Chapter 3: Reunited

2K 83 2
                                    


JESS

"Brent?" tawag ko sa pangalan niya.

"Jess?" tawag niya rin sa pangalan ko!

"BestFriend!!" Lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap. Dahil sa namiss ko siya ng todo niyakap ko siya nang mahigpit kasabay nun ay nagsisitalon ako sa tuwa, nang mapansin ko parang nasasaktan siya bumitiw narin ako. Nakangiti parin siya kahit halata sa mukha niya na nasaktan siya ng kunti.

Masaya ako nakita ko ulit siya, its been a years narin, dami narin nagbago.

"Parang namiss mo talaga ako ah at pinuntahan mo pa talaga ako dito?." Then he winked on me.

"Wow! Feeling mo uy! Dito ako mag aaral." Natatawa kong sabi. Ang feeling naman kasi niya, ahahahaha.

Malaki na ang BestFriend ko malaki narin yung ano niya yung ano—ano... Katawan kasi! Wag dirty minded. Ahaha. Dati sa Facebook ko lang nakikita pictures niya pero ito siya ngayon sa personal na ulit. Parang Artista lang?

"Oh! So anong ginagawa mo dito? 'Di mo manlang ako na miss nakakatampo kana ah!" bingi ba siya? dito nga ako magaaral kakasabi ko lang. Naging gwapo lang bingi n at anong sinasabi niya di'ko siya na miss eh siya nga di nagrereply sa chat ko, siya pa ang nagtatampo, diba dapat ako yun? Ako!

"MAGAARAL NGA PAULIT ULIT! At ikaw pa ang nagtampo ah?! Ikaw kaya hindi nag rereply sa mga chats ko! Di ko na alam ang nangyari sayo, akala ko ay 'di mo na ako kilala!" Totoo naman eh. Hindi siya nagrereply sa mga chats ko at mag online ay paminsan-minsan narin.

Napahawak nalang siya sa batok niya at umiwas ng tingin. "Eh kasi naging busy narin ako kaya dina ako masyadong nakaka-online. Sorry." sabi niya yun ng hindi tumitingin saakin at para naman siyang hindi komportable pag usapan ang bagay nayun. Ano kaya ng problema? Ah nevermind.

"Edi umamin karin! Haysss. Wag mo nang isipin yun ang importante reunited na ulit tayo. Hey musta na pala? Nag iba na ang build nang katawan mo ah! Marami na bang naghahabol sayung chikababes? May fansclub karin ba tulad ni Kuya ko? Kwento ka naman." siniko-siko ko pa siya habang sinasabi ko mga yun. Eh sino ba naman di magkakagusto dito gwumapo at lumaki na ang katawan niya 'di nung mga Elementary palang kami taba-taba niya pa nun. Ang tagal narin pala naming mag kaibigan.

"Ako? May girlfriend? Ah-ah not interested at wala akong fansclub dito noh. Tsaka------." Di ko na narinig yung mga huli niyang sinabi kasi pabulong yun. Ano kaya ang sinabi niya? Hindi ko na lamang iyon pinansin pa.

"Ha?! Ano wala kapang girlfriend? Grabe dre naunahan pa kita magkalove life. Gwapo mong nilalang tapos wala ka parin girlfriend. Tulad rin ata kita eh!" tawa kong sabi. College na siya pero wala parin Girlfriend, parang impossibleng 'di ko siya mapagkamalan na bakla rin. Ahahaha. Just kidding.

"Straight ako! Patunayan ko sayo, gusto mo? Tsaka aral muna bago landi." Wow ah sana lahat ganyan! Makipagbreak muna bago landi. Ouch! pati ba naman dito naalala ko parin yung saamin ni Liam?!

"Ikaw na mabait! Wahahahaha. Uy baka gusto moko papasukin? Kanina pa tayo nakatayo dito. Makaramdam ka naman ng ngalay at kung nagtataka ka kung bakit ako may maletang dala nag layas ako saamin at maglilive-in na tayo." biro ko sa kanya. Halata namang hindi totoo yun, hindi ko kaya maglayas noh!

Pinapasok niya na ako sa loob at umupo ako sa isang malambot na sofa.

"Huh? Eh live-in tayo? H-Hindi naman ata pwede kasi dapat enrollee ka dito." Namumula ba siya? Oo, namumula siya pero bakit kaya? Siguro mainit kaya namumula siya pero parang di naman ata, ang fresh ko kasi tsaka may aircon!

"Kaya nga nagtransfer ako dito para magsama na tayo." biro ko ulit, inilibot naman ang mga mata ko sa magiging dorm ko.

"Magsa-sasama?" ano ba bingi na ata siya eh kakasabi ko lang paulit-ulit para siyang si Kuya.

Guys Do Fall In Love With Gays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon