CHAPTER 23

5.1K 134 6
                                    


Tahimik lamang si Jema habang sakay sa kotse ni Airy. Patungo silang magkakaibigan sa Malate para sa kanilang gimmick, nang nagpaalam siya sa kanyang mga magulang nalalabas siya kasama ang mga kaibigan niya ay di nagdalawang isip ang mga ito. Their daughter needs space,.after what happened sa kanila ni Dianne ay di na ito bumalik, at isang linggo naring di pumapasok sa klase nila, she even called her Ninong Fred about Dianne, at ang tanging nasabi lamang nito sa kanya ay Huminto na ito sa pag- aaral at naghahanap.ng bagong mapapasukang trabaho, nanlumo naman si Jema sa narinig niya, ganun nalang ba kadali sa kanya na bitawan ako? I miss you so much Dianne, gusto na kitang makita.

Hoy! Mahinang binunggo ni Dimdim ang braso niya.
Ang tahi-tahimik mo naman diyan. Ba't ayaw mong sumali sa kwentohan namin? Im sure, siya nanaman ang laman ng isip mo ano?

Tinignan siya ni Kring na nakaupo sa front seat sa rearview mirror.
Hoy! Kwento mo naman sa amin, naging girlfriend mo pala si Dianne pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam ang love story ninyo.

Natawa siya. Ano naman ang ikukwento ko na hindi niyo pa alam?
Hindi ba nasabi ko na inyo na nanligaw siya sa akin, at nung araw mismo ng birthday ni Cy ko siya sinagot at nung gabi din mismo kami naghiwalay.
Akala mo lang yon na na kwento mo na lahat pero ang totoo may inililihim ka sa amin, reklamo naman ni Dimdim.

O, nandito natayo, hintayin mo na nating dumating yong bodyguard niyang bago nanaman, dagdag pa ni Airy. Inihinto ni Kring ang kotse sa parking space ng bar na pinuntahan nila.
Sa labas pa lamang ay makikita na ang mga nagsasayawang mga ilaw sa loob ng establisimyento.
May nag peperform na stand up comedian ngayon, excited si Dimdim ng mabasa ang billboard sa labas.

Akala ko ba magdi-disco tayo? Tanong niya sa mga ito.
Bigla nalang nagtawanan ang mga kaibigan nito.
Nasa second floor ang dance floor nito.
Tara pasok na tayo, Nagpatiuna na si Airy sa pagpasok at nagsisunuran naman sila ganun din si Pauline at Maddie.

Tawanan ng mga tao ang sumalubong sa kanila. Kasalukuyang nagpapatawa kasi ang isang stand up comedian.

Iginiya sila ng isang nakaitim na waiter sa isang pang animang upuan.
Kaagad na nagsi-order ng nakakalasing na inumin ang mga ito maliban kay Pauline at Maddie, bawal kasi silang uminom, on duty kasi sila.
Natawa ang mga ito ng umorder sila ng pineapple juice.

Ano ba naman yan Madz ? Pineapple juice talaga ang sa inyong dalawa? Ani Kring. Di kasi kami pwedeng uminom ng alak baka bukas ng umaga ay pareho kaming dalawa ni Pau na mawalan ng trabaho.

Just relax and enjoy the night nalang girls, dont worry about me and Maddie. Wika ni Pauline.

Okay enjoy natin to girls tomorrow is saturday so wala tayong pasok, okay lang na magpakalasing tayo.
Andito naman si Pau at Maddie saka-sakaling malasing tayong apat.

Ano ba ang kinakatakot mo Jems? Putol ni Airy, wala kanamang girlfriend at lalong wala karing boyfriend.
At nagpaalam naman tayo sa mga parents natin di ba, the night is ours, enjoy it, sigaw ni Kring.

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa mga kaibigan niya tutal may kasama naman siya.
Naisip niyang nandoon na rin siya, mabuting i-enjoy nalang niya ang gabi. For a change.
Nang dumating ang kanilang mga inumin ay nagsipag toast silang magkakaibigan, para sa mga camp sawi, sigaw ni Dimdim. Kaya pinagtinginan naman siya ng mga kaibigan niya, at kibit balikat nalang itong ininom ang alak niya.

Bottoms up, dare ni Airy.
Sige sabay-sabay na nilagok nang dire-diretso ng mga ito ang inumin.
Sunod sunod na napaubo si Jema pagkatapos niyang maubos ang kanyang inumin.
Nagpalakpakan naman ang mga kaibigan niya.

Atta girl! Ayan hinde kana malungkot. Inumin mo nayan.
Muli siyang uminom. Napansin niyang naparami na siya ngunit hindi lang niya iyon pinansin.
Basta ang alam niya, medyo gumagaan na ang pakiramdam niya at parang ang saya saya niya kahit walang dahilan.
Naging madaldal na rin siya.

THE SECRETSKde žijí příběhy. Začni objevovat