CHAPTER 53

4.9K 144 6
                                    


             Na sa airport na kami ngayon ni Deanna inaantay nalang namin na tawagin kami, nakasandal ang ulo niya sa balikat ko, kanina pa siya ganito mula ng umalis kami sa condo niya, para daw kasi siyang lalagnatin, ayaw naman niyang pa cancel yung flight namin sayang daw yung binayad niya sa hotel reservation sa Thailand.

       Baby.... Tapik ko sa kanya nakatulog pala siya, medyo mainit nga siya, hali kana tawag na tayo, sa plane mo na lang ipagpatuloy ang tulog mo, sabay halik ko sa tungki ng ilong niya.

         3 hrs and 45 mins. yung flight namin tanaw ko na yung airport mula sa labas. Ilang sandali nalang at lalapag na kami at tulog parin si Deanna binigyan naman na siya ng gamot ng cabin crew kanina.

 Ilang sandali nalang at lalapag na kami at tulog parin si Deanna binigyan naman na siya ng gamot ng cabin crew kanina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang ganda talaga ng Bangkok Suvarnabhumi
International Airport.
Napakaganda, di katulad sa atin kulang nalang bumagsak na ang lahat ng kisame nito, di naman sa nilalait ko yung sa atin, kaso kasi parang ayaw manlang nilang ayusin at pagandahin.

      Tinapik ko na si Deanna sa balikat para magising ilang sandali nalang at baba na kami.
Baby wake up na, nandito na tayo, at nagising naman ito agad.
Masakit parin ba ang ulo mo?
Masuyo kung tanong dito, tango lang ang tanging sagot nito.
Hinipo ko ang noo nito, at ganun padin kanina, mainit parin ito.

       Kumain muna tayo siguro pagkalabas natin B para makainom ka ulit ng gamot.
Tumango lang ito.
Ipinulupot ko yung mga braso ko sa bewang niya, and I touch her forehead again, masakit ba ulo mo B?
Medyo, ang sakit kasi ng lalamunan ko Pangga, reklamo niya.
Paano kasi bakit ka naman pumayag sa dare ni Mafe na e bottoms up mo yung mango shake, kung di kapa naman epal.

       Tapos ngayon magrereklamo kang masakit yang lalamunan mo?
ngunit nung dinare ka di ka nagreklamo.
Bakit ano ba ang bayad sa pustahan niyo ha?
Sabay hampas ko sa balikat niya.
Namula naman ito.
Naku... Naku.... Deanna Wong pagganyang namumula ka, tiyak kung ako ang pinagpustahan niyo ng kapatid kung yun?
Umamin kana sa akin kung ayaw mong sa labas ka ng hotel matutulog.
Naiinis kung sabi dito.

         Wag naman Pangga may sakit na nga ako tapos sa labas pa ako matutulog.

     Okay napag pustahan kasi namin ni Mafe na  24 hours challenge na di kita papansinin pagdating natin dito.
E hindi ko naman kayang gawin yun, kahit saglit lang nga kitang hindi makita eh, natataranta na ako, ang hindi pa kaya kita kausapin at pansinin?

      Kaya yun sabi niya kapag kaya kung ma bottoms up yung mango shake e panalo ako.
At mawawalan siya ng pocket money at di ko kailangang gawin yung dare niya.
Bakit ano ang pusta ni Mafe pag di mo kayang tirahin yung shake?

    Yun nga yung 24hours challenge and yung additional pocket money niya papuntang Singapore.
Eh sino bang nakaisip sa inyong dalawa ng challenge nayon?
Tanong ko habang hinihimas yung likod niya.

THE SECRETSWhere stories live. Discover now