THE ENCOUNTER

198 4 0
                                    

ASHLEY'S POV



Thank God it's Saturday. Kahit busy lang ako sa shop , I still wait for Saturdays to come. Gusto ko ding gumala. Gusto kong mag-unwind kahit mag-isa lang ako. Wala na kasi si Jelly na madalas kong katagpo kapag may plano kaming maglakwatsa. Minsan naman ay sa mansion lang kami nag-i-stay. Minsan naman, ako ang madalas niyang yayain out of town.



I went to sit and relax with a cup of coffee at CAFÉ N SIT... I took a first sip of my favorite CAFÉ AMERICANO and I liked it. May biglang lumapit sa akin and as I looked up, he undoubtedly and fondly gave me a quick kiss.



"Hi, angtagal nating di nagkita ah...Saan ka ba nagtago?" Feeling close....parang miss na miss niya ako. Napangiti ako pero nabura ang ngiti ko ng makita siya. Hindi ko iyon inaasahan.



"Huh...how dare you? Angkapal ng mukha mo..." Hahampasin ko pa nga sana siya, ah hindi, actually, sasampalin ko talaga siya pero nasalag niya ang kamay ko.



"Halika dito, lapit ka. " Sabay-bulong sa akin. "Angkalat mong uminom ng kape, may cream pa ang nguso mo".



"Eh ano naman?"



" I am trying to help you wipe it." Ah ganoon? Hay naku, Mabuti at mainit ang kape...kung hindi, iyon ang isinaboy ko sa mukha niya.



Tumayo na lang ako. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Gusto ko pa sanang mag-enjoy sa pagkakape ko. Pero hinabol niya ako at inabutan niya ako sa entrance ng coffee shop na iyon.



"Wait...I am sorry for acting like that. Baka nayayabangan ka na sa akin. By the way, I am Dominic..."



"Hindi ako interesado sa iyo." Nagmadali akong naglakad. Na-beast mode na ako.



"Interesado ako sa iyo. Angtagal nga kitang hinanap. What's your name? " Etchossss! Manahimik ka! Lalo kong dinalian ang paglalakad ngunit mabilis din siya. Mas malalaki ang hakbang niya kaysa sa akin. Hinawakan niya ako sa siko.



"Bitiwan mo nga ako." Napalingon ang mga taong nakasalubong namin at naglalakad sa mall.



"Okay fine. Please, calm down. Let's go back and finish our coffee..." Mahinahon akong naglakad pabalik ng coffee shop.



Madalas din daw pala siya doon. Tuwing matatapos ang lecture niya sa Red Cross, he would come and buy coffee, take a sip and relax. Nagkataon na pumasok ako at magkatapat lang pala kami ng mesa, ni hindi ko man lang siya napansin.



"Pasensiya ka na..." Sabi ko.



"Bakit parang anglalim naman ng iniisip mo? Seryoso kang nagkakape...tapos mag-isa ka lang... Ano na ngang name mo? "



"Hmmm..." Nagdadalawang – isip pa akong magsalita.



"Are you expecting someone? Like boyfriend...naku, baka ipabugbog mo ako." Natawa ako. Nanlaki kasi ang mga mata niya at lumingon sa entrance at tumingin pa kaliwa't kanan to make sure na walang kalaban, hahaha. Ang cute niya, walanghiya talaga! Walang effort ang pagpapa-cute niya.



"Ano ka ba? Walang ganoon..." Nakakasuya naman!



"Anong wala? Wala kang boyfriend?" Tumango lang ako. Natural, sasabihin niyang imposible. Sa itsura ko pa lang, sasabihin niyang nagbibilang ako ng boyfriend.



"That's good...Ako na lang..." Hahaha, best comment ever. Siya na lang daw.



Dumistansya ako ng konti...inilapit kasi niya ang kanyang mukha. Baka mamaya sunggaban na naman niya ako ng halik, eh baka di ako makapagpigil, yayayain ko na siya sa condo ko...



Dominic is hot...Kahit pormal ang suot niya ng araw na iyon...naka-polo-shirt at maong pants...tapos naka-top soder lang siya...nai-imagine ko kung ano ang nasa loob ng damit na iyon. Seksi kasi siya , matipuno ang katawan...may muscles ang braso...at perfect ang kanyang behind. Halatang walang naano...



Nagkape na lang ako sa kabilang ng aking pasimpleng pagpapantasya sa kanya.



"Seriously, bakit ngayon ka lang nagpakita? I am eager to meet you again kaya lang...wala ka na. By the way, who is Angelina?"



"Ah, yung mga loveletter ba ang tinutukoy mo?"



"Why are you there? Bakit mo dala ang box na yun?"



"Medyo mahabang kuwento..." Ayokong magkuwento ng araw na iyon. I'm not in the mood either. "I am sorry about the kiss..." Tiyak na iyon lang ang puno't dulo ng lahat kaya gusto niya akong makita ulit. Baliw!



"Now I understand..." Ah kasi wala akong boyfriend kaya naiintindihan niya ang desperate moves ko. Gusto ko nang mainis pero nagtiyaga na lang ako. Gusto ko ding tapusin ang kape ko. "Okay lang...but I am not going to apologized for the kiss I made earlier...I purposedly did it to make you remember me."



"Forget it..." Nanahimik na ako. "Thanks for the coffee." Iniligpit na kasi ng staff yung coffee ko pagbalik namin. Akala daw niya eh umalis na talaga ako. " I have to go."



Nagmamadali na ako. Ayoko nang tunagal doon kahit isa pang segundo.

MY BEST FRIEND'S WEDDINGWhere stories live. Discover now