COINCIDENCE OR PLANNED

75 3 0
                                    

DOMINIC'S POV



Hindi ko inaasahan ang pagkikita namin ni Niel. Blessing in disguise din ang nangyari dahil nagkita kaming muli ni Ashley. I am determined this time na malaman kung saan nakatira si Ashley. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon. Di na ako nagkunwari kay Niel.



"Pare, tulungan mo naman ako kay Ashley. Masyadong mailap eh. Dalawang linggo niya akong pinagtaguan...see, patay-malisya pa siya na parang di niya ako kilala, na parang walang nangyari sa aming dalawa."



Matagal kong hinanap si Ashley matapos ang insidente sa ospital. Hindi ko alam kumbakit siya nandoon pero ngayon ko napagtagni-tagni ang mga pangyayari. May koneksyon si Niel at Ashley.



"Magkakilala pala kayo? Tingnan mo itong si Ashley..."



"Well, aksidente lang kaming nagkita sa ospital. Muli kaming nagkita sa mall and we saw each other again until that day..."



Napaisip akong bigla. Saan ko pa nga ba unang nakita si Ashley? Isip, isip, isip...pero bigla kong naisip nung nasa San Juan kami.



"Was she there with Jelly?"



"I think dumalaw ka noon...lagkit nga ng tingin mo sa finacee ko eh."



"Ah, ikaw yung matinding bumakod kay Jelly." Sama ng tingin niya sa akin. Iba na kasi ang hitsura ni Ashley ngayon. Mas naging matured siya sa kanyang mahabang buhok.



Kinulit ko na lang si Niel na tulungan niya ako. Pinapunta niya ako sa kanyang opisina sa LandEscapade.Com kasi pupunta daw si Ashley pero tatlong araw din na kapaparoo't parito ko bago niya pinuntahan si Niel. Naging mailap pa rin siya nang muli kaming magkita. Hindi man lang niya ako pinapansin habang abala siya sa pagtingin sa mga album ni Niel...mga templates daw iyon ng kanilang mga landscaping project. Dinig ko ang usapan nila. Ashley is going over details kung gaano kahirap gawin ang landscaping lalo na only for wedding background and for wedding purposes only. Seryoso ang usapan nila.



Hindi na ako nagtagal...mukhang di niya talaga ako papansin kaya minabuti kong maghintay sa parking area. Umalis ako...doon ako naghintay ng pagkakataon. Kahit matagalan pa siya, hindi ko palalampasin ang pagkakataon ngayon. Ambush ang dating. Pagpasok niya sa kotse, pumasok din ako sa front seat. Hindi na niya ako maipagtabuyan. Nagkaroon kami doon ng konting komprontasyon pero saglit lang at iba na ang nangyari. Usapang matured na ito. Na-miss ko siya at hindi na rin siya nagkaila...matapos ang quickie sa loob ng kotse...I finally heard her say she missed me.



Ako ang naghatid sa kanya at sinigurado kong tama ang lugar na pupuntahan namin. Sinigurado kong nakapasok na siya sa unit para malaman ko kung unit nga niya iyon. Doon ko siya balak balikan.

MY BEST FRIEND'S WEDDINGWhere stories live. Discover now