RUNNING AWAY

77 3 0
                                    

ASHLEY'S POV



Di na ako nagpaapekto. Pumasok pa rin ako sa trabaho tulad ng dati ko nang ginagawa. Lumipas ang buong maghapon at naging okay naman ako. Dumaan ang ilang araw pa... nakaraos ang isang linggo... okay pa rin ako. Salamat sa experience. Atleast di lang ako hanggang sa pagpapantasya. It all came true when I found Dominic. Pero akala ko, okay na. Ikalawang linggo... ikatlong linggo, I feel paranoid. I want to have sex again. Mygoshnikkk!!!! Bakit?????



I made myself busy ako sa shop. I continued my work , trying so hard not to think of the night we spent together. Napapahinto ako pero I kept going. Naging maganda naman ang business ko. Madami pa ring gustong magpa-organize ng kasal. So, I am going to organize another wedding...a garden wedding in particular. For a fresh idea...I asked Niel's help kasi nasa landscaping business siya. Well, budgeted naman ang ikakasal kasi mayaman. Gusto niyang magkaroon ng kasal na kakaiba kahit madami na ring nagpapa-garden wedding.



I went to the mall that day. Ah napadaan ako sa Coffee Stop pero di ako huminto doon para magkape. Baka mamaya, nandoon si Dominic. Nagmadali ako sa mga Home Decors and Furniture to get more idea until I decided to seek help from Niel. At nasa mall din siya ng mga oras na iyon so I asked that we both meet up.



Tamang tama, we can have brainstorming if ever... he can give me tips right away. It is not enough that I see them on his facebook page. Gusto ko din siyang ma-interview as an added idea to improve my craft.



Nagulat ako ng makita si Niel. Mas nakakagulat yung kasama niya si Dominic. Wala akong halos mukhang maiharap sa kanya. Ilang linggo ko na siyang iniiwasan. Di na ako nagpupunta sa coffee shop dahil baka hinahanting na rin niya ako dahil sa nangyari.



Iniwan ko siya sa condo without leaving any trace. I removed my sim card kaya lang I have to put it back dahil nandoon ang numbers ng mga kliyente ko.



Nakita ko ang madaming tawag na ginawa niya after kong hindi na magpakita sa kanya. Di ko tinanggap ang mga tawag niya. Luckily, I am certain na di niya ako masusundan sa bahay dahil cp number ko lang naman ang alam niya. Ni hindi ko pa nga siya naisasama sa bahay. That is the safest thing to do para di na kami magkita.



"Ash, dalaw ka bukas sa opisina. I got some templates where you can choose and get ideas there for your client." Sabi ni Niel. Di ako nagpahalata kay Niel na kilala ko si Dominic. Ipinakilala pa niya ako.



Di ko magawang ilahad ang kamay ko to shake hands with him. Karma ba ito?



Simula ng may mangyari sa amin ni Dominic, he was never off my mind. Bawat araw at gabi ay palagi ko siyang naaalala. Lalo ko siyang na-miss. Siya ang katuparan ng aking mga pangarap na makapag-asawa na. Besides, matagal na rin naman akong single. Palagi din akong mag-isa sa unit ko and I want change to come into my life. Gusto kong maulit muli ang lahat sa amin. Wala akong pinagsisisihan or whatsoever...kaya lang bigla kong naramdaman ang guilt feeling na ito kaya pinagtaguan ko na siya.

MY BEST FRIEND'S WEDDINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora