ANOTHER WEDDING

73 3 0
                                    

ASHLEY'S POV



Natuloy din ang kasal nina Niel at Jelly. Syiempre, nandoon ako... wedding coordinator slash bride's maid. At hindi ko din lubos maisip kumbakit ginawa ni Niel na bestman si Dominic. Bestfriend ba talaga sila?



"Eh sinong gusto mo? Si Robin?" Sabi ni Niel. Ay oo nga naman. May point naman siya. Bakit naman si Robin? Huwag na, baka mamaya agawin pa ang bride niya sa araw nang kasal niya. Sige, approve na rin si Dominic.



I feel uneasy habang idinaraos ang seremonya. Sinisimplehan ni Dominic na hawakan ang kamay ko pero hindi talaga maiwasan kahit anong cautious ko. Hindi rin ako tumitingin sa lugar niya , hayaan mo nang magka-stiff-neck ako, huwag ko lang makita ang maamo niyang mukha.



Besides, ayoko sana siyang ka-partner... sabi kasi ng matatanda, hindi raw nagkakatuluyan ang mga magkasintahang nagiging magkapareha sa mga kasal.



"Bakit? Kayo ba?" Hahaha, lakas mang-asar ni Jelly.



"Kung sa kama, OO. Kung sa labas, CONFUSED na ako."



"Loka-loka ka talaga! Huwag mo nang pakawalan." That was the last conversation we made bago tuluyang iwan ni Jelly ang pagiging dalaga. "Ash...love again. Huwag mong sayangin ang pagkakataon. Baka mamaya, mawala nang tuluyan."



Maging sa handaan ay nakadistansya ako sa kanya. One seat apart kami. Ayoko siyang makatabi. Pero pagkaminsan ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. Nag-try siyang lumapit sa akin pero lantaran ko siyang iniwasan at tinatalikuran. Hindi ako nakisama sa pagsalo ng bulaklak. Kinakantyawan ako pero di talaga ako nagpapilit.



Tuluyan akong iniwasan ni Dominic. I was back to my daily routine. Those days na wala pa si Dominic sa buhay ko pero we had an encounter already. Mas naging busy ako sa pagtanggap ng trabaho as a wedding organizer until Jelly made a call.



"Ash..."



"Hmmm, bakit? Any news? Buntis ka na ba?"



"Ash, paalis ngayon si Dominic for Red Cross Mission. Hindi mo man lang ba siya pupuntahan." Bigla akong natahimik. Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.



"Hay, akala ko naman kung ano lang ang ibabalita mo. " Pretending to be masaya.



"Ash..."



"I'm happy that you are both back, safe and sound... ikumusta mo ako kay Niel."


MY BEST FRIEND'S WEDDINGWhere stories live. Discover now