Chapter 13

4.9K 471 78
                                    

Chapter 13

"Phoenix!" I called him pero parang hindi nya lang ako narinig.

It's already four in the morning. Inabangan ko talaga ang paglabas ni Phoenix. I didn't even bother to greet him good morning since I already know that his morning won't be good because of what I did last night.

So, when I burst into laughter last night, he stormed out of my sight at alam kong nagalit sya. I tried knocking on his door saying sorry pero tumigil rin ako dahil baka magising ko pa ang ibang natutulog.
Bumaba si Phoenix kaya sumunod ako sa kanya sa baba.

"Hey..." I whimpered pero hindi nya talaga ako pinapansin. "Phoenix, I'm sorry!"

Dumiretso sya sa kusina at kumuha ng tubig. Aalis sana sya pero iniharang ko ang katawan ko sa dadaanan nya. Walang emosyon ang kanyang mukha at nanatili lamang syang nakatitig sa akin. He clenched his jaw bago umiwas ng tingin.

"I'm sorry." I muttered.

Pero hindi sya sumagot, sa halip ay pinaalis nya lang ako at nilagpasan. Naglakad sya papunta sa sofa at nakabuntot parin ako sa kanya. Napairap ako sa kawalan. Phoenix is acting like a kid. Ano bang dapat ikagalit nya dun?

Naupo sya sa single sofa at agad rin akong lumapit sa kanya.

"Come on. Stop acting like we're teenagers, Phoenix! I already said I'm sorry!" Pamimilit ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay nya pero agad nya itong binawi na parang napaso sya sa hawak ko. Nanlaki ang mata ko pero nawala ito nang makita ko ang galit na ekspresyon ni Phoenix.

Napaatras ako nang tumayo sya bago umakyat pabalik sa kanyang kwarto.

I plumped down in the sofa next to me, scrunching as the frustration slowly eating me out. It's not that I didn't meant to do it last night but I wasn't expecting that he would act like this just because of that.

Nakarinig ako nang mga yapak kaya napatingin ako sa kung saan ito galing. Si Ella.

"Ella, do you need something?" Tanong ko bago umayos ng upo.

Umiling lamang sya bago dahan-dahang naupo sa single sofa. She winced before she sat down.

"You can stay in your room, Ella. Pwede namang tumawag ka lang sa amin kung may kailangan ka." Nag-aalalang sabi ko sa kanya.

Sobrang aga pa pero gising na sya.

"Hindi ako gagaling kung mananatili lang akong nakahiga buong araw." Aniya kaya hindi na ako nagsalita.

"We will head out today to find some guns and ammos. I hope you'll be okay here. Nandyan naman sina Simon at Carol." Sabi ko sa kanya at tumango lang sya.

Hindi ko pa sya nakitang ngumiti. Pero hindi ko rin sya nakitang nagalit o nainis dahil sa mga tanong ni Simon sa kanya kagabi. Nang hindi na sya umimik ay ngumiti ako bago tumayo para tignan sa labas. Unti-unti ng lumiliwanag. Walang madilim na ulap sa kalangitan kaya nakampante ako. I don't like gloomy weather. Siguro'y dahil dun sa nangyari noong nakaraan kung saan hinabol kami ng mga hindi namin alam kung ano. It was cloudy that time at parang natrauma ako dahil dun.

"He likes you." Napatingin ako kay Ella nang magsalita sya.

Ngumisi ako bago bumalik sa kinauupuan ko kanina.

"I don't know what you're talking about." Mahinang sagot ko sa kanya.

"Don't act like you're dumb. You know you're not and you know why he is acting like that." Hindi ko minasama ang sinabi ni Ella, sa halip ay napaisip ako.

Adelaide: Today For TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon