Kabanata 17

2.3K 184 7
                                    

Nagising ako kinaumagahan na mag-isa sa kama. Napatingin ako sa pwesto na siyang hinigaan ni Bunao kagabi ngunit tanging ang libro ang naroon. Nahihiya akong hinigpitan ang kumot sa aking hubad na katawan. Nahagip pa ng aking paningin ang bahid ng dugo sa kumot.

"Huwag kang ngumiti-ngiti riyan. May dapat pa tayong pag-usapan na lagi mong iniiwasan."

Hindi ko alam kung bakit sa likod ng isip ko ay naririnig ko siya.

"Kay ganda mo lalo sa umaga, Marikit." Wika niya.

Maingat akong tumayo at dinala papuntang banyo ang kumot na nakatapis sa akin. Bigla akong nahiya kahit na nakita niya ng lahat sa akin. Pakiramdam ko ay namumula ako habang nasa ilalim ng shower. Naalala ko ang mga nangyari kagabi. Lahat-lahat.

"Panginoon ko, ibinigay ko na nga." Mahinang wika ko. Nanatili ako sa ilalim ng shower habang nag-iisip. Anon a ang mangyayari sa akin... sa amin... nito? Paulit-ulit na tanong iyon ng isip ko hanggang sa mag-ingay ang cellphone ko sa kwarto. Naka-bath robe ako nang lumabas sa banyo at sinagot ang cellphone.

"Sino iyan?" Narinig kong tanong ni Bunao sa likod ng isipan ko.

"Hello, Ms. Mel," Sagot ko. Bakit parang huminga ng malalim si Bunao. Napatingin tuloy ako sa libro na nasa kama.

"Kit, busy ka ba? Pwedeng dumaan kami ni Rose sa shop mo?"

"Ay, okay lang Ms. Mel. Hintayin ko kayo. Mga anong oras kayo dadating?"

"Within an hour. Salamat Kit. See you,. Pinatay ni Ms. Mel ang telepono at muli ay natingin ako sa libro.

"Ano ang kailangan ng mga taga-bantay?" Tanong ni Bunao.

"Naririnig nga ba talaga kita ? O nababaliw na ako?" Bulong ko. Bumalik ako sa banyo at doon nagbihis. Pinag-iisipan ko kung dadalin ko ang libro sa shop ngunit baka mawaglit lang kaya iniwan ko na lang ito sa kama ko.

Limang minuto bago kami magkita nila Ms. Mel, may dumating na babae sa shop.

"Magandang umaga, mayroon ba kayong mga lumang libro na binebenta?" Tanong nito kay Edna.

"Meron po. Ma'am Kit, may naghahanap ng collector's item." Tawag sa akin ni Edna. Nakangiti akong lumapit sa kanila at ewan ko ba kung bakit parang kinabahan ko nang makaharap ko ang babae. Maganda siya at mukhang kasing edad namin ni Carol. Nakapusod ang buhok niya at kay pula ng labi. Taliwas ang kulay puti niyang balat sa kulay itim niyang suot na bestida.

"Can I help you?"

"Naghahanap ako ng lumang libro. May roon ba kayo rito?" tanong niya sa akin.

"Mayroon akong mga classic gaya ng Noli at Fili, Ibong Adrana..." Umiling ang babae sa akin kaya naputol ang pagsasalita ko.

"Wala itong pamagat," ang sabi niya. Nagsimula akong kabahan at ang unang pumasok sa isipan ko ay ang libro na nasa akin.

"Mahihirapan po..."

Tiningnan ako ng taimtim ng babae. "Wala itong pamagat. Mayroon ka na bang nakitang aklat na walang pamagat?" Tanong niya.

"Wala," mahinahong sagot ko. Patuloy akong tinitigan ng babae. Hindi siya nagbaba ng tingin at nanunuot ang kanyang pagtitig. Tumaas ang isang sulok ng labi nito na parang nanunuya.

"Kit," tawag ni Ms. Rose sa akin mula sa pintuan. Napatingin sa kanila ang babae na nasa harapan ko. Kumunot ang noo ni Ms. Rose at Ms. Mel ngunit hindi sila tuminag sa may pintuan. Parang naging masikit ang maliit kong shop samantalang puro babae ang bisita ko.

"Kung ganoon ay mauuna na ako, Mutyang Marikit." Wika niya. Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa itinawag niya sa akin.

"Sino ka?"

"Makikilala mo rin. Hanggang sa muling pagkikita." Sagot niya. Tumalikod ito sa akin at lumakad palabas ng shop. Huminto siya sa tapat ni Ms. Rose at Ms. Mel.

"Pagbutihin ninyo ang pagiging taksil sa angkan," asik niya bago tuluyang nakalabas ng pintuan. Napatulala sila Ms. Rose sa kinatatayuan nila. Mga sampong segundo ng nakakalabas ang babae nang magsalita si Ms. Rose.

"Si Udaya," sambit niya. Doon ako nanlalambot na napasandal sa table ko.

"Ang libro mo?" Tanong ni Ms. Mel. Nilukuban ako ng takot at pinilit tumayo kahit nanghihina. Nakasunod sa akin sila Ms. Mel at Ms. Rose nang lumabas ako sa shop at lumipat sa bahay ko. Nanginginig ang kamay kong binuksan ang pintuan.

Galit na Lakan ang tumambad sa amin pagkabukas ng pinto. Agad niya akong hinila papasok at niyakap ng mahigpit. Tahimik na pumasok sila Ms. Mel at Ms. Rose at sinarado ang pintuan.

"Nariyan si Udaya. Sinaktan ka ba?" Tanong niya. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag.

"Hindi,"

"Kayo... itininuro ninyo," galit na wika ni Bunao sa dalawang panauhin ko.

"Hindi. Naunang pumunta ang isang babae kanina sa shop. Hindi kasama nila Ms. Mel si Udaya." Paliwanag ko. "Kumalma ka," bulong ko sa kanya.

Ngunit parang hindi siya naniniwala. Inilayo niya ako sa pagkakayakap niya at tiningan ang magkabilang pisngi ko, ang mga braso at maging ang leeg ko ay sinalat. "Ano ba, wala akong lagnat." Saway ko sa kanya.

"Bakit kayo naparito?" Baling ni Bunao sa dalawa.

"Nais lamang naming sabihin kay Marikit ang nalaman namin. Ngunit mukhang mali ang nalaman ko. Iba ang sinabi ni Udaya kanina." Sagot ni Ms. Rose.

"Ano ang sinabi ng tampalasang babae na iyon?"

"Tinawag niyang Mutyang Marikit si Kit kanina." Sagot ni Ms. Rose. Napalingon sa akin si Bunao na parang hindi makapaniwala.

"Ang akala ko ay galing siya sa angkan ni Mutya. Kapatid marahil ng dapat at mapapangasawa mo?"

"Mutya," mahinang wika ni Bunao. "Ikaw nga ba?"

"Sino si Mutya? Kung ikakasal ka na noon, bakit..."

"Si Mutya ang katipan niya noon. Siya ang asawa ng Lakandula sa mga kwento," paliwanag ni Ms. Mel.

"Patawarin mo ako," wika ni Bunao at muli niya akong niyakap ng mahigpit. "Kailangan mong mag-ingat Marikit. Kailangan mong mag-ingat kay Udaya,"

"Hinahanap niya ang libro sa akin," paliwanag ko sa kanila. Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap ni Bunao. Oo nga at nakatapis siya ngunit... may ibang tao sa bahay.

"Panginoon ko. Kailangan mo kayang umalis na muna dito?" Naguguluhang tanong ni Ms. Mel.

"Saan ako pupunta? Makakadamay pa ako ng iba. Dito na lamang ako at itatago ang libro sa hindi kayang makita,"

"Kung sana ay makakalaya lamang ang Lakandula sa libro," saad ni Ms. Rose na ikinailing ng ulo ni Bunao.

"Ano ba ang tinatago mo? Paano ka namin matutulungan kung hindi ka magpapaliwanag?" Naiinis na tanong ko. Parati na lang kasing ganito. Para akong naglalakad sa dilim dahil hindi ko alam ang gagawin.

"Ang bawat salita ay nakakamatay, Marikit. Huwag kang magsusulat sa libro kung hindi mo nais na mapasama ang sitwasyon." Wika niya na naman. "Hinihila na ako ng tanikala. Babalik akong muli sa libro. Ingatan ninyo si Marikit. Ingatan ninyo si... Mutya." Bilin niya kay Ms. Mel at Ms. Rose. Nagmamadali siyang umakyat sa hagdanan papuntang ikalawang palapag.

Naguguluhang akong tumingin kay Ms. Rose. "Kailangan ba nating tawagan si Carol upang basahin muli ang libro? Hindi magsasalita si Bunao kung paano siya mapapalaya at hindi ko alam kung bakit? Kung natatandaan ko lang sana ang sinabi niya noon."

"Tatawagan ko si Zandro at Carol," sang-ayon ni Ms. Rose.

Maari kang magsulat sa libro.

Iyon ang una niyang bilin sa akin noon sa panaginip. Taos ngayon ay hindi niya nais na magsulat ako?

"Hindi kaya tama si Jake?" Naguguluhang tanong ko kay Ms. Mel. "Hindi kaya kailangang mapuno ang libro para makalaya siya?"

Nagkatinginan ang dalawang taga-bantay. "Maari." Maikling sagot ni Ms. Mel sa akin.

The Book MakerWhere stories live. Discover now