CHAPTER 93

2.7K 101 15
                                    

Nang nawalan ng malay si Jema di ko alam kung ano ang gagawin ko nag panic kaagad ako, ipinahanda ko ka agad ang personal chopper ko, for emergency purposes lang naman talaga ang purpose nito kaya meron kami nito dito sa kabundukan.

Nang  magising ako mula sa pagkakaratay dahil sa natamo kung sugat, una kung nakita ang mukha ni Jema, mukha ng isang anghel na  natutulog sa paanan ng aking kama. Napalaki ang aking mga mata, kinusot kusot ko pa ito parang nakita ko si Leanne sakanya, ang babaeng pinaka mamahal ko ng buong buhay ko, at ang babaeng nagpabago sa panananaq ko sa buhay, ayaw kung mawala kahit ilang saglit o sandali lang siya paningin ko.
Pero naging masaklap ang kapalaran sa aming dalawa, sa araw mismo ng aming kasal.

FlASHBACK

Papalabas na kami ng simbahan ng biglang may nagkakagalo sa labas ng simbahan nagulat nalang kaming lahat lalong-lalo na ako ng biglang may humablot sa asawa ko at inilayo niya ito sa akin ginawa niyang hostage ang babaeng  pinakamamahal ko.

Iyak ng iyak noon si Leanne, di ako makalapit dahil nakatutok ang baril sa kanyang sintido.
Nagmamakaawa ako sa lalaki na ako nalang ang gawin niyang hostage at wag ang asawa ko dahil buntis ito.

Pero di nakinig sa akin ang lalaki, patuloy parin siya sa ginagawa niyang paghila papalayo sa akin ang asawa ko, nahimatay na ang Mommy ni Leanne nagkakagulo na ang lahat ng tao loob ng simbahan.

Lahat ng demand ng lalaki ay kaya kung ibigay para sa kaligtasan ng asawa ko at sa magiging anak  namin.

Unti unti nang nahihimasmasan ang lalaki, ang gusto lang naman niyang mangyari ay mapawalang sala ang kanyang ama sa kasalanang di naman daw nagawa ng ama niya.
Napag bintangan lang ito ng kanyang sariling amo.
Na nagnakaw daw ng lahat ng stock ng pintura sa pinagtatrabahuan nito.
Mabait at masipag daw ang tatay niya sa trabaho.
Mabait, mapagmahal na ama at asawa, responsable at ayaw na ayaw daw ng Tatay niya sa magnanakaw na tao kaya naniniwala siyang di kayang gawin ng Tatay niya ang binibintang sa kanya ng kanyang boss sa trabaho.

Unti-unti na akung nakakalapit sa kanya, walang humpay ang pag iyak niya ganun di si Leanne, nagmamakaawa ako sa kanya dahil buntis ang asawa ko nakatutok parin ang baril niya sa sintido ng asawa ko, lumalapit na siya sa akin malapit ko nang maabot ang kamay ng asawa ko ng biglang may pumutok na pa pikit ako, dalawang sunod-sunod na putok ang narinig ko.
Ang isa ay mula sa malayo at ang isa ay malapit lang sa amin.

Pagmulat ko ng aking mga ay nakaakap ang lalaki sa asawa ko at duguan ito, ganun din ang  asawa ko isang tama ng baril sa kanyang sintido, at isang tama ng baril din sa puso ng lalaking ng hostage sa kanya.

Di ko alam kung ano ang gagawin ko ng mga oras nayon tanging narinig kolang ay ang paghingi ng tawad sa akin ng binatang lalaki.
Sorry po di ko po sinasadya, sa pautal utal niyang pagsasalita hanggang sa nabawian siya ng buhay.

Nakaluhod akung luhaan kalung kalong ang asawa kung wala ng buhay.
Puno ng paghihinagpis at galit ang laman ng puso ko.
Habang isinisigaw ang pangalan ng asawa ko.

Leannnnnne!!!!!!!!!
Mahal!!! ko!!! Gumising ka please!!!
Wag mo akung iwan.....
Maawa ka......
Mahal ko.....
Punong puno na ng dugo ang kanyang damit at ganun din ako.
Ang sanay masaya naming pagsasama at napalitan ng sobrang puot at galit sa taong pumatay sa asawa ko kung di lang sana nakialam ang mga walang kwentang mga pulis sana ay masaya akung nabubuhay kasama si Leanne at ang mga magiging mga anak sana namin.

Dead on the spot si Leanne at ang lalaki, blanko ako mula ng iburol hanggang ilibing ang asawa ko, ang taning alam ko lang gawin pagkatapos ng libing ay maipaghiganti ang asawa ko sa taong naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

THE SECRETSWhere stories live. Discover now