CHAPTER 5

96.9K 1.6K 126
                                    

Danica POV

Saturday ngayon at narinig ko kina Jake na ngayon ang dating ni Don Felipe para sa linggo na Debut Party ni Jerome! Balita ko din na hindi makakasama ang Donya dahil sa kompanya ng mga Wilson...

Pagkabangon ko ay nahilamos ako at nag toothbrush.. Pagkalabas ko sa silid ko ay tinungo ko ka agad ang Dining para ipagluto ang magkakapatid ng pagkain...

Nagluto ako ng Fried Rice, Itlog at Hotdog. Pagkatapos ay pumunta ako sa SwimmingPool upang tawagin sila!

Nang makarating na ako sa Pool ay kita ko ang tatlong magkakapatid na naka Topless at nakaboxer.

Tumalikod ako tsaka nag salita.

"Kain na kayo" alok ko habang nakatalikod.

Napasinghap naman ako ng nabasa ng malamig na tubig ang aking likuran. Lumingon ako sa kanila at kitang kita ko ang paghagalpak ni Jake dahil sa reaksyon ko, Si Jerome naman ay naka smirked habang si Josh ay lumapit sakin at inabot ang tuwalya...

"Salamat" ani ko sa kanya, tumawa lang sya..

"Pag pasensyahan mo na mga Kuya ko" aniya

"Ayos lang, maliit na bagay" sabay kaming napatawa kaya naagaw namin ang atensyon ng dalawa.

Umahon ang dalawa at nilampasan lang kmi!

Sumunod na kmi ni Josh sa dalawa..

"Ligo lang ako" aniya.

"Sige intayin ko nalang kayo sa Dining" maagap kong saad kay Josh.

Mabilis na umakyat si josh sa hagdanan...

Ilang minuto din ang nakakalipas ng marinig ko ang pagpasok ng isang magarang sasakyan.

Mula doon ay bumababa si Don Felipe kasama ang Anim na babae.

Lumapit agad ako dito tsaka nagmano.

"Iha,Nasan mga anak ko?" Tanong niya habang papasok.

"Naliligo lang po Don Felipe"

"Iha, sila nga pala ang makakasama at makakatulong mo dito sa mansyon" sabi nya at sabay turo sa anim na katulong...

Ilang sandali pa ay bumaba si Josh at mabilis na niyakap ang ama!! Maya maya pa ay nakita ko na ang palabas na sina Jake at Jerome galing sa kanilang silid.

"Sino sila Dad?" Maagap na tanong ni Jerome.

"Mga yaya nyo" ani ni Don Felipe.

"DAD!" Sigaw ni Jake.

"I know ayaw nyo, pero Son kailangan nyo ng karagdagang katulong para hindi mahirapan si Danica" ani ni Don at tsaka inilipat ang tingin sakin.

"Gusto ko si Danica lang maghahanda ng pagkain ko, sya lang magiimis ng kwarto ko!" Pasigaw na sabi ni Jake! Nalaglag panga naman kami sa sinabi nya...May gusto ba sya sakin? Hystt bakit ba wala akong alam na signs sa love!.

"Why?" Natatawang tanong ni Josh.

"Because......Ahhh basta gusto ko sya lang ang mangengealam ng gamit ko" aniya at tumungo na sa Dining..

Nakakatuwa naman ang reaksyon ni Jerome, nakakunot noo syang nakahabol tingin sa palayong kapatid..

"Pahinga muna ako" at umakyat na si Don pataas ng Master BedRoom.

Makalipas ang ilang oras ay dumating na ang dalawang truck dala ang mga gagamitin bukas para sa Debut party ni Jerome Sungit..

Maingat na ibinaba ng mga trabahador  ang mga silya, lamesa at mga kurtinang gagamiting pang design..

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Where stories live. Discover now