Chapter Four

14.8K 51 0
                                    

Napasandal si Reena sa kinauupuang sofa dahil sa pagod. Halos limang oras na siyang nakatutok sa kanyang laptop at nagbabasa ng mga thesis.

Hihihi, ganon pala yun mahal.

Napapikit sya sa narinig. Kanina pa ang mga ito tila sila lang dalawa ang tao sa sala. Naiinis sya sa landian nito dahil hindi nya maintindihan ang kanyang mga binabasa.

Dahil nga ba doon? O may iba pa? Tanong ng isip nya.

Lihim nyang kinurot ang hita nya.

Unti unti syang dinalaw ng antok ngunit bago pa sya tuluyang makatulog ay narinig nya pa ang boses ni Niko.

Tulog na yata ang kaklase mo mahal.

KANINA pa napansin ni Niko ang pagtulog ng babae. Hindi lang yun ang napansin nya dito pati na din ang simpleng pagkurot nito sa hita.

Napatinigin din sa babae ang kanyang kasintahan.

Oo nga no, anong oras na ba?” tanong nito sabay kuha kanyang kamay at  tumingin sa relo nya.

Napangiti sya sa ginawa nito.

Halos limang oras din pala tayo nakatutok sa laptop. Napagod siguro sya. Teka lang mahal, kukuha lang ako ng unan at kumot.” wika nito. Tango lang ang sagot nya dito.

Pagkaalis nito ay muli syang napatingin sa kaklase nito.

Reena. Alam nya ang pangalan nito.

Paano hindi nya malalaman ay sikat ito sa school nila. Bukod sa mayaman ito ay matalino at maganda din.

Pero para sa kanya mas maganda ang Mahal nya.

Ngunit hindi nya maiwasang mapatingin sa babaeng natutulog. Hindi nya alam kung bakit sya ganon.

Simula ng dumating sya ay pasimple syang napaptingin dito. Palibhasa ay nakatutok ito sa laptop nito ay malaya niya itong nasusulyapan.

Iniiwasan naman nya itong gawin dahil kasama nya ang kanyang kasintahan pero napapasulyap pa din sya.

Simpleng t-shirt at short lang ang suot nito pero iba ang dating sa kanya.

Nang marinig niya ang pagsarado ng pintuan sa taas ay mahina syang umiling. Kinastigo nya ang kanyang sarili at pumikit na lang din habang nakasandal sa sofa.

Iniisip niya ang kanyang kasintahan. Mahal nya ito. Hindi dapat sya ganito.

Maya maya pa ay narinig na nya ang yabag ng kanyang kasintahan.

Mahal?” tanong nito.

“Hmm?” tumingin sya dito pagkamulat nya.

“Pwede tulungan mo ako mahal? Baka magising sya pag inayos ko ang higa nya.”
Nag aalala nitong wika.

“Sige mahal.” sagot nya dito.

Inayos ni Kristen ang unan sa sofa.

Marahan nyang hinawakan ang ulo ng babae upang ihiga sa unan.

May naramdaman syang kakaiba sa simpleng paghawak nyang iyon. Hindi niya maintindihan.

Medyo umawang ang labi nito kaya’t napdako ang tingin nya doon.

Parang may gusto syang gawin dito.

Ok, na ba mahal?” bigla syang napatingin sa kanyang nobya na abala sa pag kumot sa babae.

Dahan dahan nyang inalis ang kanyang kamay sa likod ng ulo nito.

“Oo, mahal”. wika nya dito. Nakaramdam sya ng pagsisisi sa kanyang iniisp. Lalo na at nasa tabi nya lang ang nobya nya.

My Thesis Partner's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon