THE GOOD OLD DAYS

78 3 0
                                    

DOMINIC'S POV



Kinabukasan, na-received ko ang message mula kay Sgt. Jhopet at Sgt. Jin. Abah, nabuhay na naman ang dalawang kolokoy...nagyayaya ng inuman. Siyempre, di ko nakalimutan bumati ng magandang umaga kay Ashley. Nagreply naman siya ng smiley face.



Matagal-tagal din kaming di nagkita ng mga kaibigan kong pulis kaya hindi ko napahindian ang alok nila. Hahahha, na-miss daw nila ako. Okay din silang kasama. Kahit matagal na yung aksidente kung saan ko sila nakilala, di nila ako kinalimutan bagkus naging matalik ko pa silang kaibigan.



"Kumusta na, Sir?" Sabay tapik ko sa mga balikat nila...Kinamayan nila ako.



"Mabuti naman mga sarge. O bakit ngayon lang kayo nagyaya ng inuman?" Tanong ko. Okay din na hindi sila nagyaya kasi busy ako sa mga lectures ko.



"Busy kami Sir sa mga operasyon namin. Ngayon lang kami nakalibre. Na-miss nga naman ang Club Roman. " Sabi ni Sgt. Jin.



"O, ano Sir? Kumusta ang lovelife? Mayroon na ba?" Tanong ni Sgt. Jhopet.



"OO, malapit na. Nakita ko na ang babaeng magiging girlfriend ko?" Proud pa akong sabihin iyon. Nakita ko ang facial expression nila. Hindi sila maniwala.



"Sussss, mahirap yan..." Sabi ni Sgt. Jin.



"Tulad ka pa rin ng dati. Ambagal mo...Mauunahan ka na naman ng iba. Baguhin mo na ang style mo, Sir." Sulsol pa ni Sgt. Jhopet.



Inubos namin ang laman ng isang bote ng long neck na alak. Hindi naman ako masyadong tinamaan. Sanay naman akong uminom. Maagang nagpaalam ang dalawa. May operation daw sila kinabukasan at hindi sila puwedeng ma-late. Masaya sila na nagkita-kita kami...sa susunod daw eh sana, sa kasal ko na sila aatend.



Pagsakay ko sa loob ng kotse, tinawagan ko muna si Ashley. I wanted to hear her voice. Nakakawala ng pagod. Na-miss ko siya kaagad. Di naman ako nagkamali, this time, isang ring lang... sinasagot na niya kaagad ang tawag ko. Napangiti rin ako . Napawi kaagad ang pagod ko. Nawalang bigla ang kalasingan ko.



"Kumusta ang work?" Tanong niya.



"Okay lang...I went to see my friends..."



"Ah, ganoon ba? Sige, I won't take long. It has been a long day. Take a rest..." Ang sweet naman niya.



"Ganyan ka din ba ka-sweet kapag naging girlfriend kita..." And there was a long silence. "Puwede ba tayong magkita ulit? Doon sa coffeeshop..." NIyaya ko siya na magkita kami. Pumayag naman siya

MY BEST FRIEND'S WEDDINGWhere stories live. Discover now