isa isa ang mga ito. Parang mga batang nag-aabang ng regalo sa kanya. Hayyy!!

"Ang laki at ang taba! Siguro mga 8 inches yun tapos parang kasing taba ng braso ng isang bata." namumula nyang sabi.

Nagtilian naman ang mga kaibigan nya. Napatawa na din sya.

What a night to remember.

Nang sumapit na ang hating gabi ay nagkaayayan na silang umuwi.

Nakahiga na si Reena ay bumabalik pa rin sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ni Niko. Hindi na nga nya namalayan na nakatulog na pala sya.

---

My Thesis Partner's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon