CHAPTER 95

2.5K 111 15
                                    

    Mabuti at pinagsabihan lang tayong tatlo ni Director at di talagang nagalit satin.
Sabi ni Ate Ly habang naghahanda ng mga gamit niya uuwi na kasi kami the next day.

   Te baka pwedeng gumala naman ako magbabakasakaling makikita ko si Jema.

Oo nga naman Te baka pwede kaming gumala ni Deanna? Dagdag din ni Ate Bea.

Napaisip naman si Ate Ly okay pwede, pero sa isang kondisyon.
Ano yon?! Sabay naming tanong ni Ate Bei.

Siyempre sasama ako, at mag behave kayong dalawa, this time walang gulo ha,baka kasi mamaya ma deport tayong na sa kabaong pagbibiro nito.

Promise!!!
Sabay ulit naming wika ni Ate Bei.
Deanns pwede bang mag malling muna tayo?
Pag papacute nito.
Pwede pero treat mo ko.
Langya naman Deanns sa dami ng pera mo talagang mag papalibre ka sakin?
Reklamo pa niya.

Nako Ate Ly mabuti pang wag na nating isama si Ate Bei, nagrereklamo eh.
Nakangiti kung wika kay Ate Ly, gusto ko lang naman inisin si Ate Bea.

Mas mabuti nga siguro, natatawang sabi naman ni Ate Ly.
Napapakamot nalang ng ulo si Ate Bea, talaga kayong dalawa gusto niyo lang mag palibre ang dami niyo pang sinasabi.
Kasi naman mayaman kaya kayong dalawa, bakit kailangan ko pa kayong ilibre?

Tumatawa akung lumapit sa kanya saka ko siya inakbayan at binulungan, masarap kasing kumain pag libre Te, nakangisi kung sabi sa kanya sabay kindat.

Loko!!!
Sabay hampas ng kamay niya sa ulo ko.
Masarap pag libre,? Sabihin mo kuripot kalang talaga.
Pag ako naging ninang anak mo ibabawas ko ang panlilibre ko sayo, ulol!!!

Bakit sa tingin mo kukunin kitang Ninang pag tinipid mo ang regalo mo siyempre hinde.
Pagbibiro ko din dito hanggang sa nauwi sa pillow fight ang nangyari.

Tawanan lang, puno ng asaran at tawanan lang ang nangyari sa aming tatlo, nakakamiss din kasi ang maging ganito kami paminsan minsan ang maging isip bata, laging seryoso at nasa piligro lang kasi lagi ang mga buhay namin.

Napagod kami at sabay kaming tatlong nahiga sa kama dahil sa pagod.
Lagot ka Bea babayaran mo yang unang sinira mo, hinihingal na sabi ni Ate Ly nawasak lang naman ang isang unan ng hinampas ni Ate Bea ang isang unan kay Ate Ly.

Oo na alam ko naman, kahit hindi ako ang nakawasak nito, alam kung ako parin ang magbabayad nito, sa sobrang ka kuripotan niyong dalawa talagang mamumulubi ako.
Asaran at tawanan lang walang pikonan ganun naman talaga ang tunay na pamilya.

Hapon na ng maisipan kung yayain na silang lumabas na.
Ilang mall nadin ang napuntahan namin pero wala kaming nabili kahit ano.
Naiinis na nga iting isang matandang kasama namin dahil naoapagod na sa kakaikot namin ni Ate Bea.

Kumain muna kami sa isang japanese restaurant saka lumioat sa kabilang mall.
Na sa isang department store kami habang pumipili ako ng sapatos ay nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan, kilos, pananamit, at pangangatawan.

Nagulat pa si Ate Ly ng mabitawan ko ang pares ng sapatos.
Jema!! Usal ko.
Ano sabi mo?
Wika ni Ate Bea habang pinupulot ni Ate Ly ang nabitawan ko.

Si Jema nga!
Mabilis akung kumilos habang hawak ni Ate Bei yung kamay ko.
Jema!!!!
Sigaw ko, di ko na inalintana na mapapagalitan ako sa ginawa ko.
Tatlong beses kung sinigaw ang pangalan niya ng hinablot ako at tinakpan ni Ate Ly ang bibig ko.

THE SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon