Chapter 26

4.8K 336 20
                                    

Chapter 26

Nagising ang lahat dahil sa maingay na mga yapak ni Phoenix.

Hindi ko rin maiwasang hindi makagawa ng ingay lalo na't maging ako ay nagpapanic rin dahil sa sitwasyon ng Camp at lalong lalo na kay Selena.

Sinamahan ko si Phoenix papunta sa basement kahit madilim pa. Nakita ng ibang hindi nakakaalam tungkol sa hidden room ni Selena ang pagbukas ng malaking picture frame. Nalaglag ang kanilang mga panga maliban kay Harris na sapo ang kanyang noo at pabalik-balik ng lakad.

Hindi na pumasok ang iba at kami nalang nina Phoenix ang kumuha ng mga armas na dadalhin namin.

Yes, after Selena's call. We made a decision of getting her away from the camp. A selfish decision? Yes, it is. In this different world, people makes selfish decision for their loved ones.

"Ate! Sasama ako sa inyo!"

Kanina pa pinipilit ni Hebrew na sumama sa amin pero ayaw ni Phoenix. Ayaw ko rin lalo na't alam kong mapanganib ang gagawin namin.

Pagod ko s'yang hinarap at nameywang.

"Hebrew, mabilis lang kami. Please..."

"No! Ate, hindi! Please, let me come with you!"

"Hebrew! Masyadong delikado!" Hindi ko na tuloy maiwasang magtaas ng boses.

"I know! That's why I wanna come with you!"

"Hebrew..."

"A-Ate, I lost a friend already. At ayokong pati ikaw, mawala rin." Natigilan ako sa sinabi ni Hebrew.

Malalim ang kanyang boses at ngayon ay sobrang seryoso ng kanyang mukha.

"You're the last family that I have..."

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko sa sinabi ni Hebrew. Sinunggaban ko sya ng yakap at humagulgol sya sa balikat ko.

Naaawa ako sa kanya. Hindi sya dapat nag-iisip ng ganito pero alam kong hindi ko makokontrol ang mga iniisip nya. He's just concerned about me. He doesn't want to lose me.

"Hebrew... we are a family here..."

"Ate, please. Let me come with you. I promise, I won't do anythinh stupid."

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Hebrew at hinarap sya. Hebrew is tall, almost as tall as Harris. And I've seen all the changes he had made with his self.

"I'll convince Phoenix-"

Naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang sigaw ng mga babae sa loob. Tumakbo kami ni Hebrew papasok at nakitang inaawat ni Eason at Blaire si Phoenix na kinukwelyuhan si Harris.

"Phoenix!" I yelled and went to them.

Matalim ang mga titig ng magkapatid para sa isa't isa. Masyado pang maaga para sa ganito! At sa nangyayari ngayon, hindi sila dapat nag-aaway!

Marahas na hinila ko ang damit ni Phoenix kasabay ng pagtulak ni Harris sa kanya. Hindi man lang ako tinignan ni Phoenix. Nakatiim ang kanyang bagang habang masamang nakatitig sa kanyang kapatid.

"What is wrong with the two of you?!"

Umalingaw ang boses ko sa buong bahay. Nagulat sila at kahit ako rin ay nagulat sa sarili ko. Naiinis ako kay Phoenix. Oo't nag-aalala sya para sa mama nya pero hindi makakatulong ang mainit nyang ulo sa lahat ng nangyayari.

"I'll go no matter what you do." Tiim bagang na sabi ni Harris sa kapatid habang nakahawak sa braso nya si Blaire na mukhang iiyak na.

"I said no! You will stay here!" Galit na sagot ni Phoenix sa kanyang kapatid.

Adelaide: Today For TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon