CLOSED? SURE!!!

62 3 0
                                    

DOMINIC'S POV



Bago pa dumating si Ashley, nagkausap na kami ni Tim. Hindi niya ako inaasahan sa condo ng dating kasintahan. Nanibago siya na iba na ang magbubukas ng pinto sa kanya. Hindi ako umuwi sa sarili kong condo...gusto ko sanang magkaliwanagan kami ni Ashley kaya doon ako umuwi sa kanya. Kahit alam kong madalas niya akong ipagtabuyan... binabalewala niya ang seryosong usapan tungkol sa kasal, di naman ako nag-give up ng ganoon na lang.



Tim wanted to make a closure kaya siya nagdecide na puntahan si Ashley that day. Dumating naman si Ashley pero di niya inasahan si Tim. Gulat na gulat siya. Sinakyan ko ang pakulo niya na kunwari ay aawayin ako. Sa takot ni Ashley ay inilabas niya ito.



Nagkaroon sila ng pribadong oras para pag-usapan ang mga bagay-bagay sa kanilang dalawa.



"Hindi ako nagpunta dito para guluhin kayo ni Ashley." Sana nga eh kapayapaan ang dala niya. Pero dahil sa kanyang drama, nagkaroon tuloy kami ng acting workshop. Iniwan nila ako sa condo. Anyway, ina-update naman ako ni Tim. Sinabi niya na nagkausap na sila ni Ashley at bumalik ito kay Jelly.



So when she got back...I also have a plan...



Iyon na ang magiging huli naming pagkikita. I am going to give her a space... kasing lawak ng outer space kung gusto niya. I can be an alien to her. Hindi na ako nagpaalam.



Tahimik akong sumakay sa kotse. Ilang araw na akong kinukumbinsi ng mga kasamahan ko na sumama sa kanilang misyon sa ibang bansa. Ganoon talaga ang buhay. Kasama sa tawag ng tungkulin ang tumulong sa mga kalapit na bansa lalo na yung nasa panahon ng digmaan at kaguluhan. May ilang linggo pa naman.



After two-weeks.... tinawagan ako ni Niel...tuloy na ang kasal at bestman ako. Everything is set in no time...



Niel can give Jelly a church wedding... simple at hindi magastos. Pamilya na lang daw at malalapit na kaibigan ang imbitado. Pero hindi pumayag si Tito Ponce. Isang malaking handaan ang inihanda para sa kasal nina Niel at Jelly. Simpleng entoturage na lang daw pero very elegant ang mga tabas ng damit. Disente at hindi sumusunod sa paiksian ng tela. At hindi na ako umimik ng gawin akong bestman ni Niel.



Ashley is there kasi bride's maid siya. I kept a distance from her. Iniwasan ko na lang muna siya. Ngitian niya ako pero nagkamali lang. Di naman talaga ako ang ngingitian niya. Hindi na lang niya mabawi. Sina Jelly at Niel ang kinausap ko.



I have to do this because I am about to leave for Pakistan to attend to a Red Cross Mission ng Pilipinas. Hindi ko na iyon sinabi. Tutal, hindi ko nakikitang mahalaga ako sa kanya. Seryoso naman talaga ako sa kanya.



Hindi ko na iyon sinabi kay Ashley. Ayoko din siyang mag-alala. Eh baka lalo ko siyang masaktan kapag nagpakasal nga siya tapos mabibiyuda din pala. Eh di lalo siya sigurong natrauma. Baka isipin niyang napakamalas na talaga niya... kung hindi siya iniwan... this time ay namatayan pa.



Sige, pagtitiisin ko na lang ang sitwasyon ko. Kung di pa talaga siya nakaka-move on... ako muna ang aalis at magpapakalayu-layo. Sasamantalahin ko na lang ang pagkakataon na gusto niyang mapag-isa. Hindi ko na muna siya iistorbohin at medyo matatagalan din bago kami magkitang muli.



Kung magkikita pa kami.



"Tahimik ka namang masyado." Sabi ni Sir Luther.



"Nagpaalam ka ba? Alam mo namang delikado ang lakad natin." Sabi naman ni Sir Toto.



Bigla akong napaiyak... walanghiya talaga! Hindi ko kinaya. Ayoko kasing umalis eh. Tinapik-tapik na lang nila akong pareho. Kinakalma ako. 



Akala ko ba, yung relasyon nila ni Tim ang iko-close niya pero bakit heto ako, talunan na, luhaan pa. Nagpakalasing ako kasama sina Sir Toto at Sir Luther. Dati, sila yung nakikita kong problemado sa mga asawa nila. May isang inaway at isang di nakatikim...minsan lang na-diet, nagmamaktol kaagad. 



Heto ako ngayon....


Basang basa sa ulannnnnn!!!!


Walang masisilungan...


Walang malalapitannnn....


Ashley, ano bang ginawa mo sa akin?????


MY BEST FRIEND'S WEDDINGOù les histoires vivent. Découvrez maintenant