CHAPTER 1

22.5K 192 2
                                    


       Ano ba naman Bes? Ano nanaman ba ang ginawa mo? Nagkakamot ng ulo at nagmamaktol na tanong  ni Dori sakin.
Tinignan ko lamang ito.
Naka higa ako sa kama nito naka unan sa ulo ko yong dalawa kung kamay.
Bumangon ka nga dyan Deanna! Galit na wika nito.

   Ito na, tatayo na, bakit ba kasi? Bakit ba kasi naka busangot na naman yang pagmumukha mo Bes?

Kasi naman po, madaling araw palang ay hinahanap kana sa akin ng mga magulang mo, at galit na galit lang naman yung Tatay mo habang kinakausap ako tungkol diyan sa paglalayas mo. Hinampas pa nito ang balikat ko.

Ano ba Dori! Masakit ha! Makahampas ka sa braso ko parang di ako masasaktan ah, nagtatampo kung wika dito.
Okay sorry na!  kumain kana ba? Bat kaba naglayas ha?
Alam mo naman na wala akung hilig sa mga lalaki diba? Dahil babae ang gusto ko, at di ako tanggap ng Tatay ko kaya umalis ako ng bahay.
Ayon! Pinag kanulo ako sa anak ng kaibigan niya. Ipapakasal ako sa taong ayaw ko, ano ako hayop? Na kung sino sino, at kung ano anong breed lang ang gusto para sakin? Malungkot kung kwento dito.

Bakit naman gagawin niya yon sayo Bes? Kasi nga di niya tanggap ang pagkatao ko.
Eh, papano kana ngayon? Saan ka pupunta? Di kapa naman tapos sa pag aaral mo?
Wag kang mag alala sakin Bes, may sagot na ako diyan sa pino problema mo.

Tanggap na ako dun sa pinag aplayan kung trabaho sa Maynila, and may bunos pa, dahil pag aaralin ako nung boos ko. Pagmamayabang ko dito.
Anong trabaho naman yon Bes?
Bodyguard!
Bodyguard?
Oo Bes bodyguard, alam mo namang may talent ako sa martial arts di ba?
At kaya kung proteksyonan yung taong babantayan ko.

Taas noo kung Pagmamayabang  dito kay Dori.
Ano ba yang babantayan mo, bata o Matanda? Babae o lalaki?
Mataba o sexy?
Eh, hindi ko pa alam eh, next week ko pa malalaman Bes.
Alam mo Bes nagtataka ako sayo kung bakit kailangan mo pang ***/////, di na natuloy ni Dori yung sasabihin niya dahil tinakpan kuna ang bibig nito.
Wag ka ngang maingay Bes, alam mo naman na mas gusto ko yung sarili kung sikap.

        Paano naman ako? Iiwan mo ako dito? Alam mo naman na di ako lulubayan niyang Tatay mo, baka mamaya mapatay pa ako noon dahil lang alam mo naman mag isip yon, aakalain nanamang tinatago kita.
Alam mo namang wala akung pamilya dito sa Pilipinas maliban sayo.

Bakit ba di ka kasi sumama sa pamilya mo doon sa ibang bansa?
Alam mo Bes kagaya mo, may sarili akung pag iisip at ayaw ko ding diktahan nila ako sa mga gusto ko, masaya ako sa pagiging photographer, pangarap kung maging arkitikto, at ayaw na ayaw kung maging doctor.

   
       Eh,.bakit sakin ka nagagalit?
Kasi kinukulit munanaman ako Bes, and one more thing Deanna, di mo ako pwedeng iwan dito sa Cebu, dahil kung nasaan ka dapat doon din ako.

       O sige sige kakausapin ko yong boss ko, papakiusapan kung tulungan ka, pero Dori sinasabi ko sayo, umayos ayos ka dun, wag mong dalhin ang pagiging lasenggera mo dito sa Cebu dun sa Maynila ha.

       Kelan ba tayo aalis Bes? Excited na tanong nito.
Anong araw ba ngayon?huwebes, huwebes? Sa sabado na tayo aalis Bes.
Pero iligpit mo muna lahat ng gamit mo ngayon, dahil baka mamaya nandito nayong Tatay ko.
   
       Dahil sa sinabi ko kumaripas na itong magligpit ng mga gamit niya, alam kasi nito ang kayang gawin ng Tatay ko.

Diyan ka muna Bes at tatawagan ko si  Boss kung nasan na siya. Bilin ko kay Dori.
Nasa NAIA na kami ngayon ni Dori sa pagmamadali kasi nakalimutan ko yung pangalang ng taong magsusundo samin.

Dialling........

Hello! Boss?
Bakit?
Sorry po pero nakalimutan ko po kasi yung pangalan ng taong pi pick up samin dito sa Airport.
Ikaw talagang bata ka, galit na wika nito sakin.

THE SECRETSWhere stories live. Discover now