Flashback

121K 1.5K 26
                                    

Pagkagaling ko sa palengke ay nakita ko si Benedict sa munti naming kubo ang aking kababata na galing sa Singapore ibang iba na sya ngayon hindi mapapagkaila na isa na sya ngayong mayaman at sikat na Bussiness Man...

"Nicaaaa" aniya ng makita ako at tumakbo patungo sa aking kinatatayuan...

"Dekdek" aniya ko at yumakap agad sa mga bisig nyang naka kawang.

"Ang ganda mo bagay na bagay sayo yang suot mong damit" aniya at bahagya akong yumuko para tingnan ang aking suot. Naka Off shoulder na kulay pula at nakapalda na hanggang tuhod.

"Hanggang kailan ka dito sa Pinas?" Ani ko sa kanya habang patungo sa aming munting bahay.

"Aalis din ako bukas Nica" aniya na ikinalungkot ko...

"Asan si Tita Yolly?" Aniya.

"Nasa trabaho kina Don Felipe."

"Sya magbihis ka" aniya sabay abot sakin ng madaming Paper bag..

Pagtingin ko dito ay nakita ko ang iba't ibang magagandang damit at sapatos...

"Ang ganda ng mga ito dekdek"

"Si Mom ang pumili nyan" aniya at ngumisi sakin.

Agad naman akong pumasok sa loob upang magbihis, napili kong isuot ang isang pulang dress at isang itim na flat shoes...

Pumunta kami sa isang Mall at niyaya nya akong kumain sa isang Japanese Restaurant bata palang kami ay hilig na namin ang mga pagkaing banyaga...

"Restroom lang ako sandali Dek" ani ko sa kanya habang umo order.

"Sige bilisan mo ha" aniya habang tumatawa.

Umiling iling nalang ako sabay alis na...

"BITCH!" Sigaw ng isang lalaking nabangga ko.

"Pasensya na po" at yumuko na ako dahil sa kahihiyan...

"Are you blind?" At dinuro duro pa akoo...

"Kuya" rinig kong tinig ng isang lalaki sa likudan nya na kagagaling lang sa Restroom.

"What?" Iritado nyang sabi sabay sagi sa aking braso bago umalis.

"Ok ka lang?" Tanong nya sakin na tumango lang ako bilang tugon.

"I'm Joshua" aniya at naglahad ng kamay sakin.

Marahan ko naman iyong inabot at ...

" Nica for short of Danica." Ani ko sa kanya sabay bawi ng aking kamay.

"Josh" tawag pa ng isang lalaki mula sa likudan nya na pakiwari ko ay galing din sa Restroom...

"Kuya Jake" ani nitong Joshua.

"Nangyari?" Ani Jake at inakbayan ang kapatid...

"Sinigawan ni Kuya Jerome" ani nito ngunit bago pa sya sumagot ay nag paalam na ako...

Pagkatapos kong mag restroom ay bumalik na ako sa pinangiwanan ko kay dekdek.

Pagkatapos namin ay agad na nyang akong hinatid! Kahit gusto nya pa akong igala ay tumutol na ako dito para makapagpahinga sya dahil maaga pa syang aalis bukas.

Kumaway muna sya sakin bago tuluyang pinaandar ang kanyang magarang sasakyan...

Pagkapasok ko ay agad akong nagluto at naglinis ng bahay upang pagdating ni Mama ay mamamahinga nalang sya..

Alas syete na ng gabi ngunit wala parin si mama na dapat ay kanina pang nanditong alas sais! Excited pa naman ako dahil sa mga damit na bago na ibinigay sa kanya ni Tita Clarisse mama ni Dekdek...

May kumatok sa pintuan sa pag kakaakala kong si mama ay nagmadali akong buksan ito..

"Ti-tiya" pagka dismaya ko ng makitang hindi iyun si mama.

"Nica may tawag ka mula sa Mansyon" aniya na naluluha doon palang ay kinabahan na ako ngunit nagkibit balikat nalng ako dito...

Kinuha ko ang cellphone ni Tiya at marahan kong inilagay sa aking tenga...

"Hello" magalang kong sabi sa kabilang linya

"Iha wala na ang iyong Nanay" ani nang nasa kabilang linya, sa pagkabigla ko ay nabitawan ko ang Cellphone ni Tiya kapatid ng aking ama na namayapa narin ng Limang taong gulang palang ako...

Napaupo ako sa sahig at humagulhol ng humagulhol, naramdaman ko naman ang mga maiinit na yakap ni Tiya at ang pag iyak nito...

Ilang minuto akong umiyak at natutulala ng may isang sasakyan na tumigil sa aming bakuran! Mula sa sasakyan ay lumabas ang apat na lalaking nakaputi at binuhat nilang ang isang puti at mahabang kabaong..

Parang gumunaw ang mundo ko ng makita ang mga bangkay ng minamahal kong Ina...

Nang mailapag ito ay agad ko itong niyakap at walang ginawa kundi umiyak at magsalita sa sobrang sakit... ( Bakit mama? Bakit mo ako iniwan? Bakit andaya daya nyo ni Papa!? Bakit nyo ko iniwan agad!? Hindi naman ako nagrereklamo kahit huminto ako sa pag aaral ko! Bakit kailangan nyo kong iwan!? Mama paano na akong ngayong wala ka na! Ano nang gagawin ko! Pinagluto kita mama ng paborito nyong ulam tapos bangkay nyo ang sasalubong sakin! Dapat isinama nyo na ako mama!)

At patuloy ang pagdanak ng aking mga luha sa kabaong ni mama ramdam ko din ang maiinit na haplos ni Tiya sa aking likudan! Nakita ko din sina Donya at Don na nakaupo sa likudan at lumuluha... Ani nila ay inatake si mama habang nagdidilig sa harden kaso ang sama sama kong anak ni hindi ko man lang nalaman na may sakit ang aking Ina...

Kinausap ako nina Donya at Don na kung pwede daw ay sa mansyon na nila ako tumira at pag aaralin daw nila ako kapalit ng pag aalaga at pag intindi ko sa kanyang tatlong anak na lalaki na aking Ina na ang nagpalaki ! Malalaki na naman daw ito kaya hindi na daw ako masyadong mahihirapan.

Nang marinig ko ang pag aaral ay sinagot ko dito na pag iisipan ko.. Lagi silang wala dahil sa kompanya nila sa ibang bansa... Kaya ako at mga pinalaki ni mama lang ang matitira sa bahay. Wala silang ibang katulong dahil walang tumatagal sa ugali ng mga anak nya halos ang ina ko lang daw ang tumagal at minahal ng mga anak nya.....

*End of flashback*

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Where stories live. Discover now