CHAPTER 1

262K 4.2K 475
                                    

Isang linggo na ang nakalipas ng mailibing ang aking Ina, at isang linggo narin akong kinukulit ni Tiya tungkol sa alok ng Donya.

May punto din naman si Tiya sapagkat walang mangyayari sakin kung nandito ako sa bahay. Kung andun ako mataas ang tsansa na makapag aral ako...

Alas Otso ng umaga ng tinahak ko ang Mansyon ng mga Wilson... Nasa labas ako ng Mansyon at kinakausap ang guard. Tumawag muna ito sa loob bago ako pinagbuksan.

Nang nasa may biranda na ako ay agad akong sinalubong nina Donya Clarita at Don Felipe...

"Iha malaki ang utang na loob namin sa iyong ina, halos sya na ang nagpalaki sa aming mga anak!" Sabi nya sakin habang hinahaplos ang aking mga buhok.

"Mom" rinig kong tinig ng isang lalaki sa likudan ko.

Tumingin doon si Donya Clarita kaya naman napatingin din ako doon. Nagulat ako ng makita ko ang nagulat ding si Joshua...

"Oww Nica!" Aniya at nagbeso sakin.

"Josh, Iho kilala mo sya" ani Donya at inakbayan ang anak.

"Opo Mom, sya po yung kinuwento ko sa inyo nung nakaraang linggo" ani nito habang nakatitig sakin.

"Pasensya ka na Iha saking panganay na si Jerome" aniya na ngayon ay natatawa.

Tumango lang ako sa kanya at ginantihan ng ngiti.

"Sya Joshua tawagin mo ang mga kuya mo para maipakilala ko sa inyo ang Anak ni Nana yolly nyo"ani nito kay Joshua bago umalis.

"Bakit po wala sila sa libing ni Mama?"

"Naku Iha! Hindi nila gustong makita sa ganung kalagayan ang nagpalaki sa kanila" aniya habang iginigiya ako sa Living Room. Sa pagkakaalam ko kasi lagi silang nasa ibang bansa at linggo lang ang tinatagal nila dito sa Pinas...

Nadatnan namin sa Living Room ang tatlo nyang anak si Joshua na nakangisi sakin, Si Jake na ni head to foot ako at napaawang ang bibig nya ng bandang dibdib ko na kaya bahagya kong inayos ang damit ko napangisi naman sya sa ginawa ko at umiling iling...Si Jerome naman ay Busy sa magazine na hawak nya na parang walang balak man lang na sumulyap sakin..

"Boys introduce yourself to Daughter of your Nana Yolly" Donya Clarita Said.

"I'm Joshua Wilson 18 yrs Old" sabay ngisi nya sakin, mukhang masayahin at mukhang makakasundo ko sya.

"I'm Jake Wilson 19 yrs Old" aniya at dinilaan nya ng bahagya ang babang bahagi ng kanyang labi, kumindat sya sakin kaya nag iwas ako ng tingin dito...

"Jerome?" Tawag ni Donya na mukha atang walang balak akong kausapin..

Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita.

"Jerome 20" mabilis nyang sabi at bumalik na ulit sa magazine na hawak nya kanina pa.

"Ako si DANICA RAMIREZ for short Nica! 19 yrs old" nahihiya kong sabi.

"Boys! Sya na ang papalit sa Nana Yolly nyo. Sya na ang mag aalaga sa inyo at sya na ang mag aasikaso sa inyo! Mag aaral di sya kaya behave kayo Boys" ani ni Don Felipe.

Tatlong araw na ang lumipas mula ng tumira ako dito sa mansyon mahirap man pag sabayin ang pag aaral at pagiging yaya sa Wilson Brother ay kinakaya ko para sa magandang kinabukasan na hinahangad sakin ni Papa at Mama...

Kahapon ay umalis sina Donya at Don upang asikasuhin ang Company nila sa US.

"Danica" malakas na tawag ni Jerome sakin mula sa kwarto nya...

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora