CHAPTER 90

3.3K 103 14
                                    

That night I've waited for Jema to confront her about what happen earlier.
Alam kung sinasadya niyang magtagal sa loob ng banyo.
Bakit!? kasi alam niyang kakausapin ko siya at tatanungin tungkol sa nangyari kanina.

Di naman sa ayaw ko siyang tumulong sa ibang tao, i know na na sa peligro ang buhay ng taong yon kaya nila tinulungan, pero sana pinahatid nila sa hospital mamaya alipores ng mga Malanjao yun.
Ayaw ko kasing mapahamak sila ng Lola ko.

Di naman sa nagiging paranoid na ako, but i want my wife safety lalong lalo na at magkakaanak na kami.
Tumayo ako at lumapit sa pintuan ng banyo.

Pangga!!! Tawag ko dito.
Wala naman akung naririnig na lagaslas ng tubig, baka nagbabad sa bathtub lagi niya kasing ginagawa ang mag babad sa tubig, noong nakaraang mga buwan ay halos ayaw niyang maghugas kahit kamay lang ngayon naman ay laging nagbabad sa tubig.

Pangga!!!
Tawag ko ulit sa kanya.
Bakit ba? Sagot naman niya.
Nag-aalala na ako sayo kanina ka pa diyan baka magkaubo ka na niyan sa ginagawa mong pagbabad sa tubig, makakasama sayo yan lalo na't buntis ka.
Paalala ko sa kanya.

Okay po aahon na po!!!
Sigaw naman na niya sa akin.
Nakaligo na kasi ako sa baba sa tagal ba naman niyang lumabas kanina pa kasi ako nangangati sa gilok ng tubo, may mga ilang parte ng kamay at mukha kung mahapdi kanina nang naliligo ako at ng tignan ko sa salamin ay may maliliit akung sugat mula sa dahon ng tubo.

Naisip ko kanina na kaya pala balut na balot ang mga mang gagawa sa tubohan mata lang ang walang takip at may malaki pang buri na sombrero yun pala proteksyon nila yon, noong una akala ko ayaw lang nilang umitim yun pala ang gilok at dahon ng tubo ay maramdaman mo lang ang epekto nito kapag naligo ka or naghugas ka.

Paglabas ni Jema ng banyo ay nakatapis lang ito ng mahabang malong bigay sa kanya ni Lola noong nakaraang araw na sumama siyang namalengke nakita daw niyang nakasabit ang malong nayun, wala naman siyang dalang pera kaya si Lola ang bumili para sa kanya.

Bakit parang namamantal yang braso at kamay mo B?
Nag-aalala niyang tanong.
Habang nakakunot ang noong naka tingin sa akin.

Di ko naman pinansin ang tanong niya, at tinanong ko nalang siya kung may gamot ba siya.
May gamot ka ba diyan Pangga?
Nasugatan kasi ako ng mga dahon ng tubo matalim pala at ang daming gilok ( sa di po nakakaalam ng gilok ay para po siyang mabalahibong maliliit na parang tinik ng isda pinung pino pero pag dumikit sabalat mo sobrang makati at mahapdi).

Napatingin ako sa dako niya at nakita kung galit siyang nakatingin sa akin.

Ba't ganyan ka naman makatingin sakin Pangga?
May nagawa ba akung di tama?
Nakangisi kung tanong sa kanya.

Ba't may mga sugat yang mukha mo? Galit na tanong nito.
Kaya nakaramdam ako ng konting konti lang namang takot mula sa asawa ko.

A-ah i ito?
Wala to Pangga nasugat lang ito sa mga dahon ng tubo.
Paliwanag ko pa sa kanya.

Yan kasi ayaw mong maniwala kila Vangie na magsoot ka ng jogging pants at mahabang manggas na damit at talian ang mukha mo ng lumang damit at mag sombrero, di ko na siya pinatapos ng sasabihin pa niya, paano naman kasi mukha naman akung magnanakaw sa ganung itsura parang ninja na mata lang yung kita at may malapad pang sombrero, reklamo ko dito.
Eh di yan tuloy namamantal ka at may mga sugat yang mukha at mga braso't kamay mo, nagdadabog pa itong papalapit sa akin.

Sana pinuno mo nalang ng sugat yang buo mong katawan, sabay hampas sa balikt ko, halatang gigil na gigil sakin eh.
Parang Nanay na galit na galit ito sa anak niyang pasaway.
Nakapout naman akung lumapit sa tabi niya para magpagamot.

THE SECRETSOnde histórias criam vida. Descubra agora