Kabanata 15

2.3K 171 22
                                    

"Lumabas kang bastos ka," sigaw ko kay Lakandula o Bunao, arrgg ano ba ang itatagwag ko sa kanya? Napapikit ako ng wala sa oras at nagtago sa likod ng unan. Panginoon ko, wala bang parte niya ang malambot? Ay, Diyos ko, ano ba ang nakita ko?

"Tumayo ka riyan. Akin na ang sapin." Utos nito.

"Lumabas ka, o bumalik ka doon... diyan sa libro. Wala ka bang damit?"

Narinig kong nagkalaglag ang mga gamit ko sa banyo. Naku, sinasabi ko sa iyo, tatamaan ka talaga sa akin Bunao kapag nabasag ang mga gamit ko riyan.

"Marikit,"

"Heh, magdamit ka." Diyos ko, anong klaseng tukso ba ito?

"Nakatapis na ako. Tanggalin mo 'yang unan," at nawala ang unan na nakatakip na mumula kong mukha. Nakatapis siya ng tuwalya ko na nakuha sa toilet.

"Bakit namumula ka?" Nakuha niya pang itanong. Bangasan ko yang nakangiti mong mukha, naku... mapapamura ako ng wala sa oras sa lalaking ito.

"Bakit ba lumalabas ka ng walang damit?" Sigaw ko.

"Wala naman talaga akong saplot sa kulungan." Katwiran niya. Papaano pa ako titingin sa kanya nang hindi namumula? "Sino 'yang kausap mo at hindi mo ako pinapansin?"

"Ano ba iyang sinasabi mo?" Naiilang na tanong ko. Tumayo ako upang lumabas ng silid. Masyadong mainit at nakakauhaw. Gusto ko ng tubig. Hinawakan ni Bunao ang aking braso at parang bulak lamang akong pinigilan at iniharap sa kanya.

"Sino?" Tanong niya.

"Ang alin?" Bakit ang lapit mo?

"Ang kausap mo?"

"Si... Jake,"

Naningkit ang mga mata ni Bunao. "Natatakot ka sa akin, Marikit?" Tinimbang ko ang tanong niya habang ang mukha namin ay magkalapit. "Hindi," matapat na sagot ko.

"Dapat kang matakot," babala niya. "At bakit?" Tanong ko. Saan ba nanggagaling ang tapang ko?

"Sapagkat, kinukuha ko ang lahat ng naisin ko." Sagot niya. Ang isang sulok ng labi ay nakataas na wari mo ay nanunuyang nakangiti. "At nais kitang kuhanin sa kung sino man ang nagpapatawa sa iyo."

"Ano ang..."

Siniil ako ng mapagparusang halik ni Bunao. Nawiwili itong kakahalik tapos sasabihing mali ang lahat kung kaya itinulak ko siya palayo sa abot ng aking makakaya. Nagpumiglas ako sa kanyang pagkakahawak. Ayos na sana, naitulak ko na siya ng kaunti kaya lang nalaglag ang tuwalya at napatingin ako sa nalaglag na tuwalya.

"Sa mukha ang tingin, Marikit." Wika ng nanunuyang si Bunao. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. "Alam mo bang mahigit limang daang taon akong nakakulong? Kaya huwag mong titigan ng ganyan ang pagkalalaki ko kung ayaw mong..." huminga ng malalim si Bunao. "... mapadali sa atin ang lahat."

"Magdamit ka," wika ko ngunit bakit parang kinapos ako ng hininga? "Marikit, tandaan mo. Ang sa Lakan ay sa Lakan." At ang halik mo ay dumapo na naman sa labi ko. Mapagparusa ngunit nag-aalab. Naghahalo ang sakit at sarap. Ang kanyang mga kamay ay parang baging na yumakap sa akin ay ako ay nagpatangay sa agos ng kapusukan na hindi ko alam na nanalaytay sa akin. Tumugon ako sa halik at gaya niya ay gumapang ang aking kamay upang damhin ang kanyang katawan.

"Hahanap ako ng paraan upang tuluyang makawala ngunit hindi ko nanaising maging kapalit ka noon. Tandaan mo, Marikit, ang kay Lakan ay kay Lakan. Ang ngiti mo at halakhak ay sa akin lamang."

Nalulunod pa ako sa halik na siya rin naman ang tumapos. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Bakit pagdating sa taong ito ay nawawala ako sa katinuan?

"Ha?"

"Tigilan mo si Jake, maliwanag?"

Tigilan ko si Jake? "Ano ka? Boyfriend ko?" Tuluyan kong itinulak palayo si Bunao. "Tumigil ka nga. Bakit naagaw ni Udaya ang kapangyarihan mo? Ano ang ginawa mo?"

Hindi nagsalita si Bunao at nakatitig lamang sa akin. "Sumagot ka. Tatamaan ka sa akin. Sinasabi ko sa iyo, sa susunod na labas mo sa aklat mo, may kakaibang guhit diyan sa mukha mo."

Doon tumawa si Bunao na lalo kong ikinainis. "Narinig ko ang usapan ninyo nila... Carol. Ikaw ba ay naninibugho?" Nanlaki ang butas ng ilong ko sa itinanong niya.

"Doon ka nga." Itinuro ko ang aklat na nasa lapag. "At magdamit ka."

"Aalis na ako. Huwag ka ng sumigaw." Mukhang nasisiyahan talaga siya.

"Teka, sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit ka naagawan ng kapangyarihan?"

"Paalam, Marikit." At ang damoho ay babalik nga sa loob ng aklat ng hindi ako sinasagot. Tumakbo ako upang unahan siya. Pinulot ko ang aklat sa sahig at niyakap ito. Ngayon, may isang nakapamewang na hubad na lalaki sa gitna ng silid ko at mukha siyang hindi masaya.

"Magdamit ka. Magtapis ka. Huwag kang parang... si Machete na nakatayo diyan sa harapan ko." Nararamdaman kong namumula na naman ako. Bakit ba kasi buhay iyang alaga mo?

"Ano nga ang tanong mo?"

"Ano ang ginawa ni Udaya sa iyo? Bakit nakuhanan ka ng kapangyarihan?"

"Hindi mo gugustuhing malaman." Sagot niya at marahang naglakad palapit sa akin. Teka, bakit lumalapit ka? Itinago ko ang mukha ko sa likod ng aklat ng makalapit siya sa akin.

"Maninibugho ka lamang," dagdag niya. Kinuha ni Bunao ang aklat sa akin at initsa sa kama. Napapikit na naman ako. Diyos ko, ano ba? "Hanggang sa muli, Marikit." Hinawakan ni Bunao ang mukha ko at itinaas upang halikang muli. Unti-unti siyang nawala sa harapan ko, gayon din ang pakiramdam ng kanyang labi at nagbalik sa aklat.

"Bunao," sigaw ko at hinampas ng unan ang aklat na pakiramdam ko ay tumatawa ang nakakulong doon.

*************

"Susunugin talaga kita. Makikita mo, magkakaroon ng... ng... ano... sa mukha mo." Naiinis na pinaghahampas ng unan ni Marikit ang aklat. Hindi ko mapigilang matawa. "Gagawin kong makulay para kitang-kita agad. Bwisit ka. Hindi mo na naman ako sinagot."

"Hindi mo kailangang malaman ang kahangalan ko."

"Panay ka halik, hinayupak ka. Tapos bigla kang mawawala." Isang huling palo ng unan ang tinamo ng aking kulungan bago tuluyang tumigil si Marikit. Inabot niya ang telepono niya at nagpipindot na naman doon. Nawala ang ngiti ko na kanina lang ay hindi mawala-wala.

"Hello... Jake," wika niya.

Tampalasan! Marikit!

Aba't, sinusubok mo talaga ako.

"Ano? Lalabas ka o hindi?" Tanong niya. Sinubukan kong muli ang tanikala kung kakayanin ko pang umalis upang turuan ng aral ang isa na ito. "Dalawa, Bunao." Sigaw niya.

"Pagbabayaran mo ang kapusukan mong ito, Marikit." Wika ko at muling kumawala pansamantala sa gapos ng kulungan.

Mabitawan ni Marikit ang kanyang telepono nang naging malinaw na ako sa kanyang harapan.

"Oo, wala akong saplot. Ginusto mong lumabas ako, hindi ba? Anong kapangahasan ang ginagawa mo, ha? Gusto mo talagang kumitil ako ng isang buhay para tumimo sa isipan mo na ang akin ay akin."

Hindi nakapagsalita si Marikit. Nanunuot ang kanyang paningin sa himaymay ng aking kalamnan. "Kung wala kang sasabihin, magsisimula akong angkinin ka. Ngayong gabi."

Napamaang siya nang matimo sa kanyang isipan ang sinabi ko. Siniil kong muli ang kanyang labi ng halik at hinayaang mapatihulog sa kanyang higaan.

"Bunao," tawag niya sa aking pangalan.

"Natatakot ka na?"

"Hindi," matapang na sagot niya.

"Dapat kang matakot." Para akong isang uhaw na naglakbay sa kawalan at ngayon lamang nakakita ng tubig. "Dahil Marikit, magiging akin ka. Ngayon mismo."

-----------

A/N: hahaha sorry time to go home na.
Gamitin ang imagination ngayong weekend. Okay?
Happy weekend.

The Book MakerWhere stories live. Discover now