Chapter 11: Sweet

1.5K 60 5
                                    


BRENT'S POV

Ano na kaya nangyari sa kanya? Hmmm.. Arghh.. Nakakainis naman kasi!

Ang totoo gusto ko talaga sumali ng Basketball, epal lang kasi si Papa! Kailangan daw mataas ang grades ko. Ano naman kaya gagawin ng grades ko sa larong basketball? Titigan?

Wala naman pake saakin iyon, ang nag aalaga lang naman saakin ay yung pera niya! Walang kwentang pera, at papakialaman niya buhay ko!? Tch.. Sino ba siya sa akala niya? Siya ang tatay ko na mas mahal pa ang business partners niya. Kung alam niyo lang.

Naiinis talaga ako sa kanya! Tinawagan niya kasi ako last time, at ang sabi niya: 'bawal ka maglaro ng basketball sa school mo, you should only focus on your studies, not anything else. Para naman maipagmalaki kita'

Diba kung maka-pressure! Ang bait niyang ama, salamat sa kanya may taong naiinis sakin ngayon. I don't want to hate him, but I really do.

Alam ko naman yung mga consequences pag maglalaro ako ng Basketball, but that's my Passion. Thanks to my dad talaga! May naloko pa siyang tao, kinontak niya ang Principal ng University ko at sinabing bawal ako makapaglaro dahil may asthma ako. Nakarating sa Coach ng Basketball na bawal sumali ang nagngangalang Brent Almorez kung sakaling may magpakitang ako sa tryouts. Gumawa pa talaga si Papa ng paraan para hindi talaga ako makasali ng laro, pero parang sobra naman ata yun! Ginamit niya pa ang kapangyarihan ng pamilya namin para lang magsinungaling.

Pati ngayon si Jess, nagagalit saakin. Ano ba naman kasi yung dahilan ko na 'yon? Nakakainis talaga ang set up ng buhay ko. Hayst, 'di ko alam kung ano nagustuhan ni Mommy kay Papa. Magkaibang magkaiba sila ng pag-uugali.

Hindi ko kasi alam kung ano idadahilan ko kay Jess kanina kaya sinabi kong tinatamad ako. Hindi ata siya satisfied sa sinabi ko kaya nagalit siya, naalala ko pa yung mukha niya kanina kung gaano siya nainis saakin at mag walk out. Hindi ko naman siya masisi kung ganon ang naging reaksyon niya, wala kasing kwenta ang excuse ko.

"Bro, wag ka ngang kabahan diyan! Kilala ko yun si Babe, for sure iintindihin ka nun." Masama kong nilingon si Drake. Naiinis talaga ako pag tinatawag niya si Jess ng Babe.

"ANONG BABE?! Wag ka ngang feeling diyan! Hindi ka nun magugustuhan!" Inis kong sabi kay Drake. Parang nagulat naman sila sa sinabi ko. Tch, kakakilala palang nila ay tatawagin niya si Jess na babe? Alam kong biro lang iyon ni Drake pero kahit na! Ayaw kong maririnig na tawagin niya si Jess ng babe.

"Whoaa, Brent.. where did that come from? Syempre biro lang iyon." Pagpapaliwanag ni Kean sa sinabi ni Drake. Kahit ako ay hindi alam kung bakit ko sinigawan si Drake, nadala lang ako ng damdamin.

"Ikaw ah! May gusto ka ata kay Jess, eh?" Bigla akong napalunok sa sinabing iyon ni Micon. Iniwas ko pa ang tingin ko.

"Wa-Wala! Bestfriend ko iyon diba! Dapat lang na protektahan ko siya." Depensa ko. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko kasi wala namang nagpaliwanag doon kung bakit ganun na lamang ang aking reaksyon. Wala rin namang ginagawang masama si Drake.

"Alam namin. Were just making fun with you, grabe ka naman kasi maka-react.." Jason said.

"Ewan ko diyan kay Brent, bigla nalang nasigaw. For sure magugustuhan niya yan si Jess," may kasiguraduhan sa boses na iyon ni Drake. "Look maganda si Jess para sa isang bakla, kung naging babae nga siya baka marami na sa kanyang nanligaw. Which is meron na nga." Sabi ni Drake na parang tinutukoy ang sarili. Sigurado ba siyang liligawan niya si Jess? Knowing him, he probably joking. Tumayo siya at lumabas ng bedroom.

"A-Ah bahala nga kayo diyan." Sinusubukan kong iwasan ang topic na 'to! "Sa tingin niyo nasaan kaya siya? 30 minutes na siyang wala, baka ano na nangyari sa kanya." Baka nga may nangyari na nga sa kanya at natagalan makabalik si Jess. Sana naman ay wala. Hahanapin ko na nga lang siya.

Guys Do Fall In Love With Gays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon