Chapter 19

4.5K 325 25
                                    

Chapter 19

"Wait. Ako ang susundo sa kanila." Ani Phoenix kaya hindi kami natuloy sa paglabas.

"No, dito ka lang. Ako na." Maotoridad na sabi ni Selena.

Hindi ako nakapagsalita. Dahil hindi ko rin alam kung ano ang mas mabuting gawin.

"Ma, I know that place better than you!" Angal ni Phoenix.

Umiling-iling lang si Selena, itinaas nya ang kamay nya para tumigil na si Phoenix.

"You don't understand! I can't be just sitting here while my sons are outside, their lives are at risk! Phoenix, makikinig ka sa akin!" Galit na sigaw ni Selena.

Inihilamos ni Phoenix ang dalawa nyang kamay sa kanyang mukha at marahas na ginulo ang kanyang buhok. He is furious. Ayaw nya ring hayaang si Selena lang mag-isang sumundo sa kanila.

"Then the two of you should go." Sabay silang napatingin sa akin. "I can handle myself here. Besides, this is where I grew up and as long as I'm here, nothing will happened."

"No." Agad na sabi ni Phoenix. Umiling-iling rin si Selena.

"We are wasting time! At mas mabuti rin na kayong dalawa ang sumundo sa kanila!" I convinced them.

"We can't leave you alone in here!" Galit na sabi ni Phoenix kaya napaigtad ako sa gulat.

"You can! Phoenix, kapatid mo ang nandoon!" Galit ring sagot ko sa kanya.

Hindi nya ako naiintindihan. If I could turn back the time, hindi ko sasayangin ang oras. Kung hindi siguro ako nagpadala sa takot ko ay buhay pa ang kapatid ko na sigurado akong nagtatago sa ilalim ng kama habang nakasuot pa ng uniporme. Sunod-sunod na bumagsak ang luha mula sa mga mata ko. Alam ko kung gaano kagusto ni Selena ang makita agad ang anak nya. Umiling-iling ako.

"You guys will go. Maiiwan ako dito." Matigas kong sabi sa kanila at pinunasan ang pisngi ko.

"Aide..." Nag-aalalang sabi ni Selena.

"Selena, sila ang pakay natin dito! We are here now for them! Ilang oras na lang at makakasama na natin sila. Let's not waste it. The both of you has to go." I want to push them away.

The more time we spent arguing about this, the more time we're wasting.

"Let's go and get that car. Tatakbo lang ako pabalik dito." I told them bago kinuha ang backpack ko na kumpleto ang laman.

Ini-spray ko muna ang pabango sa katawan ko bago dahan-dahang naglakad papunta sa pinto sa harap. I opened the door and I saw about a dozen of changers wandering around. Huminga muna ako ng malalim bago tumakbo papunta sa daan. Agad kong nakuha ang atensyon ng mga changers na nasa malapit lang habang ang iba naman ay patuloy parin sa walang katapusang paglalakad.

They growled and gnashed. Noong unang araw na makaharap ko sila ay halos mabaliw ako sa takot. But now, I see them as a hostile. If I won't kill them, they will kill me.

Three walked groggily towards me and I pierced my sword to each of their brittle heads. They fell to the ground and I darted to where my house is. I raced passing my neighbor's houses before I reached the house of the Morgan. Hiningal ako sa pagtakbo pero hindi ako tumigil. Four changers huddled towards me. Their stench is giving me headache kaya tinakpan ko ang ilong ko gamit ang isa ko kamay. Niligpit nina Selena at Phoenix ang mga lumapit sa amin.

Nakatayo ako sa harap ng bahay ng mga Morgan bago ako napatingin sa bahay namin.

Bumigat ang pakiramdam ko habang inaalala ang lahat. Sobrang gulo ng paligid na parang may nangyaring gyera dahil sa mga tama ng baril na nasa mga sasakyan at ibang parte ng kabahayan. Sobrang dami ng basurang nagkalat sa paligid at may iba ring mga katawan ang nasa mga sasakyan at kalsada. Karamihan sa mga ito ay hindi na masikmura.

Adelaide: Today For TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon