Chapter 21: Ignoring Him

1K 61 2
                                    


Jess

"Brent, bumili ako ng donut, tara share tayo oh!" pilit kong inabot ang donut kay Brent!

"No thanks, busog ako." bagsak ang balikat ko kinuha pabalik ang donut na pilit na ibinibigay ko!

"May problema ba?" i forced myself not to act sad.

"Wala.. Ano naman ang problema?" walang emosyon niya pang sabi habang binabasa ang libro niyang hawak!!

"Kanina mo pa kasi ako hindi pinapansin.. kaya naisip ko, kung may nagawa ba akong mali sayo.. kasi di ako sanay na hindi mo ako kinakausap." malungkot talagang sabi ko!

Pero.. Hindi siya nagsalita..

Para akong nanlulumo, ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya. Nasanay siguro akong lagi niya akong kinukulit, pinapatawa, kinakausap at marami pang bagay na nakasanayan ko sa kanya araw-araw na ngayo'y ay hindi niya ginagawa sakin!

Ang cold niya..

Pagkatapos kasi nung Movie Marathon namin kahapon nila Penny at ng family and friends niya ay kaninang umaga pa ako hindi pinapansin ni Brent, kapag kakausapin ko siya parang hangin lang akong dumaan, kapag gagawa ako ng paraan para makausap siya ay parang iwas siya at kapag tatanongin ko naman siya ang tipid sumagot!!

Ano ba kasing nagawa ko dito sa taong ito at ganyan nalang siya maginarte! Enjoy ako kahapon tapos ngayon malungkot.. Brent naman kasi mahal na mahal naman kita eh..

(⊙_☉)

Nagulat ako sa sinabi ng isipan ko.. WTF! Mahal na mahal? Ahahahaha, bilang kaibigan naman kasi. Hehe..

"Uy, Brent naman eh." pagpupumilit ko pa sa kanya pero hindi niya parin ako nilingon. Napapikit pa ako sa sobrang inis pero hindi ko yun pinakita sa kanya. "Brent kausapin mo 'ko! Ka-u-sa-pin mo ako!" I whispershouted on him, pero wala parin.

Umalis ako sa pagkakahawak ko sa kanya at malungkot na tumayo at naglakad papasok sa bedroom sabay inihiga ang katawan ko. Doon ako nagsimulang malalim na nagisip..

Ano ba nagawa ko don at ganon nalang siya ka-cold sakin? Kasi kung ako tatanungin, wala akong makitang dahilan para magalit siya saakin o kaya bigyan niya ako ng ganong treatment. Psh, kainis ka naman Brent!

Kapag ikaw ginantihan ko diyan Brent.. Ay, Nako!

*ting!! *ting!! *ting!! 💡

Aha! Kung gantihan ko kaya siya! Hehe. Ano naman kaya 'yon.. Wala ako maisip..

Eh kung hindi ko narin siya pansinin! Ahahahaha, para alam niya feeling ng maisnob at makonsensya naman siya! Diba! Diba?! Siguro naman kakagat yon sa paen ko. Hehe. Kilala ko yun, mabilis rin maguilty yun tulad ko.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko at naligo muna.. Pagkatapos ay nagbihis ako ng pinakamaiksi kong short at Tshirt.

( ̄_ ̄)

Hindi pa pala ako nakakapaglaundry ng damit ko. Hehe..

LUMABAS AKO NG BEDROOM AT KINUHA ANG DONUT NA HINDI NIYA MANLANG GINALAW!! PESTE!!

Sige ganyan ka lang, pagsisihan mong hindi ako pagpapansinin!!

"Oy! Christian!" tawag ko sa kanya at nilingon niya naman ako ng nakangiti.

"Bakit?" tanong niya.

"Gusto mo donut? Masarap yan, binili ko talaga yan para satin dahil sa sobrang sarap di ka makakatanggi! Sa itsura palang masarap na tapos mga flavors ay sweet caramel, strawberry, meron ring mocha flavor, tapos dark chocolate with choco chips, tapos vanilla grenade at may choco chips rin, at marami pang iba na ang sasarap talagaaaaaa.." pagpaparinig ko pa doon sa isa. Bleh! Magtakam siya sa pagkain na dinala ko! Ginastos ko pa naman yon para pang peace offering kahit wala naman akong ginawang masama sa kanya! Ngayon mo ko hindi pansinin.. WAG TAYONG MAGPANSINAN!!

Guys Do Fall In Love With Gays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon