LAST NIGHT TOGETHER

78 4 1
                                    

DOMINIC'S POV



I had a great evening with Ashley. Hindi ako nagsisi sa nangyari. Hindi ako nananaginip. Alam ko ang nangyari sa aming dalawa. Paggising ko, wala na si Ashley sa tabi ko. Pinilit kong tumayo kahit medyo nananakit ang mga katawan ko. Hinila ko ang tuwalya sa sopa, katabi lang ng aking kama.



Anggulo sa loob ng kuwarto. Napangiti na lang ako.



Hindi ko inaasahan ang pagniniig namin kagabi. Matagal na rin akong hindi nakaranas nang ganoon. Matagal na rin akong single at kahit may mga nagpaparamdam sa akin at willing sumama sa akin pero di ko feel gawin sa kanila.



I looked around... wala siya sa kusina, wala rin sa banyo. I immediately went to get my cellphone. Pinindot ko ang mga letra. Pero mukhang naka-block ako sa messenger. Huh, bakit? Tinawagan ko na siya. Pero mukhang busy na ito.



Ahhh, shit! Naloko na! Anong nangyari?



Name? Number? This isn't enough. We go beyond boarders. Hindi namin inisip ang mga limitasyon na iyon dahil nasa edad na kami. Pero hindi ko naisip, saan ko ngayon hahanapin si Ashley? Hindi ko naisip na hindi sapat ang numerong kinuha ko. Hindi ko naman alam kung saan siya hahanapin. Hindi ko naisip na alamin kung saan siya nakatira.



Napayuko ako sa dulo ng aking kama. Heto ang ayoko. Matapos kong magpakasaya, iiwan niya ako. Hindi ko iniiisip na kawalan niya ang lahat. Hindi ko ipinagmamalaki na nakuha ko ang gusto ko sa kanya.



Seryoso ako! Gusto ko ng mag-asawa.



Pero hindi nga siguro ganoon kadali iyon para sa kanya. Kung mayroon pa siyang pinagdadaanan, baka nakadagdag pa ako sa alalahanin niya dahil sa nangyari sa amin ng ganoong kabilis.



Anong gagawin ko ngayon?



Wala akong gana pero pumasok pa rin ako. Late na late na ako pero di ako nagmamadali. Sinikap kong mag- look -okay kahit hindi ako feeling okay. I feel bad about this.



Nasaan na si Ashley? Bakit niya ito ginawa sa akin? Why did she even decide to leave me all by myself? This is really frustrating. Hindi ko na siya nakontak simula ng araw na iyon. Imagine mo yung naramdaman ko. Not so much of degrading my manhood. Para bang wala akong silbi sa isang relasyon...



Halos ibato ko ang cellphone ko. Walang silbing cellphone. Palaging busy ang phone niya kahit oras-orasin ko ang pagtawag...kahit minu-minuto siguro...walang mangyayari.



Hindi ko masabi ng diretsahan kay Ashley. I knew her from the very start. Hindi na niya yata ako naaalala. Her friend is Jelly... siya si Angelina. Siya ang babaeng mahal ni Niel na dati kong nagustuhan.



Hindi ko alam na mai-in-love ako sa kanya dahil sa isang di sinasadyang halik. If only I could see her again this time...sasabihin ko sa kanya.



I love her without a doubt.

MY BEST FRIEND'S WEDDINGWhere stories live. Discover now