Chapter 22: It's a Mess (Sportfest-part1)

1.2K 53 3
                                    


JESS POV

Everybody is preparing. Ako nalang hindi. Bakit? Dahil sa susuotin kong JERSEY! hindi naman sa pag iinarte ako sa susuotin ko, its just feel not right. Ganon rin naman ang suot nila Mitch at Zack na jersey at mukhang komportable pa sila pero ako ay hindi komportable!!

Una dahil hindi ko alam kung matutuwa ang Kuya ko sa suot ko, Pangalawa ayoko pagchismisan ako, Pangatlo kunting galaw ko lang ay may makakakita sa isang bahagi ng katawan ko na hindi naman dapat makita, at Pang-apat ay maraming tao manonood.

Pagtitinginan kami at ayoko ng atensyon na kakaiba dahil sa suot ko. Feeling ko hindi ako makakapaglaro ng maayos because i feel embarrased because of this wear..

Lets describe my jersy! Number ko ay 9, Persy ang tag name sa likod ng jersy at position ko ay blocker. Ang jersy shirt ay tama lang naman pero ang SHORTS!!

(⌣̀_⌣́)

Sobrang ikli! Mas maikli pa sa mga shorts ko! Yung suot ko ngayon ay konting galaw lang ay makikita na yung cycling ko, pati rin ang pwetan ko! kaya ganito na lamang ako, nakaupo habang pinapanood silang mag-ayos.

Lumapit sakin si Stitch, Zack, at Mitch..

"Hey, Jess! Mag-oopening ceremony na, tara na sa court." si Mitch. We are in a good terms now, para na nga kaming mag sister, minsan nga ay nagusap kami doon tungkol sa hindi magandang pagkikita namin. Inamin niyang nagkamali siya, ok narin naman saakin yon, the important thing is natuto na siya at magkaayos na kami..

"Kailangan ba talaga lahat ng players kasama?" pilit ko pang itinatago ang legs ko kahit kitang kita parin. Hindi ko alam kung pano ako makaka-survive, wala naman akong dapat ikakaba sa laro nahihiya lang ako sa mga iisipin ng ibang tao.

"Mmmm. Ipapakilala pa kasi tayo isa-isa.." si Stitch! Halos manginig ang buong katawan ko sa sinabi niya! Isa-isa kaming ipakikilala, which means wala akong takas, kailangan ko magpakita sa maraming tao. huhuhuhuhu. Why is this happening to me!

(-_-)

"Wait.. Let me guess! Naiilang ka sa suot mo noh?" si Zack na tinuro pa ang buong katawan ko. Agad naman akong tumango as my reply.

"Kaya pala. Ahahahahahaha." mahabang tawa pa ni Mitch. "Look at me and Zack, Jess.." bahagya pa niyang inihayag ang buong katawan niya saakin. "Were wearing a same jersey as yours and.. are you blind? Ang se-sexy natin oh." natatawa pa niyang sabi. Madaling sabihin kasi walang hiya ka naman. Just kidding.

"Nakakahiya kasi.. Sino ba kasi nagpagawa nitong jersey ko?!" pilit ko parin itinatago ang ang legs ko. Kinuha ko ang towel sa may bag ko at itinalukbong doon, saka humarap muli sa kanila.

"Ako, wala akong alam." si Stitch. "Tanongin mo yang dalawang baklang yan, sinabutahe ka." kunot noong nilingon ko naman sila Zack at Mitch, na nagpipigil ng tawa.. At natatawa pa talaga sila sa pinaggagawa nila sakin, eh kong iuntog ko kaya sila parehas..

"Why?!" parang inosente pang banggit ni Mitch, "Hindi lang naman ako ang may pakana ng suot mong yan. Duhhhhh.." then he chuckled. "kasalanan ba namin na yan dapat ang isuot ng mga baklang katulad natin sa ganitong mga palaro."

"Pero wala akong sinabi ganito ang susuotin ko!" inis na sigaw ko. Inirapan lang ako ni Mitch at si Zack at Stitch ay nakikinig lamang..

"Ano ba kasi yang inuulirat mo't takot na takot kang magsuot niy--"

"Maraming tao! Maraming tao! Nakakahiya!" kunwaring pang naiiyak ako. Napabuntong hininga naman si Stitch at nagsalita..

"Wag ka na munang maglaro--" hindi natuloy ni Stitch ang sasabihin niya dahil agad mabilis akong tumayo.

Guys Do Fall In Love With Gays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon