Kabanata 7

2.4K 195 8
                                    

Nagdaan ang Sabado at Linggo ay hindi nagpakita sa panaginip ko ang manggagaway. Unti-unti ring bumalik ang lakas ko at hindi natuloy ang napipintong lagnat na naramdaman ko noong isang araw. Lunes nang dumating si Ms. Mel dala ang limang libro na ipapagawa niya sa akin. Binigyan niya ako ng delivery order at pinapirma sa isang papel na katunayan na naibigay niya ang limang libro sa akin.

"Nabanggit namin sa namamahala sa National Museum ang pangalan mo, kilala ka pala nila."

Napangiti ako sa sinabi ni Ms. Mel. "Mayroon din akong mga na-restor na mga ilang unang nobela ni Dr. Jose Rizal na nasa kanila." Paliwanag ko.

"Ms. Mel," tawag ko sa pansin niya. "Nakakabasa ka ba ng baybayin?" Nanatili ang ngiti ni Ms Mel sa mukha. Si Ms. Mel ang typical na librarian kung titingnan— nakasalamin, nakapusod ang buhok sa ulo at parating mahaba ang suot.

"Nakakabasa ngunit kailangan kong isulat muna bago ko maintindihan. Hindi ko kaya magtranslate mula sa baybayin papuntang tagalog. Mayroon kasing mga salita noon na hindi ko alam ang kahulugan,'paliwanag niya. "Bakit mo naitanong?"

Bigla akong nag-alinlangan kung ipapakita ko ang libro. Baka kasi kuhanin sa akin at gawing national treasure. Ngunit nanaig ang kagustuhan kong mabasa ang libro.

"Mayroon kasi akong aklat na hindi ko mabasa. Nakasulat sa baybayin at espanyol."

Nagliwanag ang mukha ni Ms. Mel sa narinig. "Siya nga?" tanong niya. Nakangiti akong tumango.

"Kakaunti ang mga libro na naisalba mula sa pre-spanish era. Kadalasan ay mga gamit ng mga Datu, Rajah at Lakan ang mayroon tayo. Maari ko bang makita?"

"Nasa bahay ko. Sa kabila lang naman. Halika, doon tayo. Doon ko rin naman gagawin ang mga libro na ito." Kinuha ko ang limang libro na dinala ni Ms. Mel at niyaya siya sa maliit kong bahay sa kabilang pintuan. Nilapag ko ang limang libro sa work table ko at saka ako nagpaalam kay Ms. Mel na kukuhanin muna ang libro.  Pakiramdam ko ay mabigat ang libro ngayon habang pababa ako ng hagdanan.

"Ipapakita lamang kita," bulong ko sa libro at saka niyakap ito upang makahawak ako sa baradilya ng hagdanan.

"Mukhang na-restore mo na," wika ni Ms. Mel ng makita ang yakap-yakap kong libro. Inabot koi to sa kanya at unti-unti ay nawala ang ngiti ni Ms. Mel.

"Ano ang kulay ng libro bago mo nakuha?" tanong niya. Mabilis niyang binuksan ang libro, nilagpasan ang iginuhit ko at binasa ang unang pahina na may salitang nakalimbag.

Pinakatitigan ni Ms. Mel ang mga simbolo ng baybayin at saka bumulong, "Manggagaway." Binuklat niya ang sumunod na pahina at ang sumunod at ang sumunod pa. Pinilit niyang basahin ngunit mukhang hindi niya rin maintindihan.

"Alam mo ba kung ano ang mangagaway?" Tanong ni Ms. Mel nang isarado niya ang libro. "Isa sila sa makapangyarihan noon ngunit ang kapangyarihan nila ay itim. Sunugin mo ang libro na ito, Kit. Mabigat ito at puno ang pait."

"Nabasa mo ang nakalagay?"

Umiling si Ms. Mel. "Hindi lahat. Hindi ko lubusang maunawaan ang lahat. Mayroong iilang salita akong naintindihan, gaya ng..." binuklat muli ni Ms. Mel ang libro at itinuro ang ilang simbolo.

"Eto, ang sabi rito ay 'kinamumuhian ko ang Lakan.'" Nagbuklat muli ng pahina si Ms. Mel at nagturo ng mga simbolo. "Ang sabi rito, 'ang aking asawa ay nakita kong nangangalunya kung kaya ay binalak ko siya patayin.' Marikit, sunugin moa ng libro na ito."

Maingat kong kinuha ang libro sa kamay ni Ms. Mel. "Nais ko itong maintindihang mabuti. Hindi naman siguro sapat na sunugin ang isang libro ng dahil sa iilang salita."

The Book MakerWhere stories live. Discover now