CHAPTER 10

91.2K 1.3K 56
                                    

Tumunog ang alarm ko at bahagya kong minulat ang mga mata ko... Masakit ang mga katawan ko at lalo na ang mga kamay at paa ko...

Pinilit kong tumayo at lumabas ng aking silid, masakit man ang aking paa ay pinilit ko pa din itong ituon.. Bumababa ako sa hagdan at nakita ko ang magkakapatid na nakaupo sa sofa ng Living...

"Mauna na kayo"Pilit kong sabi sa kanila at pilit na hindi ipahalata ang sakit na aking iniinda.

"Bakit? May masakit ba sayo Nica?" Mabilis na sagot ni Jake. "At ano yang nasa kamay mo?" Dugtong pa nya at tiningnan ang may sugat kong kamay.

"Wala ito" at tinago ko sa likuran ang aking mga kamay. "Hindi muna ako papasok ngayon, Medyo sumama ang lasa ko". Marahan kong sambit sa kanila at bumaling na patungo ulit sa itaas..

"Hindi na ako papasok" rinig kong saad ni Josh kaya bumaling ako ng tingin sa kanya kita ko naman ang paghubad nya ng polo nya, ngayon ay nakaputing sando nalang sya..

"Ako din" saad pa ni Jake at umupo na ito sa katabi ni Josh..

"Tsss" Malamig na sabi ni Jerome at naupo na rin sa tabi nina Jake at Josh.

"Ano ba kayo? Hindi naman ninyo kailangan gawin to at isa pa ayos lang naman ako" sabi ko sa kanila ngunit ni isa ay wala akong natanggap na sagot sa kanila sa halip ay matiyaga nila akong pinagmasdan...

Umiling iling nalang ako at inirapan sila tsaka umakyat sa hagdan.

Nang nasa silid ko na ako ay minabuti ko na magtungo sa Cr !. Habang nasa Cr ay narinig ko ang pagpihit ng pintuan ko sa kwarto. Agad kong pinatay ang gripo..

"Sino yan?" Tanong ko habang nag to tootbrush.

"Ako to Nica" pamilyar ang boses at sa palagay ko ay si Jake ito.

Agad akong nagmadali at tinungo ang labas ng banyo.

"Jake? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Lumapit ito sakin at inangat ang kamay ko...

"Anong nangyari dito?" maagap nyang tanong habang nakamasid sa aking mga sugat.

"A-ano.... Ka-kasi...Ahh yun tinulungan ko sina manang magligpit kagabi kaya nasugatan ako." Pagpapalusot ko sa kanya, sabay bawi ng kamay ko sa kanya.

"Are you ok?" Mahinahon nyang tanong at madahan nyang sinalat ang aking noo.

"You're so Hot" malakas nyang bulalas, at nagmadali itong lumabas.

Pagbalik nito ay may dala nang batya at tsaka bimpo. Pinahiga nya ako sa kama at tsaka sinimulan na nya akong punasan..

Umalis sya upang kumuha daw ng pagkain ngunit nakatulog na ako at hindi ko na sya inintay makabalik.....

Jerome POV.

Kamusta na kaya sya? Ano kayang ginagawa nya? Pag pinuntahan ko kaya sya matutuwa sya?

Walang pagaalinlangan akong lumabas ng aking silid! Ngunit pagbukas ko ay nakita ko din ang biglaang pagbukas ng isang silid..

Josh POV.

Hindi ako mapakali na humiga lang dito! Dapat alamin ko ang kalagayan nya!? Tama dapat alagaan ko sya.! Kailangan ko syang puntahan upang malaman ko ang kalagayan nya..

Mabilis akong tumayo at mabilis na binuksan ang pinto ng aking silid at nabigla ako ng kasabay din nito ang pagbukas ng silid ni Kuya Jerome...

Nagkatitigan pa kami ng ilang minuto, Nakalas lang ang aming pagtitigan ng makita namin ang pa akyat na si Jake na may dalang tray ng pagkain..

Nilampasan lang kami ni Jake at ka agad na pumunta sa silid ni Nica kaya napatakbo kami ni Kuya Jerome papunta din sa pinasukan ni Jake.

Pagkapasok namin ay nadatnan namin ang mahimbing na natutulog na si Nica habang may bimpo ito sa noo na palagay ko ay nilagay ni Jake...

Jake POV

Naku naman! Hindi ko na sya masusulo! Andito na ang dalawang asungot.! Umupo sila sa may sofa at ako naman ay nasa tabi ni Nica dahil pinaltan ko ang bimpong nasa noo nya.

"Kamusta sya?" Tanong ni Jerome.

"Medyo bumaba na ang lagnat nya" sagot ko sa kanya ngunit hindi ko sya tinitingnan.

Gumalaw ng bahagya si Nica kaya naman ramdam ko ang pagtayo at paglapit sakin ng dalawang asungot na ito.!

Mumulat si Nica at para namang nabigla sa presensta naming tatlo dito..

"Ayos ka na ba?" Tugon ni Josh.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong naman ni kuya Jerome.

Nagbuntong hininga lang ako bago tumayo at kinuha ang tray na may lamang pagkain para kay Nica...

"Ayos naman ako.. Bakit kayo nandito?" Paguusisa ni Nica...

Lumapit ako doon upang ibigay sa kanya ang tray.! May lugaw dun at tubig kasamahan ng Gamot..

"Kumain ka muna Nica" sabi ko sa kanya at hinalo ang lugaw.

"Ako na" pag pre presinta nya sa aking tangkang pagsubo sa kanya.

"Hindi ako na, hindi mo kaya" pagtutol ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang gigil ng dalawang asungot sa likuran ko.

"Kaya ko Ja---"

Naputol ang sasabihin nya ng inangat ko ang kutsara papunta sa bibig nya! Napangisi naman ako ng ngumanga sya kaya tuluyan ko nang na ipasok ang kutsara sa bibig nya.

"Ayos ka na ba talaga?" Nagaalalang tanong ni Josh.

Tumango lang sya at patuloy pa din sa pagkain...

Nang matapos na itong kumain ay painainom ko na sya ng gamot habang nakatitig pa din ng masama ang dalawa sakin.

"Pwde bang lumabas na muna kayo?" Nahihiyang sambit nito sa amin.

"Bakit ayaw mo ba na may kasama?" Singit naman ni Kuyang Tipusin.

"Liligo kasi ako" nahihiya pa din niyang sabi sabay ngiti ng malawak!  Eto na naman ako mahuhulog sa kanyang mga ngiti. Napaka ganda nya pag ngumingiti.. Nakakahumaling.

Tumikhim naman si Josh at Kuya na nasa pinto na ako, napatingin din si Nica sakin kaya naman kumamot ako sa aking batok sabay ngisi sa kanya..

Tumayo na ako at ginulo ang buhok nya.. Tumawa lang ito sa aking ginawa.. Tumikhim ulit ang dalawa kaya nagmadali na akong lumabas sa silid ni Nica...

"Jake!" Diing tawag sakin ni Kuya.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya habang nakatalikod.

"May balak ka bang ligawan sya?" Inis na tanong nito sabay punta sa harapan ko.

"Pano kong sabihin ko sayo na OO" at ngumisi ako ng nakakaloko sa kanya..

Nag angat ito ng kanyang kamao at ngumisi lang ako sa kanya.! Binalik nya ang kanyang kamao sa dating ayos nito.! At nagtiim bagang pa syang tumitig sakin.

"Oww bakit kuya? Do you like to punch me?" At humagalpak ako ng tawa. Kita kong napipikon na sya kaya lalo ko pa syang inasar.

"Tumigil na nga kayo, hindi na tayo mga bata kuya!. Iisa ang gusto natin at alam ko na isa satin ang gusto nya.! Kaya kung mag aaway lang kayo diyan walang mangyayari! Sa tingin nyo ba makukuha nyo sya kung mag patayan kayo diyan". Mahabang lintanya ni Josh na akala mo ay sya ang nakakatanda.! Mabilis nya kaming iniwan at pabagsak na isinara ang silid nya..

Sinamaan ko muna si Jerome ng tingin bago pumasok ng aking silid.!
Handa akong makipag kumpetinsya sa kanya.! At tsaka nagkaganyan lang naman sya nung nalaman nya na gusto ko si Nica.! Tsss Kaasar.!

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Where stories live. Discover now