Chapter Ten

11.7K 38 0
                                    

NAPASABUNOT si Niko sa kanyang sariling buhok. Hindi na nya alam ang kanyang gagawin. Kanina pa sya sa loob ng kanyang kotse at tinitignan ang kwarto ng babaeng kahalikan nya kanina.

Bakit ba ako andito? Bakit ko sya sinundan?” tanong ni Niko sa kanyang sarili. Nababaliw na nga talaga sya.

Napayuko sya sa manibela at parang agos ng tubig na biglang dumaloy ang kanyang mga alaala.

Nakakailang bote na sya ng alak ng makaramdam sya ng pagtawag ng kalikasan. Habang naglalakad sya patungo sa CR ay nadaan pa nya ang table ng isang grupo na nagkakatuwaan. Nakita nya ang babaeng kanina ay pumukaw ng kanyang atensyon. Medyo nagulat sya ng makilala nya ito.

Si Reena! Sabi ng kanyang isipan.

Alam nyang maganda si Reena at may magandang katawan pero hindi nya inakala ganito ito kaganda. Bakit ba hindi nya agad ito nakilala ng kanina?

Hanggang sa makapsok na sya sa CR ay ito ang laman ng isip nya.

Lalapitan ko ba o hindi? Kinakausap nya ang kanyang sarili.

Sa sobrang lalim ng kanyang iniisip ay hindi nya namalayan na sya na lang mag isa sa loob ng CR. Naghugas na sya ng kamay at handa na sanang lumabas ng makita nya si Reena.

Bakit andito sya? Gulat na tanong sa kanyang isipan.

Hindi sya agad nakakibo. Nakatingin lang sya dito. Napansin nya na parang lasing ito.

“You got the wro---” hindi na nya natapos ang kanyang sinasabi ng bigla itong lumapit sa kanya at sinunggaban sya ng halik.

Hindi sya agad nakahuma sa ginawa nito. Nakatayo lang siya at nakatulala sa mukha nito.

Habang hinahalikan sya ni Reena ay naramdaman niya na hinawakan sya sa kanyang pagkalalaki. Sa ginawa nito ay biglang natauhan si Niko at pati na rin ang kanyang male part ay nagbigay ng reaksyon.

Hihiwalay na sana ito sa kanya ngunit hindi nya ito hinyaan. Kinabig nya ito papalit at hinapit sa baywang at hinalikan ng mariin. Ayaw nya na matapos ang tagpong iyon. Hindi nya alam kung dahil sa lasing lang sila parehas o may iba pang dahilan.

My Thesis Partner's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon