Chapter 21

74.3K 1.1K 34
                                    

Napahinto ako sa kakatakbo ng may nabangga akong isang tao sa dinaraanan ko. Agad akong nag taas ng tingin at ka agad na napatakip sa aking bibig...

"Do-Donya?" Nag aalinlangan kong tanong dito at mabilis na pinunasan ang mga luha ko.

"Pwede ba kita makausap?" Ma awtoridad at nakataas ang isang kilay na sambit nya sakin.

"Nagmamadali po kasi ako" mabilis kong tugon at inayos ang aking pagkakatayo.

"Ija! Alam ko naman na malaki ang utang na loob ko sa inyo ng Nanay mo, Pero ija may isa sana akong hihilingin sayo.!" At hinawakan nya ang dalawa kong kamay.

"Layuan mo na si Jerome please, May asawa na sya at may anak na sila." Mabilis kong binawi ang aking mga kamay.

"Wala po akong balak na guluhin sila." Mahinahon kong saad na nag pa aliwalas sa mukha nya.

"Sige po mauna na ako" pagpapaalam ko sa kanya na ngiti at tango lang ang natanggap ko.

Nakarating na ako sa Condo namin ni Dek ngunit wala pa ito dito kaya nag aalala na ako. Sinubukan ko syang kontakin ngunit patay ang phone nya.

Nagmamadali akong lumabas ng Condo at pinatakbo ang aking sasakyan. Sinubukan ko ulit syang kontakin ngunit sa kasamaang palad ay nalaglag ang phone ko kaya pinilit ko itong abutin hanggang sa napasalpok ako sa isang pang sasakyan.. Naging itim lahat sa aking paningin...

"Danica are you ok?" Bungad sakin ni Dek na nag aalala nang mag mulat ako ng mga mata.

"Oo ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya habang hilot hilot ang aking ulo.

"Car Accident at si Jerome ang nakabangga sayo" na estatwa naman ako sa aking narinig na pangalan. Pano kung maka alala sya?! Paano kung...

Natigil ako sa pag iisip nang may biglang nagbukas ng pintuan ng room ko na halos masira ito dahil sa lakas.

"Je-jerome" nangangatal ang boses kong nakatitig sa kanya habang si jane ay inirapan ako.

"DANICA" malakas nyang sigaw at tumakbo palapit sakin at niyakap ng mahigpit...

"Nakaka alala na ako, Naaalala na kita! Wag ka nang aalis ulit pwede ba!?" Pagsusumamo nya at marahan na hinaplos ang aking mga hibla ng buhok. "Pwede bang wag mo na akong iiwan ulit? Pwede bang---" naputol sa sasabihin nya kasabay nun ang.... Teka! LUHA? agad ko syang pinatingin sa akin at kita ko ang mga mata nyang nag susumamo at bakas dito ang kalungkutan.

"Jerome nagkakamali ka! Si Jane ang asa---"

"NO DANICA sinabi na sakin lahat ni Josh" at marahan nyang hinaplos haplos ang pisngi ko.

"Pe-pero Jero---" inilagay nya ang hintuturo nyang daliri sa aking bibig dahilan para mapahinto ako sa sasabihin ko.

"Danica minsan mo na akong iniwan at hindi na ako papayag pa na maulit ulit yun! At lalong hindi na ako papayag na mawala ka pa sa paningin ko" mahaba nyang lintanya at inilagay ang noo sa noo ko.

"Hon!" Tawag ni Jane sa likudan nya

"Jane! Ayokong magalit sayo kaya please umalis ka na" mahinahon ngunit may diing pagkakasabi nya habang nasa ganung pwesto pa din kami.

Mabilis na lumabas si Jane at padabog na isinara ang pinto, Na ka agad naman syang sinundan ni Dek.

Nabigla naman ako ng magtama ang mga mata namin ni Jerome na ka agad itong nagiba ng emosyon. Kita sa mga mata nya ang galit at lungkot.

"Ikakasal na ba kayo ni Benedict?" Malumanay ngunit kitang kita sa mata nya ang galit.

Ngumisi ako sa kanya sabay iling. Napangiti naman sya sa aking ginawa kaya mabilis ko syang niyakap dahil sobra ko syang namiss.

Ilang minuto din kami sa ganung posisyon ng may pumasok sa aking silid.

"Jerome" sigaw na bungad ni Donya.

Ngunit nilingon lang sya ni Jerome at tiningnan ng masama.

"Mom please leave" utos nya sa kanyang ina na hindi na tinapunan pa ng tingin.

"Jerome" tawag ni Don dahil sa kanyang inasal.

Tumayo bigla si Jerome at lumapit ng bahagya sa kanyang mga magulang.

"Alam nyo ang tungkol samin ni Danica diba?" Pagtatanong nya na bakas pa din ang hinanakit.

"I'm so sorry Son" mahinang sambit ni Donya at yumuko ito.

"But why Mom? Masaya ba kayo na makitang nahihirapan ako?" Tanong nya na sa palagay ko ay nangingilid na ang mga luha nya.

Dahan dahan akong tumayo sa kama at tumabi kay Jerome sabay haplos sa likudan nito napatingin naman sya ng maramdaman ang presensya ko.

"No Ijo you know that! Minabuti namin na hindi nalang ipaalam sayo kahit ang pangalan nya. Because she  cause of your amnesia." Agad naman ibinaling sakin ni donya ang tingin nya ng masama.

"It's a accident mom" pagtugon nya sa kanyang ina.

"But son how about your Wife and your Daughter?" Pagtatanong ni don na tsaka lamang inalis ni donya ang titig nya sakin.

"Jane is not my wife and jamilla is not my daughter" diing sambit nya sa kanyang ama.

"WHAT DO YOU MEAN JEROME?!" inis na saad ni Donya.

"Jamilla is daughter of Benedict" iritadong saad ni Jerome habang hinawakan nya ang kamay ko.

"What are you saying? Are you Crazy Son?" At umirap irap ang ina nya habang nag tatanong kay Jerome.

"No! I'm not" inis na saad ni Jerome at naupo sa kama sabay hila sakin.

Huminga muna sya ng malalim at tsaka nya kinuwento ang lahat sa kanyang mga magulang.

Napatingin ako kay Donya na nagiwas lang sakin ng tingin at tsaka mabilis na lumabas. Tinapik muna ni Don ang braso ni Jerome bago nito sinundan ang asawa.

"Are you ok?" Pagtatanong ko sa kanya na agad nyang ikinaharap.

"Yes Dani" masaya nyang tugon sakin at hinalikan ako sa noo kasabay ng pagyakap nya sakin.

Natutuwa ako at bumalik na sya sa dati pero ewan ko pero parang madaming magbabago dahil sa pagbabalik ng alaala nya. Gusto ko allways nalang syang nakayakap sakin! At kahit ako din ay ayaw ko nang malayo ulit sa kanya. Ayaw ko na ulit syang iwanan ayoko na ulit syang makitang hawak ng iba. Ayaw ko na ulit syang nakikitang nahihirapan. Ayoko na ulit syang nakikitang nasasaktan.


Maid Of Wilson Brother's (Complete)Where stories live. Discover now