Chapter 22

4.7K 355 60
                                    

Chapter 22

My instincts kicked in the moment I saw her shaking hands with a gun.

I heard them stopped me from pointing my barrel to where Carol stands but I didn't recoil. Uminit ang sulok ng aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Nagsisimula ng manginig ang aking kamay sa galit pero pinigilan ko ito at mas itinuon ang pansin kay Carol.

She moved her head sideways as she suppressed her tears. Bakit ako nakakaramdam ngayon ng konting awa sa kanya? Bakit ganito?

"Carol, put your gun down." Phoenix growled pero itinutok lamang ni Carol ang kanyang baril kay Phoenix na ikinagulat ko.

Sa aming lahat, ako lang ang nakatutok ng baril sa kanya. Pinigilan nila ako kaninang tutukan pabalik si Carol para siguro hindi masyadong lumaki ang tensyon. But I can't. I gritted my teeth as anger ate me.

Naririnig ko ang mga hininga ng mga kasama ko pati ang iyak nina Blaire at Reign. Si Harris naman ay agad na inasikaso ang duguang si Eason.

"N-Nick..." Carol cried.

"Carol, we won't harm you. G-Give me your gun." Selena convinced pero umiling-iling lamang sya.

"A-At anong gagawin n'yo sa akin?!"

"Kakausapin ka lang namin!" Si Phoenix.

"N-No! I d-didn't mean what I did! Hindi ko sinasadya 'yon! Nick, p-paniwalaan mo ko!"

Humagulgol na sya sa iyak. Oo, may konting awa akong nararamdaman sa kanya. Pero ngayon ay tuluyan na itong maglaho ng maalala ko si Simon.

How can he die like this?! Sunod-sunod ang pagbagsak ng luha ko pero hinayaan ko lamang itong dumaloy sa aking pisngi.

"W-Why did you killed him?"

I stammered but I don't care. I want an answer.

"Aide, not now." Phoenix whispered.

I glared at him before I look at Carol once again. Nasa akin na ngayon nakatutok ang baril na hawak nya. Wala akong pakialam kahit alam kong kaya nya akong barilin. All I can see in her eyes is anger.

Galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

"Harris, take Eason to your room." Kalmadong sabi ni Selena na agad namang sinunod ni Harris.

Hindi ko na sila tinignan pa dahil ang buong atensyon ko ay nasa kay Carol.

Mas lalo lamang umiyak si Carol. Hindi ko alam kung ano ang kanyang dahilan at 'yon ang gusto kong marinig sa kanya.

"Carol..." Phoenix slowly took a step towards her.

She flinched and pointed the gun to him. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib kahit alam ko namang 'di magagawa ni Carol iyon kay Phoenix.

"Carol, we can talk about this..."

"N-Nick, I-I'm sorry..."

Nanlaki ang mata ko nang bumagsak si Carol sa kanyang kinatatayuan. Her hand is in her mouth at nabitawan nya ang kanyang baril. Phoenix rushed to her and took the gun away before he helped her back to her feet.

I clenched my jaw at the sight. Malumanay ang mga mata ni Phoenix habang nakatingin kay Carol.

Selena heave a deep sigh bago hinawakan ang kamay kong hindi ko pa naibababa. Marahas na pinahiran ko ang aking basang mukha bago ibinalik ang aking baril sa gilid ko.

Tinignan ko si Hebrew at walang emosyon ang kanyang mukha habang nakaharap sya kay Phoenix at Carol. Si Selena ay may hawak na posas itinatago nya sa kanyang likod.

Adelaide: Today For TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon