Chapter 36

4.2K 302 67
                                    

Hi guys! Feel free to share your thoughts about this chapter. I'd appreciate any comments! 😊😘 Humihingi ako ng pasensya para sa mga grammatical and typo errors. I hope you can bear with it since I'm too lazy para eedit 'yong mga naunang chapters. Hahahaha. Thank you guys!










Chapter 36


Nanginginig ang mga kamay ko nang makita ang sasakyan nina Selena. Bumuga ako ng malalim na hininga, nagdadasal na sana'y may laman ang kulungang nasa likod ng kanilang truck.

"Hindi pwedeng abutin tayo ng tatlong araw dito. Baka maamoy tayo ng mga hayop." Rinig kong sabi ni George.

Tinignan ko ang paligid ng kinaroroonan namin. Ilang kilometro lang ang layo nito mula sa resort. Kung sakali ngang maaamoy kami ng mga Gehenna o mga aso dito, posible na ring maamoy nila ang ibang nasa resort. We have gasoline to cover our scents but any drop of it is needed and we can't waste it now. Tama si George. It's our second day here and we can't stay here any longer. Hindi pa namin alam kung kailan darating ang mga galing sa Macedon. We believe in Captain Perez since he is the only one who has communication with them.

Hindi pa man nakakababa sina Selena at Phoenix sa sasakyan nila ay alam ko ng hindi kami nagtagumpay sa araw na 'to.

Lumapit ako kay Phoenix na kakababa lang. Hindi pa man ako nakakatanong ay alam na nya kung ano ang nasa isip ko.

"No one took the bait." He sighed.

"Maybe they're not in there."

"I don't think so. We enhanced the trap so let's just pray that we will have it tomorrow." Ani Phoenix kaya tumango na lamang ako.

I heard a sound from a bird kaya napatingin ako sa mga puno. It's been so long since I've heard one. Like three weeks ago. It's a sad thought that even them are slowly vanishing. The silence is scary without their sounds. Nanlamig ang kamay ko nang makita ko kung saan nanggaling ang tunog. It's a grown colored brown bird and it's watching us.

"Come on, Aide. I think they'll start." Ani Hakeem habang dala ang baril nya.

Since wala pang dumarating mula sa Macedon, sina Selena na muna ang magsusuri sa kung anong posibleng kahinaan ng mga asong nakuha namin.

Tumabi ako kay Phoenix nang makapasok na ako sa loob ng bahay. The stray dogs are getting wild and loud. I'm worried na baka marinig sila ng ibang nasa malapit. Ang ilan sa amin ay nasa labas para magbantay. Walang mga malalang sugat sa katawan ang dalawang asong kaharap namin ngayon kaya malalakas sila at halatang gutom na gutom na.

Idinetalye ni Selena ang lahat ng mga impormasyong nakalap nya tungkol sa mga aso. They're discussing about it but my mind is flying somewhere else. Somewhere I've always want to see again. Granjero. Lumakad ako patungo sa isa sa mga kwarto ng bahay at dumungaw sa bintana. Hindi ko na nasundan ang mga sinasabi ni Selena dahil abala ang mga mata ko sa kakahuyan na nasa likod ng bahay. The sun is high since it's still eight in the morning. The weather is nice but I can't feel the air brushing my skin. Tahimik ang paligid.

If everything will turn out great, if they will hear our sentiments, I'm sure we will be able to go back to Granjero and do everything to survive in the coming days. Kung aalis kami, oo't mababawasan sila pero kukonti rin ang kailangan nilang pakainin. Captain Perez is a good man, at marami pa syang tauhan na makakatulong sa kanya.

If we will be able to find a solution, for sure they will allow us to go back to where we came from. But what about Hebrew and Derine? Biglang napalitan ng lungkot ang nararamdaman ko nang maalalang hindi lang nga pala kami lang ang magdedesisyon rito. And Selena? Will she go back with us this time?

Adelaide: Today For TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon