Chapter 27

4.5K 335 43
                                    

Chapter 27

"S-Selena..." Malakas ang kabog ng aking dibdib.

Humakbang ako palapit sa kanya at niyakap sya. Ang kilala kong matapang na Selena ay para sa akin ay mas naging matapang ngayon. Not everyone can be brave as her.

Humagulgol si Selena sa aking balikat. I hugged her tight to calm her down. I know she's also worried about her sons but she had made a decision. If her husband is alive, I'm sure they will be here together fighting for their people. What a real soldier must do.

Inilayo ko si Selena sa akin at hinarap sya. I don't think I am brave enough to do this but I want to. If I want to live, I want them to live, too. Life alone would be useless. I rather die with them than live alone with those creatures.

"I-I'll stay here... I think I can be of help."

Nakita ko ang pagsigla ng mata ni Selena. Pero agad syang napatingin sa kanyang mga anak kaya napatingin rin ako sa kanila lalo na kay Phoenix. Walang emosyon ang kanyang mukha. Hindi ko ito mabasa. Nanatili ang titig nya sa akin bago sya nagpakawala ng hininga.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako dahil doon.

Inilipat ko ang tingin ko kay Harris na inihilamos ang kanyang dalawang palad sa kanyang mukha bago marahas na ginulo ang kanyang buhok. Umiling-iling sya nang tinignan nya ako. Nanlumo ako. Alam kong magiging mahirap ito kay Harris lalo na't naiwan ang mga kaibigan nya at kasintahan sa bahay.

"Sigurado ka, Aide?" Tanong ni Selena kaya muli ay napatingin ako sa kanya.

Tumingin ako kay Phoenix. Hindi ko sya magawang tanongin. Oras pa lang ang lumipas mula noong sinagot ko sya. Sa totoo lang ay ito ang iniiwasan kong mangyari noon kaya nahirapan akong magpakatotoo sa nararamdaman ko. I don't want to be attached, to rely and to wait for other's opinion now that I've lost my family and the world has changed. Pero ngayon ay nandito na ako sa sitwasyong ito na kailangan kong hintayin kung anong sasabihin ni Phoenix.

"The two important women in my life are here. I think I'm supposed to be here, too."

Nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa aking dibdib. Lumapit ako kay Phoenix at niyakap sya ng sobrang higpit. I'm glad that he understand.

"Harris, hindi kita pipilitin dito. Hebrew can go back with you and you guys can wait for us 'till we're done here." Si Selena.

Nakapameywang si Harris ngayon habang nakatingin sa kawalan. Uminit ang sulok ng aking mga mata nang tuluyang umiyak si Harris. I know how hard it is for him. His mother is here and her girlfriend is left in the house waiting for him.

"Son..."

Sinunggaban ng yakap ni Selena si Harris at humagulgol naman ito sa kanyang balikat.

"I will understand if you will choose to go back home. I'm not getting any younger son and I can't be with you f-forever..."

Muli ay nagsibagsakan ang aking mga luha dahil sa sinabi ni Selena kay Harris. Alam ko kung ano ang pinapahiwatig nya. Mas malaki ang tyansa na mahaba pa ang pagsasamahan nina Harris at Blaire. Selena will understand because Harris will be needing Blaire in the long run. That's too painful to hear.

"M-Ma... T-This is too hard..."

"Shh. H-Harris, stay with Blaire. Kailangan ka n-nya..."

Sobrang bigat ng nararamdaman ko kaya iniwas ko na lamang ang aking tingin at hinanap si Hebrew. Nakita ko syang papalabas na sa kinaroroonan namin kaya agad akong tumakbo para habulin sya.

"Hebrew! Where are you going?!"

Ilang beses ko pa syang tinawag bago sya tuluyang huminto. Galit ang aking ipinakita nang tuluyan ko na syang makaharap. Pulang-pula ang kanyang mukha at may galit sa kanyang mga mata. Pinahiran nya ang kanyang pisngi.

Adelaide: Today For TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon