CHAPTER 92

3.3K 114 23
                                    

Sobrang galit na ang naramdaman ko ngayon, we failed lahat ng bundok na pinuntahan namin di namin nakita si Jema.

Nagpanggap kami ni Ate Ly na kasapi ng mga taong bundok pero wala rin kaming na pala dahil walang bakas ni Jema.

Di naman kami nahuhuli dahil kapag napag alaman namin na wala si Jema doon ay umaalis din naman kami ng palihim.

Galit at takot na ang nararamdaman ko sa ngayon, galit dahil hanggang ngayon ay di ko parin nakikita ang asawa ko.
Takot dahil nag-aalala ako sa sitwasyon niya, buntis siya at dinadala niya ang magiging anak namin ang bunga ng aming pagmamahalan.

Bunso pang apat na bundok na ang naakyat natin, pero wala parin.
Baka sa ibang lugar nila dinala si Jema at ang nurse, sabi ni Ate Ly habang nakaakbay sa akin.

Aalis muna kami ng grupo, pinatatawag kasi kami ni Director, maiiwan dito si Dori, Bea at Maddie, paliwanag pa niya.

Bumuntong hininga ako saka nag salita.
Di naman kailangang maiwan silang tatlo dito Ate, kaya ko naman.
Walang emosyon kung sabi sa kanya.

Deanns kilala kana namin, kahit ilang beses mo pang sabihin sa amin na okay ka alam naman namin na hindi ka okay, lalo na't si Jema ang involved.

Deanns after this mission promise babalik ulit kaming lahat nila Jia.
Alam mo kung gaano ka kahalaga sa amin at ganun din si Jema, kaya wag kanang mag protesta na maiwan yong tatlo dito, dahil sa ayaw at gusto mo iiwan namin silang tatlo dito hindi para samahan kalang kundi pati ang bantayan ka.

Alam namin kung ano ang kaya mong gawin. Kaya wag ka nang tumanggi pa dahil kung hindi isasama ka namin at itatali para wala kang gawin masama sa sarili mo.

Wala akung gagawing makakasama sa akin Ate, masungit kung paliwanag ko dito.
Deanns, we know you.
Alam namin ligaw ng bituka mo, mahal ka namin at ganun din namin kamahal si Jema.
Alam kung mahahanap din natin si Jema, be strong, magtiwala kalang, mataas na rin ang boses ni Ate Ly.

Kaya't makinig ka sa akin dahil kung hindi, hindi mo rin alam kung ano ang kaya naming gawin nila Jia sayo, kaya makinig ka.
Alam namin ang nararamdaman mo so please bare with us.

Sasamahan ka ng tatlo dito sa paghahanap at promise ko sayo after a week matatapos namin ang misyon at babalik kami dito.
Naging mahinahon niyang wika sa akin.
Deanns marami ng nangyari sa buhay mo, sabay upo sa tabi ko saka ako inakbayan at inilapit ako sa kanya.
Kaya kakayanin mo to, nandito kaming lahat para sayo, at kailangan mo na ring ipaalam sa family ni Jema ang nangyari sa kanya at sa parents mo na din, malaki ang maitutulong nila sa paghahanap sa kanya.

Deanns, inihabilin ka sa akin ng Ate Michelle mo, nakayuko lang akung nakikinig sa kanya, nag uumpisa ng tumulo ang mga luha ko.
Alam mo kung gaano ka niya ka mahal, kahit marami siyang suliranin noong nabubuhay pa siya pero pag tungkol sayo lahat ng suluranin niya nawawala at lahat ibinabaling niya ang atensyon at kung ano ang kaya niyang ibigay sayo.
Kung gaano ka ka importante sa kanya, ganun ka din ka importante sakin Deanns.

Di ko na napigilang humagulgol, alam ko naman kung gaano nila ako kamahal lalong lalo na silang tatlo ni Ate Michelle, Ate Jia at Ate Ly.
Kaya nga noong nawala si Ate Michelle para narin akung namatay noon.

Sorry Ate kung naging sobrang naging pabigat na ako sa inyo, malungkot kung wika dito.
Gago ka!
Nagulat ako ng bigla niya akung itinulak palayo sa kanya, kaya nahulog ako.
Aray!!!
Buti nga sayo!!! Langyang bata ka!! anong pinag sasabi mong pabigat ka sa amin?
Tumayo na ito at nka pameywang nakatingin sa akin.
Napapakamot ako sa ulo ko at sa puwet kung masakit.

THE SECRETSWhere stories live. Discover now