ONE NIGHT STAND

82 4 0
                                    

ASHLEY'S POV



Napakabilis ng mga pangyayari kaya di ko pa masyadong ma-internalized ang lahat. Nagkita kami...something happened. Pinagtaguan ko si Dominic pero nagkita pa rin kami through Niel. Di ko na siya naiwasan hanggang sa bumisita na siya sa aking condo unit. Nagulat pa ako kasi pinipilit ko siyang iwaksi sa isipan ko. Kung sino pa ang iniiwasan mo, siya pa ang makikita ko. Bisi- bishan ako kuno sa ginagawa kong pag-oorganize ng wedding.



Pero kanina habang binubuksan ko ang pinto eh bigla ko siyang naalala. Naisip ko kung pupuntahan ba niya ako ulit? Magiging mapilit pa rin ba siya? AHHH, crazy me...wake up, Ashley. Get real, huwag kang mag-assume.



All of a sudden, may biglang nagdingdong.



'O, Dominic..." I was caught unaware...nakasuot pa naman ako ng pantulog.



"HI, Ash..." Hinalikan niya ako sa labi. Inakbayan niya ako habang papasok sa loob ng sala. "What do we have for dinner?"



"Di ka pa ba kumain? "



"Hindi pa eh. Galing ako sa Office. We had a meeting." Parang kampante na siya. Ambilis niyang maka-adapt sa sitwasyon.



"Oorder na lang ako. Magpapadeliver ako." Umupo siya sa sopa at sumandal doon. Mukhang pagod siya. HInayaan ko muna siyang umidlip. Kinalabit ko na lang siya na handa na ang pagkain. "Kain na...habang mainit pa ang pagkain." Inalalayan ko siya patungong dining table.



"Ashley...let's get married..." Sabi niya. Pero di ako umimik. Baka nag-i-sleep walk lang siya.



"Napagod ka yata ah...nakaidlip ka kanina." Iniiba ko ang usapan. Sabi ko, pagkatapos kong kumain. Nakatitig ako sa kanya.



"Ash...sawa na akong mag-isa. Gusto ko naman nung may inuuwian..." Kinuha niya ang pinagkainan ko at iniligpit iyon. Inilagay niya sa basurahan. I back hugged him.



"Then , come here...Stay with me..."



"That's not what I want. Gusto ko ding magkapamilya. Gusto kong magkaroon ng mga anak...ng asawang uuwian..."



"Dominic...make up your mind. Kailan pa lang tayo..."



"It doesn't matter kung gaano kaiksi ang ating pagkakakilala sa ngayon. Habang mag-asawa tayo, mas makikilala pa rin natin ang isa't isa. Ayoko naman nung para lang tayong nagbabahay-bahayan. Sa tuwing pupunta ako dito, may mangyayari sa atin. Puwede naman tayong magpakasal."

MY BEST FRIEND'S WEDDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon