CHAPTER 34

4.2K 158 14
                                    


         Umalis na kami agad ng hospital at iniwan namin ang hitad na doktora na yun, alam ko nama na  siya ang nagligtas sa buhay ni Deanna pero, pag-aari ko na kasi si Deanna, bago pa niya nakilala si Deanna ay akin na to.
Kaya di ako papayag na makikihati sa kanya sa pagmamahal ni Deanna.

        Si Ate Mich na ang nag drive ng kotse ko, sa condo kami ni Deanna tutuloy may spare key naman siyang naiwan kay Dori.
    Nandito kaming tatlo ni Deanna at Yen sa backseat naka upo, habang nakayakap ako sa baby ko, ayoko na nga siyang bitawan kasi baka mamaya may aagaw bigla, okay lang sa akin kung sa tingin niyo'y para na akung baliw.
Dahil ang totoo halos ma baliw  na ako sa kakaisip kung saang lupalop ng Pilipinas namin hahanapin si Deanna.

     Tatlong taon kaming lahat naghanap sa kanya walang huminto ni isa man sa amin na hanapin siya.
Kaya di ako papayag na aagawin siya at ilalayong muli ng doktora na yun.

     Ate Mich? Tawag ni Deanna
Yes bunso, may kailangan kaba?
Ate gusto ko lang sanang malaman kung okay ba si Kuya Marck at Tonton?
Wag kang mag-alala bunso dahil si Marck at Tonton ay okay na okay sila, buhay na buhay.
Yon nga lang wala na dito sa Pilipinas si Marck sumama na siya sa Daddy niya sa America, pero di siya nakakalimot na magtanong tungkol sayo, at sa tuwing tatawag yun ay di rin nakakalimot na humingi ng tawad sa nagawa niya sayo.

   At si Tonton  naman ayon, pinag-aaral niyang baby mo.
Alam mo bang proud na proud kami sa alaga mong yun, pumasok ng PMA para lang mahanap ka, biglang lumongkot ang mukha ni Ate Mich.
Alam mo ba bunso na walang araw na ka namin naalala, at wala rin kaming sawang naghahanap sayo, alam mo bayon?
Lalong lalo nayang si Jema, sabay sulyap nito sa akin sa center mirror. Muntik nayang namatay ng kakahanap sayo, walang kain at tulog mahanap kalang, dagdag pa ni Ate Mich. Hinigpitan naman ni Deanna ang pagkakahawak ng kamay ko. Yumuko itong bigla, at nakita kung nagpahid ito ng luha sa mata.

     Di munaman kailangang gawin yun, na hanapin ako dahil wala rin namang kasiguradohan na makita mo ako, kung saka- sakaling, nagbalik ako ng wala ka ay di ko mapapatawad ang sarili ko na nawala ka ng dahil sa akin, at di ko kakayaning mabuhay pa kung wala karin lang naman akung babalikan pa.

        Kung totoo yang sinasabi mo, bakit mahal ang tawag sayo ng doktorang yun? Inirapan ko ito at kinuha ang kamay kung nakayakap sa kanya.
Di naman mahal ni Ate Deanna si doktora, sabat ni Yen.
Yen tama nayan, saway ni Deanna dito.
Pero kasi Ate yon naman talaga ang totoo, napilitan kalang naman sabi ni Lolo ah. Dagdag pa nito, napaka daldal naman pala nitong batang to.
Sige mag kwento kapa Yen makikinig kami nila Ate Mich at Ate Ly sayo, hayaan mo yang Ate Deanna mo.
I kwento mo sa amin kung paano niyo nakita ng Lolo mo si Deanna.

          Ano kasi Ate Jema, isang mangingisda ang Lolo ko, nagulat nalang ako isang araw na hindi isda ang binababa ni Lolo mula sa bangka niya kundi isang magandang babae, akala ko nga noon serena yang si Ate Deanna kasi ang ganda niya kahit may benda ang noo niya at nabalutan siya ng life vest.
Tinulungan ko si Lolong buhatin siya at dalhin sa kubo namin, inaapoy siya noon ng lagnat.
Tapos may plastic na nakakabit sa kanya na may lamang maliit na bag sa loob nito. Nang buksan ko yun ay mga gamot ang laman pinainom siya namin agad ni Lolo ng gamot.

     Dahil sa wala kaming alam ni Lolo sa ibang gamot ay humingi kami ng tulong kay Ate Sheila.
Siya ang nag sabi sa amin na ang ibang gamot daw ay antibiotic.
Pero naubos na yung gamot ni Ate Deanna ay di parin siya gumagaling, pabalik-balik lang yung sakit niya.
Kaya gumamit narin si Lolo ng mga halamang gamot para sa sugat niya sa ulo, hanggang sa dumating sa Isla sila
doktora kasama ng iba pang mga doktor, nang nalaman namin yun ni Lolo ay tumakbo ako para puntahan si  doktora, noong una parang ayaw pa ni doktora, pero wala siyang magawa sobrang makulit lang ako, at di ako papayag na di niya puntahan  at gamutin si Serena, Serena ang tawag namin kay Ate Deanna noon pati ng mga kaibigan ko kasi di namin alam ang tunay niyang pangalan. Napangiti naman ako sa Serena.

     Sige ipagpatuloy mo lang ang pagkwento Yen malayo pa tayo at traffic kaya tamang-tama lang na mag kwento ka, naramdaman ko naman ang ulo ni Deanna sa balikat ko nakatulog ito. Nilingon naman siya ni Yenyen bago pinagpatuloy ang kwento.

     Saan na nga ako banda Ate? Tanong nito.
Doon sa Serena ang pinangalan niyo sa kanya, Sabi ko. Hinila ko ng ubod lakas noon si doktora para puntahan at gamutin niya si Ate.
Nang makita niya itong nakahiga sa papag ay napahinto ito sandali saka nilapitan si Ate Deanna, sobrang payat noon ni Ate Deanna kasi di siya kumakain kasi natutulog lang ito.
Walang tigil lang kaming pinapahiran ng tubig ang bibig niya sa ilang linggo.

    Kaya ayun kina bitan siya ni doktora ng dextrose ba tawag dun?
Na naka plastic na may lamang tubig sa loob? nag-isip pa ito kung tama yong sinabi niya, at tumango naman ako dito. 
Yun kinabitan si Ate Deanna ng dextrose at nag iwan din siya ng gamot na tinutusok doon sa dextrose, siya ang nag-aalaga kay Ate Deanna sa dalawang linggo nilang pamamalagi doon.
At iniwan rin niya ang ibang dextrose kay Ate Sheila at mga gamot nito.
Mahigit isang taon ding tulog si Ate Deanna, at pagka gising niya, iyak siya ng iyak kasi di siya nakakakita. Ako at ng mga kaibigan ko ang naging mata niya, at ni Ate Sheila. Kumunot naman ang noo ko, kasi may doktora na may Sheila pa.

      Hahaha...... Tawa nito.
Wag kang mag-alala Ate Jema, mag kasing edad si Ate Deanna at Ate Sheila pero may anak na kasi yon dalawa. Ninang nga nilang dalawa si Ate Deanna. Alam mo bang lahat ng mga bata sa Isla namin ay mahal si Ate Deanna. Ay hindi pala, lahat pala ng nakatira sa aming Isla ay mahal si Ate Deanna.
Pagwala kaming kuryente,.si Ate Deanna.ang taga aliw naming lahat.
Kinakantahan niya kami, at kinu kwentohan niya kami tungkol sa napaka gandang prinsesang nag ngangalang.
Jessica Margarette Galanza, sabi ni Ate Deanna lihim daw siyang minahal   ng isang kawal ng palasyo.

    Noong una daw sobrang sungit, ng prinsesa, pag nagagalit daw ito nag mumukha daw itong dragon, namilog ang mga matang kwento ni Yen sa amin. Bigla nalang tumawa ng malakas ang dalawang bakulaw sa harapan. Hahaha.... Nagmu- mukhang dragon ba ang sabi mo Yen? At tumawa silang dalawa ulit.
Sobrang saya lang? Tanong ko habang naka taas ang isang kilay ko. At tumawa ulit ang mga walang hiya.

     Marami pang na ikwento si Yenyen sa amin, tungkol sa mga ginawang tulong ni Deanna sa kanila kahit itoy bulag.
Alam mo ba Ate na maliban sa kwento ng prinsesang nagiging dragon pag nagagalit at ng kawal niya, ay kinukwento karin niya sa amin, walang araw na di kaniya naalala, kung gaano ka kaimportante at kahalaga sa kanya.

     Di naman niya mahal si doktora si doktora lang naman talaga ang may gusto sa kanya.
Kahit kami, kahit di kapa namin kilala  at nakita ng personal ikaw ang gusto naming lahat para sa kanya.
Kasi kahit sa kwento lang ay nakikita naming masaya siya kapag pangalan mo ang nababanggit niya.
Sa mga kwento ni Ate Deanna kilalang-kilala kana ng mga tao doon sa aming Isla.
Naawa lang naman si Ate Deanna kay doktora eh, at siguro dahil narin sa utang ng loob kaya pinagbigyan niya ito, pero alam naman ni doktora na ikaw ang totoong mahal ni Ate Deanna dahil hindi naman naglihim si Ate sa kanya tungkol sayo.

             Tamang-tama namang na tapos ang pag kukwento ni Yen ng makarating kami sa condo.
Tinapik ko naman si Deanna sa balikat para magising ito.
Ito na ang bagong simula para sa aming dalawa, mas lalong minahal kita dahil sa narinig kung kwento ni Yen tungkol sa pagmamahal mo sa akin, kaya mas higit akung kakapit at hindi bibitaw sa relasyon natin ipaglalaban kita sa doktorang yun, at wag siyang basta-bastang lalapit sayo dahil makakatikim siya ng nag-aapoy na galit mula aa prinsesang nagiging dragon pag galit, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito habang inalalayan siya namin ni Yen papasok ng elevator.






Short ud guys.
     Di daw masabi


THE SECRETSWhere stories live. Discover now