Kabanata 31

4.5K 230 47
                                    

Parang ang tagal kong namahinga at bigla ay para siyang nag-iba. Tahimik kami sa taxi pauwi. Kinakabahan ako at hindi alam kung saan magsisimulang magtanong. Si Carol ay walang binanggit maliban sa 'Babalik sila.'

"Ayos ka lamang, Marikit?"tanong ni Bunao.

"Nasaan ang mga tattoo mo?" balik na tanong ko sa kanya nang makapasok na kami sa aking maliit na bahay.

"Ang mga pinta ba ang nais mong itanong?"

Bakit parang kay layo niya? Kagabi ay mahigpit n'ya lamang akong niyakap magdamag.

"Ano ang nangyari?"

Tahimik si Bunao na nakatitig sa akin. "Alam mo ba na nagdadalang tao ka?" tanong niya pagkaraan ng ilang sandali.

"Narinig ko," matapat na sagot ko. "May ilang araw din akong naririnig ang usapan ninyo."

"Gagawin ko ang lahat para sa magiging anak natin," wika ni Bunao. Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata ngunit pinigilan niya itong bumagsak. "Binigyan mo ako ng pag-asang mabuhay, Marikit at binigyan ng dahilan upang lumaban." Huminga siya ng malalim. Punong-puno ang hinanakit ang kanyang mukha. "Wala na si Mel— ang taga-bantay."

"Huh? Paanong... Anong nangyari?"

"Siya ang nagpalaya sa akin mula sa aklat." Nanghina bigla ang tuhod ko. Inilalayan ako ni Bunao na makaupo sa upuan. Hawak niya ang aking mga kamay nang umupo siya sa aking tabi.

"Ilanga raw ko ring dinala sa aking katawan ang kanyang dugo. Ang tinta na kanyang ipinanulat ay ang kanyang buhay. Hindi iisang ulit kong sinisi ang aking sarili sa nangyari. At ngayon nga ay pati si Jake ay nawala."

"Namatay din si Jake?" tanong ko. Nabubulunan ako ng pighati sa nangyayari. Umiling si Bunao at hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay.

"Kinuha siya ni Sitan. Anak si Jake ni Sitan."

"Ha?"

"At si Rose na taga-bantay ay ang diwatang si Amihan."

Tuluyan akong napasandal sa upuan. "At dinadala ko ang iyong anak."

Tumango si Bunao at hinalikan ang aking kamay. "Ang huling purong dugong bughaw galing sa lahi ng maharlika." Nanatili ang kamay ko sa labi niya. Hindi niya ito binitawan. "Magpahinga ka na, Marikit."

"Ano ang mangyayari nito?"

Sumilay ang isang ngiti kay Bunao. "Ang ating anak ay isisilang mo, sinta. Hayaan mong gabayan tayo ng propesiya. Hahanapin namin si Jake at ibabalik. Sa susunod ay hindi na kami magpapadalos-dalos at pag-iisipan na namin ang lahat. Ang mahalaga ngayon ay wala na si Udaya. Hindi ko sasayangin ang ginawang kabayanihan ng taga-bantay."

"Hindi ka na aalis?"

"Wala naman akong ibang pupuntahan at kung nais mo akong paalisin ay mahihirapan ka. Mananatili ako sa tabi mo sa ayaw at sa gusto mo."

"Natatakot akong pumikit. Paano kung hindi ako magising o sa paggising ko ay wala kang muli?"

"Ang aklat ay nasunog ka kasama ni Udaya. Halika at sasamahan kitang mahiga. Marami tayong dapat pag-usapan ngunit kailangan mong magpahinga." Tumayo si Bunao at inilahad ang kanyang kamay sa akin.

Hindi umalis si Bunao sa aking tabi nang makatulog ako. Naroon siya sa aking higaan nang ako ay magising. Nakatitig at sinusuklay ng kanyang kamay ang aking buhok.

"Marikit, sa panahon ko ay ang pinuno ang nagsasagawa ng seremonya ng pag-iisang dibdib. Sa panahon mo ay paano?"

"Inaantok ka pa yata? Ano 'yang sinasabi mo?" Nag-aaya ba siya ng kasal?

The Book MakerWhere stories live. Discover now