Chapter 15: The Truth

1.3K 66 3
                                    



THURSDAY. JULY 31

JESS POV

This is it. For a week of we practiced, magpeperform narin sila. Ugh! Tapos narin ang lahat ng paghihirap ko sa pagturo ko sa kanila. Nakakastress hoh! Wala manlang sweldo. Ang Unfair. Hindi po libre serbisyo ko noh. Just kidding.

Ok lang naman kahit walang bayad basta manalo sila sa competition. Oo, competition. Anong kinalaman nang Nutrition Month sa competition na iyon? Ang sabi lang ni School President na si Kid. Inadvance daw ang schedule ng Competition sa closing party para sa Nutr. Month kaya pala todo practice itong sila Kuya, hindi manlang sinabi saakin na Competition sasalihan nila. E'di sana mas ginalingan ko pa pagtuturo!

But our last practice kaninang Umaga (wala kasing pasok, dahil sa celebration. Ang bongga lang noh! Walang pasok pag may program. Aba, lakas maka-holiday!) Sobrang dedicated nila. I wasn't expecting na grabe! They blown me away! Sa ganda ng dynamics at tyempo ng pagkanta nila, lagyan mo pa ng hotness (Hey! 'di ko sila pinagnanasahan ah!) Aba! Ewan ko nalang sa girls mamayang manonood sa kanila sa gymnassium, baka mapaos sila kakasigaw. Ihahanda ko na eardrums ko..

And the'y asked me lately, kung anong outfit ang isusuot nila para sa program.. Malay ko kung ano trip nila suotin, suggested ko pa nga Dress. Ayaw naman nila. Oh diba! Wala akong kwenta kausap kaya chupe!

Pero ang VERY BIG PROBLEM namin ngayon ay kung sino ang magiging Drummer!

***

"What the Heck! Kailangan natin ng Drummer! Walang kwenta yung performance kung wala non!" Bwesit na sigaw ni Cassaw (name nung may kulay pula sa buhok, Kuya's friend.) Siya yung guitarist ng grupo nila (kakanta rin siya)

Main Vocalist kasi si Jew, Kuya at si 21. Si Stitch yung sa Piano (Like Cassaw kakanta rin siya, back up singer)

Ang problema kasi sakanila. Saka lang nila prinoblema yung buong grupo pagkatapos nilang maperfect yung song number nila. Di'ba how uneventful? Grabe ilang linggo iyong nilaan nila sa pag kanta pero wala manlang ginawang paraan para sa Drummer. Kaya ayan sila taranta sa paghahanap ng Drummer.

Gabi pa naman yung program, pero kung mataranta sila parang last minute na at maguumpisa na yung competition. Duhh! 8:34 am palang. May less than 11 hrs. pa naman para makahanap ng drummer at makapagpractice ulit. Ewan ko ba sa kanila. Naawa nalang ako sa kanila para mamaya, tuwang tuwa pa naman sila nung na perfect nila yung kanta, pero ako pa nagpataranta sa kanila.. Hehehe ako kasi nagsabi kung bakit wala yung Drummer. Buti pa nga sinabi ko ng maaga pa, baka mamaya pa sila maghabol.

"Yan kasi masyadong pa-cool." I said in whispered. Nakaupo lang ako dito sa sofa habang pinagmamasdan sila. Bigla naman napatingin saakin si Jew na kunot na ang noo. Oh-oh baka narinig niyang sinabi ko iyon.

"Tulungan mo kaya kaming magahanap ng Drummer, will you?" pagsusungit niyang sabi. Kahit kailan talaga ang sungit niya saakin. Sa kanilang lima, siya yung hindi ko pinakaCLOSE! Ang Yabang! Akala mo naman kung sino! Ang panget-panget naman! Che!

"Fine." Inrolled my eyes before get my phone in my bag. Akala mo naman kung sino maka utos.

I asked all of my friends sa Facebook, kung meron silang kilalang Drummer. Yung iba wala daw. Yung iba meron, pero sinabi nila hindi Available. THIS IS SO FRUSTRATING! Pati ako nadadamay sa stress nila, kung hindi ko naman sila tutulungan konsensya ko pa ang papatay saakin. Diba! Hirap maging mabait!

I asked Elly, Loisa at Maxine kung meron silang kilala, pero Argh! Wala rin silang alam. Ano pa ang maasahan ko sa kanila.

Message lang ako ng Message, nang mapindot ko ang Conversation namin sa Messenger ni Liam. Matagal tagal narin siyang hindi nagmemesage ah, 2 days ago. Siguro sumuko na siya, Buti naman at hindi na ako kinukulit!

Guys Do Fall In Love With Gays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon