CHAPTER 60

4.4K 138 10
                                    


Magkatabi kami ng Pangga ko papuntang Palawan nakahilig ang ulo niya sa balikat ko, mukhang nawala nayong inis niya sa amin ni Dori lalong lalo na sa akin dahil may kiss ako sa lips kaninang umaga ng nadatnan niya akung nagluluto sa kusina.

FLASHBACK

Pwede ba pag nag ki kiss kayo wag sa harap ko, natatawa kaming pareho sa sinabi ni Dori, kaya mas lalo ko pang ninamnam yong halik ko kay Jema.
Mainggut ka, wika ko pa sa kanya at binatukan ako dahilan para mauntog ang ulo sa ulo ni Jema.
Arayyyy...... Sigaw ko.
Tumakbo kana't magtago Doricel kung ayaw mong makalbo kita.
Habol ko sa kanya.

Hay naku umagang umaga nag umpisa nanaman kayong dalawa, saway sa amin ni Jema, nanahimik nalang ako at tinaasan ng kamao at siniko ko si Dori, ayaw ko kasing mainis ulit ang Pangga ko at baka mamaya ayaw akung katabi sa eroplano.

END OF FLASHBACK

Malayo palang ay tanaw ko na si Sheilang nag aayos ng mga paninda niyang isda sa talipapa sa malayong bayan sa Palawan.

Sheila!!!!!! Tawag ko sa kanya.
Lumingon naman ito agad, at nanlaki ang mga mata ng makita kaming tatlo ni Ate Bea at Dori, minsan na kasing nakapunta dito si Ate Bea ng inihatid nilang dalawa ni Dori si Yen dito.

Deanna?
Ikaw nga!!!! Sigaw nito at tumakbo papalapit sa amin niyakap naman niya ako ng mahigpit.
Sobrang miss kita boss, sabi pa niya.

Teka lang, si Deanna lang ba ang miss mo? paano naman ako?
Ay boss Bea, at niyakap rin niya ng mahigpit si Bea.
Ganun-ganun lang ba yun Sheila? Sila may hug ako wala, nagtatampong wika ni Dori.

Naku boss Dori, paano naman kita ma mi miss eh lagi ka naman napunta dito sa amin kasama si Doctora Katrina, nahampas pa siya ng bayagha ni Sheila sa balikat.

Napansin ko namang na ka ngiting na ka tingin si Sheila kay Jema na naka yakap sa braso ko.
Nagkamot muna ako ng ulo ko bago ko pinakilala si Jema sa kanya.
Sheila, i would like you go meet Jema girlfriend ko.
Oo naman di ko pa nakita sa personal itong si Jema ay kilang-kilala na siya ng buong taga isla, dahil sa mga pictures niyang ipinakita sa amin ni Yenyen sa cellphone niya, nahihiya namang ini abot ni Sheila ang kamay ni Jema na makikioag kamay sa kanya.

Mas maganda ka pala Jema sa personal kesa sa pictures mo, tama nga si Yen mas maganda ka nga kesa kay Doc Kat.
Namula naman si Jema sa tinuran ni Sheila.
At ipinakilala ko na rin isa-isa ang mga kasama ko.
And our big boss Shei, pakilala ko sa kanya si Ate Alyssa.

Kinalulugod kung makilala kayong lahat, at masaya akung nakarating kayo sa aming lugar.
Teka lang at kukunin ko lang yong mga paninda kung mga isda.

Wala ka pa bang benta diyan sa mga isda mo? Tanong sa kanya nu Ate Pau.
Wala pa kasi tinghali ako naghatid oa kasi ako sa mga bata sa eskwelahan.
Tatawagan ko si Pedro boss Deanna para masabihan niya ang iba niyang mga kasama para mhatid na kayo sa isla.
Tumango lang ako dito at sumunod na kami sa kanya. Kinuha naman ni Kuya Miguel at Thirdy ang dalawang timbang bitbit nitong may mga lamang isda, at ako naman ang kumuha ng bitbit niyang malaking bilao n pinaglalagyan ng ibenibenta niyang mga isda.
Wag kang mag-alala Shei papakyawin ko na lahat ng mga paninda mo.
Naku ano kaba, ibibigay ko ng lahat sa inyo yan, kulang pa ngayan sa sobra-sobrang tulong na binigay mo sa amin at sa mga pinapadala mo kay biss Dori kapag sumasama siya kay Doc Kat.

Wala yun, ano kaba alam mo naman na kung wala kayong lahat na taga isla ay matagal na akung patay, alam ko naman na walang kabayaran ang mga nagawa niyo sa akin pahayag ko pa.

THE SECRETSWhere stories live. Discover now