Chapter 4: Brent?

1.9K 70 3
                                    


JESS

Paalis kami nila Micon at Brent para kitain si Kuya dahil nga sa mag didinner kami. Hindi naman nakasama yung sinasabi ni Micon na Jason dahil daw sa nagfamily dinner siya. Kaya kami nalang tatlo ang magkasama. Lumabas kami ng school para pumunta sa malapit na restaurant na sinabi ni Kuya.

Sa 'di kalayuan natatanaw ko na yung restaurant. Pumasok kami doon at nakita ko rin si Kuya na hawak-hawak yung cellphone niya. Napansin niya na papalapit na kami sa kanya kaya lumapit siya at bumeso saakin. Oh beso saakin, babaeng-babae. HAHAHAHA. Naghawak ng kamay si Kuya kay Brent at Micon, nilapit nila ang dalawang dibdib at nagyakap! Basta intindihin niyo nalang, alam ko gawain yun ng mga lalaki kapag nagbabatian.

"Hey! Kuya nag order kana? Gutom na ako eh." sabi ko sa kanya. Kumukulo na ang tiyan ko sa sobrang gutom eh.

"Hindi pa, malay ko ba kung ano oorderin niyo." Oo nga naman. Natatanga narin ata ako eh.

Umupo muna kami bago tawagin ang waiter para mag order. Nakapag-order na kami kaya umalis ang waiter para ihanda na ang mga yun. Magkatabi kaming dalawa ni Kuya, nasa harapan naman namin sila Micon at Brent. Napansin ko ring tahimik sila kaya inunahan ko na ang magsalita dahil baka nagkakahiyaan silang mag-usap.

"Ok! Kuya, si Micon nga pala dormmate ko, at ito *pointed to Brent* naalala mo si Brent diba? diba!" medyo hyper kong sabi. Kasi, ang tahimik nila kaya ako na magsstart ng conversation.

"Hi. Micon nice to meet you, ingatan mo kapatid ko ah, at Oo naalala ko si Brent. Siya yung kaibigan mo nung elementary at pinagtanggol mo sa bullies." nakangiting sabi ni Kuya. Masaya rin akong ngumiti dahil naalala parin ni Kuya yun dati. Hehehehe.

Tinignan ko si Micon pero tahimik lang siya. Nahihiya pa siguro siya kaya kailangan ko siyang daldalin para 'di siya mailang. Mahirap palang pagusapin ang mga na-oout of place!

"Ahh.. Micon tahimik ka ata. Kwento ka naman para mas makilala pa kita. Hehehe!" tumingin si Micon saakin. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko pero nag wink ako sa kanya at sinabing 'wag kang mahiya' na walang boses.

"A-Ano ba gusto mo malaman?" tanong niya saakin. Halata sa kanya ang pag kailang kaya kailangan ko pa siyang kausapin'

"Anything! Like, ilang taon kana, saan ka nakatira, ilan kapatid mo, what are they like, ano ang sports mo? Basta tungkol sayo para naman pag magkasama na tayo sa dorm di na ako naiilang makipagusap. You know, getting to know each other." ngiti ko pang sabi.

Nagsimula naman mag kwento si Micon.

Nakanta pala siya at take note marami na siyang naka-duet na mga American singers pero hindi yung mga concerts or live shows, kapag may free time ang mga singers, dahil daw doon siya nakatira dati at doon rin nagtratrabaho ang father niya sa isang TV show sa America.

Kumakain lang kami habang nagkwe-kwentuhan nang kung ano-ano, na napunta na ang usapan sa tungkol sa mga embarrasing moments! 'Di narin naman naiilang si Micon, ang daldal niya na nga pati rin si Kuya nakikisabay na!

"Nakakatawa nga yan si Jess eh! Naalala ko nung pumunta kami ng mall. May nasigaw na lalaki ng 'ganda!' tapos lumingon siya. Ayon napahiya nilagpasan ng lalaki. Nagtawanan naman yung mga tao." kwento ni Kuya saka tumawa na akala mo na kami lang amg nandito sa restaurant! Bwesit toh, malay ko ba 'di ako iyon ?! Wala naman kasing maganda doon nung time na'yon eh, kundi ako lang. HAHAHAHA.

"Ahahahahaha! Feeling mo kasi Jess." ayan humagalpak rin ng tawa si Micon. Feeling close agad! Kung kanina gusto ko siyang pagsalitain, ngayon naman gusto ko na siyang takpan ng duck tape sa bunganga. Lakas narin mang-asar sakin! Hahahaha.

Guys Do Fall In Love With Gays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon