CHAPTER 81

3.5K 134 7
                                    


           Nagising akung wala na sa tabi ko si Deanna,  bumangon ako at pumasok ng banyo to do my morning rituals.

Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa kwarto nila Mafe.
Tulog na tulog pa ang mga ito,  nakapulupot ang paa nito sa bewang ni Chiara habang ang dalawang kamay nito ay nakapatong sa mukha at leeg ni Donna.

Si Ysa naman at Gyra magkaakap na natutulog,  nakaisip naman ako ng kalokohan,  habang tulog na tulog sila ay kinuhanan ko ng picture ang mga ayos nila Bwago ko sila iniwanan, di ko na muna sila ginising,  hahanapin ko kasi muna si Deanna kung saan ito pumunta.

Di pa ako tuluyang nakalabas ng lobby ay nakita ko na ang babaeng hinahanap ko kanina.
Basang basa ito ng pawis ganun din ang suot niyang T-shirt.

Nag jogging ka ba B?
Nakangiti itong lumapit sa akin,  sabay tango ng ulo niya.
Akma akung hahalikan niya ng pinigilan ko sya ng kamay ko sa noo nya.
Hep! Hep! Kuntmyaring nandidiri kung wika sa kanya.

Ba't di mo ako ginising?  Sana sinamahan kita sa pag jo-jogging mo.
Nakangiti parin itong nag papacute sa akin.
Wag kanang magtampo Pangga,  sabay halik ng mabilis niya sa pisngi ko.
Kahit basang-basa siya ng pawis ay ang bangu-bango parin niya.

Lumayo-layo ka nga sa akin ang baho mo,  amoy araw ka kaya,
Pagsisinungaling ko sa kanya, pero ang totoo,  ang bangu-bango niya. Natawa naman ako sa ginawa niya  inamoy niya kasi ang sarili niya, iniangat niya yung balikat niya para amoyin ang kili-kili niya ganun din ang ginawa niya sa damit niya nilapit niya ito sa ilong niya saka inamoy amoy din.

Di naman ah! taas kilay niyang wika sa akin.
Siyempre naman B sarili mo kaya ang inaamoy mo kaya hindi mo maaamoy,  pero pag ibang tao ang umamoy sayo,  e ang baho mo, tignan mo mukha ka pang dugyot diyan sa itsura mo, para kang basang sisiw.

Nangingiti ko pang sabi sa kanya.
Napakamot naman siya sa batok niya,  nagulat pa ako nang bigla ako nitong binuhat papasok sa loob ng hotel.

Binuhat ako nito hanggang sa loob ng kwarto namin,  nakangiti itong nakatingin sa mga mata ko, habang dahang-dahan ako nitong nilalapag sa kama.

Mabaho pala ha?!  Nakakalokang ngiti ang ginawad sa akin ni Deanna habang nilalapag niya ako sa kama ng dahang-dahan.
Nagulat naman ako sa ginawa niya hinubad niya yong suot niyang basa ng pawis na damit at pinunas sa mukha ko.
Deannnnnna!!!!!!!!
sigaw ko sa kanya. Tumatawa itong tumakbo papasok ng banyo.

Langya ka talaga B,  humanda ka sa akin mamaya, dahil ang panty kung bagong hubad ang ipampupunas ko sa pagmumukha mo,  inis na inis akung nagdadabog dahil sa ginawa niya, malilintikan ka talaga sa akin mamaya Deanna Wong!  sigaw ko sa kanya.
Inabangan ko talaga siyang makalabas ng banyo pero kalahating oras na akung naghihintay sa kanya ay di parin ito lumalabas.

Ate!!!  Boses ni Mafe ang tumatawag sa labas ng pinto.
Umalis ako sa harap ng pinto ng banyo at lumapit sa pintuan para pagbuksan si Mafe.

Bakit ba?  Irita kung tanong sa kanya,  habang naka cross arm akung nakasandal sa pinto.

Hoy!  Sungit! At dinuro ng daliri niya ang noo ko, siyempre gutom na po kami,  kelan niyo balak lumabas diyan at mag breakfast?
Nakasimangot na tanong ni Mafe.
Napakamot naman ako sa ulo ko at lumabas na ng kwarto at sinamahan sila Mafe sa baba para makakain na sila,  pag tingin ko sa wrist watch ko ko ay mag 10am na pala.

Nasaan na ba si Ate Deanna? Nagtatakang tanong ni Mafe.
Nasa banyo at halos kalahating oras na ang bruhang nandun,  ayaw lumabas dahil sa ginawa niyang kabalastugan sa akin.

Dahil gaganti ako sa ginawa niyang kabalastogan,  nag-iinit ang mukha ko sa inis kay Deanna.

Bakit ano bang ginawa ni Ate Deanna sayo? Taas kilay na tanong ni Mafe sa akin.
Pinampunas lang naman niya ang basang-basa ng pawis niyang damit sa mukha ko,  kaya naiinis ako sa kanya.

Parang yun lang na nainis ka kaagad?
At anong gusto mong gawin ko?
Tumawa sa ginawa niya? Malapit na kami sa kusina ng mapalingon ako sa likod namin at napansin kung papalapit na sa amin si Deanna.

Pero ng nakita niya ako ay itinaas niya agad ang dalawa niyang kamay,  na parang sumusuko na siya.
Pangga sorry na po,  di na po mauulit,  nakangiti itong lumapit sa amin ni Mafe,  aakapin sana niya ako pero kinurot ko muna siya sa tagiliran dahilan para mapatalon siya sa sakit sa kurot ko sa kanya.

Hinimas himas pa niya yong tagiliran nya at itinaas yung damit niya.
Nakita ko namang namumula ito, siguro nga napasobra ako sa pag kurot sa kanya.

Buti nga sayo, ay benilatan ko ito.
Napakamot lang sya sa batok nya at lumapit ulit sa akin.
Sorry na po,  paghihingi nya ng tawad sa ginawa niyang kawalang hiyaan.

Sa susunod hindi lang kurot ang aabutin mo sa akin, pinanlakihan ko pa sya ng mata ko.
Dahil sa susunod iiwan na talaga kita,  makikipag hiwalay ako sayo at walang kasalang magaganap, pambabanta ko sa kanya.

Ay! Pangga wag naman ganyan, biglang natakot ako sa binitiwang salita ni Jema.
Pangga naman kasi di kana mabiro sabay habol ko sa kanya.
   

Papasok na sana ako ng bigla noyang isinara ang pinto.
Nak ng **** bhog!!!!!
nangudngud lang naman sa pinto ang pagmumukha ko.

Pangga please open the door!!!
Wala namang ganyanan my loves!!!
Pagsusumamo mo ko sa kanya.
Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto at bumagsak nalang ako bigla sa sahig.
Ahhhhh!!!!!
Sigaw ko.

Sinong my loves ha???
Na ka pamewang itong naka tingin sa akin,  at nanlilisik ang mga mata niya.
Pinagpag ko muna yung damit kung nadumihan at staka tumayo.

Pangga naman, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko di ba? 
Pag papacute ko sa kanya sabay hapot ng bewang niya.
Siyempre Pangga ikaw rin yung my loves na sinasabi ko.
At hinalikan ko ang labi niyang naka awang,  pero nag pumiglas ito at itinulak ako papalayo sa kanya.

Make it sure Deanna Wong nayang tinatawag mong my loves mo at ako ay iisa lang dahil kung hindi dudukutin ko yang singkit mong mga mata,  naiinis itong dinuduro ang noo ko.

Bakit kasi ang init init niyang ulo mo?
Ki aga-aga naka busangot nayang pagmumukha mo.
Sinong di maiinis sa ginawa mo aber?
Sige nga? Ang anggas talaga ng Pangga ko, nagmumukhang dragon naito dahil sa umuusok niyang ilong sa galit sa akin.

Pangga naman, kung gusto mo ipunas mo rin sa mukha ko yung basang-basa ng pawismong damit okay lang sa akin.
Bakit kasi napaka big deal naman sayo yung pagpunas ko ng damit ko sa mukha mo?

Siyempre! Ayaw na ayaw ko kayang pinupunas sa mukha ko ying maruming damit ano.
Pangangatwiran niya sa akin.

Bakit? basa lang naman yon ng pawis ko yun at staka kakasuot ko lang kaya nun and di naman mabaho yun, 
curious kung sagot sa kanya.
Basta ayaw kung ginagawa sa akin yun ng kahit na sino,  kaya sa ausunod para hindi ako magalit sayo wag na wag mo ng uulitin yon.

Pag papacute.
Nilapitan ko siya at saka niyakap ng mahigpit,  hinawi ko yung iilang hibla ng buhok niyang nakatakip sa mata niya saka ko hinalikan ang parte ng mata niyang na tabunan ng kanyang buhok.
Promise Pangga it won't happen again,  and sorry na po,  at hinalikan ko siya ng mabilis sa kanyang mga labi,  ngumiti na siya ulit kaya hinila ko siya palabas ulit ng room namin para makapag breakfast kami ulit ng maayos.

Sorry talaga guys kung natagalan ako sa pag ud.
Nagkataon kasi na feeling ko na hack yung wattpad acct. ko kasi ilang beses kung nag try na ma retrieve yung acct ko ay di ko ma open, mabuti nalang at may alam yung isa sa mga relatives ko at natulungan niya akung ma retrieve ulit ito, matagal nga lang,  i can't even open my email acct nag eerror siya.
Hope you guys understand.

Belated Merry Christmas and a blessed New Year po sa inyong lahat.
Sorry short ud lang po ito.
Even my draft stories kasi na delete.

THE SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon