Chapter 2: Transferee

2.2K 85 1
                                    


JESS

Lahat ng dadalhin kong gamit at kasuotan ay nakahanda na. Ang Kuya ko ay inihanda na ang kotse para sa pag alis namin, naayos niya narin ang enter form ko sa school niya. Wala na daw akong proproblemahin, ang kailangan ko nalang gawin ay ipasa ang exam na ibibigay sakin sa susunod na araw.

Mami-miss ko itong bahay namin dahil maiiwan ito ng mag isa, aalis rin kasi ang iba naming mga katulong dahil magbabakasyon sila, babalik rin naman sila sa mga susunod na buwan.

"Jess, Tara na!" sigaw ni Kuya mula sa labas. Binilisan ko namang bumaba kasama ang malaki kong maleta.

"Bye Yaya, mami-miss ko kayo." paalam ko sa Yaya namin.

"Sige, mag-iingat kayo." yun lang at binilisan ko ng lumabas ng bahay at inilagay ang maleta sa likod ng kotse, nahirapan pa ako ilagay yun doon dahil medyo mabigat ang maleta ko pero kayang kaya ko naman buhatin.

Si Kuya naman ay kinausap pa muna ang iba pang mga katulong namin at ako ay naghihintay lang.

Bumalik si Kuya at pumasok na sa loob ng kotse. "Are you ready?" tanong niya bago paandarin ang engine. Tinanguan ko lang siya na may nanabik na ngiti.

Binuksan ni Yaya ang gate bago pinaandar ni Kuya Jeck ang sasakyan, pagkatapos nun ay nakalabas na kami ng village habang palayo kami ng palayo ay hindi ko na nakikita ang village na kanina ko pa pinagmamasdan.

"Kuya, anong itsura ng school niyo?" curios kong tanong. Kahit nagkikita kami lagi ni Kuya Jeck ay hindi namin napaguusapan ang tungkol sa school niya, hindi ko nga rin alam kung saan siya nag aaral. Ngayon ay parehas na kami ng eskwelahan na papasukan, halo-halo ang emosyon ang nararamdaman ko may pananabik at kaba akong nararamdaman.

"Maganda siya at malalaki ang mga gusali doon. Hmmmm, ano pa ba? Ah! Maraming kalalakihan doon, halos lahat doon ay lalaki talaga." Ha? Taka akong nakatingin kay Kuya Jeck. Hindi ko siya nasundan sa sinabi niya o baka kaya mali ang pagkakadinig ko.

"Ha? Ano ulit yun?" tanong ko pa ulit sa kanya.

"Ano ba ang hindi mo naiintindihan sa malaki ang gusali, maganda at puro kalalakihan ang nag aaral doon?! At isa pa pansamantala kang maninirahan sa isang dormitory, pagpunta natin doon ay tutulungan kita sa gamit mo."

Ha?

Ha?!

HAAAAAAAAAA!!???!

"HAAAA!!!"

No this cant be happening. What he just said?! Puro kalalakihan ang nag-aaral don?! Is that mean nag-aaral siya sa ALL BOYS SCHOOL?! Ahhhhhhhhhh! NO WAY!

Ok! I want to back out! Gusto ko bawiin ang sinabi ko! Ayoko na mag transfer! AYOKO NA!!

"Kuya ayoko na! Hindi na pala ako lilipat ng school, pauwiin mo na ako! Promise mag papaka-behave na ako, hindi na ako gagawa ng kalokohan. Uuwi na ako on time, tsaka yung magpapakamatay ako? Ha! Joke lang yun alam naman natin na 'di ko gagawin yun. Kaya PAUWIIN MO NA AKO PLEASE!!" pagmamakaawa ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin!! Gusto kong maiyak sa narinig ko. Hindi ako nababagay doon sa school na iyon at the worst thing is titira ako with Guys sa iisang DORM! which means may ka-roommate kang lalaki! Sige nga ikaw nga, trying to move on pero ang makikita mo sa umaga pag gising ay mga hot boys! Shit ano ba iniisip ko malay mo panget yung mga lalaki doon--sorry judgemental ako. Hindi ko ata kaya kung titira ako sa isang Dorm na puno ng lalaki na maskulado at kayang kaya baliin ang magaganda kong buto, I think thats a total hell!

"Magkasama naman tayo ng Dorm diba, Kuya?" I asked Kuya. Oo tama pagkasama ko si Kuya ay magiging Ok lang ako dahil meron akong kasangga!

"Hindi! at saka wag ka ngang maarte diyan, malay mo maging lalaki ka o kaya naman makahanap ka ng pamalit doon sa EX mong nanloko sayo." Sabay tumawa si Kuya jeck! Naririnig niya ba sinasabi niya? Eh kung sakalin ko kaya ito! Maarte daw! sino hindi magiinarte huh? Makikisalamuha ako sa mga hindi ko kakilala, hindi pa ako ready para dito!

Guys Do Fall In Love With Gays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon