Chapter 6: Unexpected Day

1.6K 71 0
                                    


JESS

Tuesday

"Hmmmmmm." Ang sarap ng gising ko. Hehe.

Tulog pa silang pito ah mukhang maganda ang mga panaginip nila, mga nakangiti kasi sila habang natutulog.

(⊙_☉)

My eyes widened. Realizing our numbers increased, mukhang kompleto na kami sa loob ng dorm!

Uh-oh Bakit dumami ang mga lalaki dito? OMO! baka sila na yung wala dito nung past two days. Kinakabahan naman ako kailangan ko pa pala makipagclose sa kanila, nandito naman sila Brent at Jason eh, kilala ko narin si Micon, for sure tutulungan nila ako makipagkilala sa kanila at kung may mangyari man sakin ay pwede nila akong ipagtanggol.

Ang daming tumatakbo ngayon sa isipan ko, baka 'di nila ako magustuhan, baka may magalit saakin, pano nalang kung ayaw nila sa bakla. Nakakakaba naman, pati yung lalaking katabi ni Jason matulog mukhang miyembro ng Mafia.

Ok, Jess. OA mo na. Paano naman magkakaroon ng mafia dito. Well pogi siya pero sa itsura niya ngayon sa pagtulog ay nakakunot ang noo, mukhang pikonin itong lalaking ito.

Tumayo agad ako at pinatay yung alarm sa cellphone ko baka kasi tumunog agad. Ang aga ko pala magising 6:03 am palang.

Nagbihis muna ako ng pangligo, nakalimutan ko kasing magbihis kagabi. Kumuha ako ng towel at damit. Dito na ako magbibihis sa CR baka magising sila at makita nila yung maganda kong katawan kung doon pa ako sa bedroom magbibihis. Haha.

---

Natapos na ako maligo at nagbihis na. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin at..

( -_- )

Ano bayan ikli ng short ko. Wala naman kasi akong hanggang tuhod na shorts. Mahahalata talaga nila akong bakla eh!

Lumabas na ako ng CR. Sumilip muna ako kung natutulog pa sila. At, thank god! Tulog pa din sila.

Lumabas na ako ng Bedroom, at umupo sa sofa dito sa sala. Nakakabagot! wala man lang akong kasama at kausap dito.

Binuksan ko muna ang phone ko at nag open ng Facebook, meron akong 7 messages at 8 notification. Tinignan ko ang messages ko, mostly doon sa mga bestfriends ko at kay..... Liam. Tinignan ko yung message niya.

From: Liam

Saturday 6:03 pm
Plsss. Magusap naman tayo.

Sunday 10:00 am
Maghihintay ako ng sagot mo.

Sunday 4:16 pm
May sasabihin ako sayo!

Monday 6:03 am
Alam ko galit ka saakin. Pero Please let me just talk to you. Kahit sandali lang.

Monday 6:30 am

Plsss.. Magkita naman tayo kahit ilang minuto lang, alam kong galit ka talaga saakin pero plssss. kunting oras lang.. Personal ito, Jess.

Buti alam niyang galit ako sa kanya. Bahala siya sa buhay niya mag chat siya kung kailan niya gusto wala akong pake. 6:35 am na, pinatay ko na yung phone ko. Pumunta ako ng kusina at maghahanda nalang ako ng almusal namin kaysa sa mainis lang ako sa pagbabasa ng messages. Wala ako sa mood ngayon dahil sa nakita kong message ni Liam. Panira ng Umaga!

Bakit naman ako makikipagkita sa kanya? Ang kapal naman niyang utusan ako. Bakit ano bang sasabihin niya: Please wag kanang umasang magbabalikan tayo, wag muna paasahin yung sarili, alam ko ang hot at ang gwapo ko pero pinaglaruan lang kita, pwede naman tayong maging magkaibigan, bakla ka kasi kaya ayokong mabuhay na laging pinipintas nung kung sino sino, ang totoo ayoko talaga say——

Guys Do Fall In Love With Gays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon