CHAPTER 4

94.3K 1.4K 50
                                    

Jerome POV

Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko at hindi mapakali! Tumayo ako at kinuha ko sa drawer ang isang picture frame namin ni Nana Yolly...

Tinabi ko ito sa Lampshade ko at pinagmasdan ito! Nakakamiss ka Nana Yolly.

Humiga ako at tumingin sa kisame! Simula nang araw na nabuhusan ko sya ng tubig ay parang nahulog ako sa kanya.. Napakatatag nya, Ayaw nyang makikita namin na umiiyak sya! Napakatibay nya.!

Sumunod pa ang pagkahulog ko sa kanya nang naabutan nya ako sa sala at marahan na inihiga sabay kumot! Ayaw kong mahulog sa kanya, Ayaw kong tuluyang magpakabaliw sa kanya! Pero hindi na ata yun ngayon! Lalo na at umamin sakin si Jake nang araw na nakatulog ako sa sala.

Flashback》》》

Pagkatapos nyang lumabas sa Dining ay kinausap agad sya ni Jake.

"Samahan mo kami dito Nica" malambing nyang sabi habang kumakain ng Snacks.

"Sige kayo nalang, gagawa pa ako ng Assignments" aniya at umakyat na sa hagdan.

"Ang ganda talaga ni Nica" ani josh habang pinagmamasdan ang pa akyat na si Danica..

Lumingon ako dun at nakita ko ang malaki nyang dibdib, katamtamang laki ng balakang, makinis at maporselanang kutis! Habang ang mahabang blonde nyang buhok ay umaalon alon dahil sa kanyang pag akyat...

Umiling iling pa ako ng maramdaman ang kakaibang init sa aking katawan tuwing pinagmamasdan sya...

"Gusto ko sya" marahas akong napatingin kay Jake habang nakatitig kay Danica pa akyat.

"JAKE!" malakas na tawag ko dito.

"What?" At kunot noong tumingin sakin.

"Nothing" ani ko sa kanya at humilig na sa sofa...

Nang maramdaman ko na may naghiga sakin sa sofa at marahan akong kinumutan ay mumulat ako ng bahagya at kita ko ang palayong si Danica papunta sa Dining... Dun ko lang namalayan na nakaidlip pala ako kanina kakaisip sa kanya.. Tumayo naman ako at mabilis na pumunta sa silid...

Nang gabing yun ay hindi ako makatulog dahil gumugulo sakin ang kagandahan at kabaitang pinapakita ni Danica kahit na ang sama ko sa kanya...

Maaga akong gumising upang ipagpatuloy ang nakagawian ko na ipagluto sya ng agahan at lagyan ito ng Notes..

Nabigla naman ako sa paglingon ko ng makita syang nakatayo sa harapan ko.

Nabigo man akong dalhan sya ay bumawi naman ako sa kanya.. Nilagyan ko ng mga Rosas ang upuan nya sa Classroom at nagiwan ulit dito ng Notes.

Nang nasa court ako ay nakita ko silang magkasama ni Jake, dala ni Jake ang bag ni Danica habang pinulupot nya ang braso nya sa bewang ni Danica! Mabilis ang pagkaiwas ko ng tingin doon...

Na badtrip ako sa araw na yun! At lalong nag alab ang galit ko sa kanya ng makita ko sya sa Dining na nagluluto! Manhid ba sya at di nya nararamdaman na ako ang nage effort sa kanya...

Napamura ako ng makita ang nangingilid nyang luha na pinipigilan nyang pumatak pag katapos ko syang sabihan ng masakit na salita.. Naiinis ako sa kanya bakit ba ayaw nyang magpakatotoo!! Bakit ba lagi nyang pinapakita na ayos lang sya kahit hindi naman!.

Nawalan ako ng ganang kumain kaya umakyat ako sa silid ko, pipihitin ko na sana ang pinto ng aking silid ng marinig ko ang paghagulhol sa silid ni Danica! Inilapit ko ng kaunti ang aking sarili sa pinto at narinig ko ang pagkausap nya sa sarili nya at ang pagtatanong kay Nana Yolly parang nakonsensya ako doon! Kaya marahas akong pumasok sa silid ko at padabog na humiga sa kama ko...

《《《 END OF FLASHBACK

Bumababa ako at kumuha ng kopeta at isang wine! Nakalimang lagok ako sabay tungo sa kwarto ni Danica. Uminom ako upang magkalakas ng loob na tumungo doon! Pinihit ko ang pinto nya. Nakita kong walang tao sa kama nya at narinig ko naman ang mga patak ng tubig sa banyo..

Napailing ako sa naisip kong kapilyuhan kaya lumabas nalang ako at dumiretso na ulit sa kwarto ko upang matulog naaa.....

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora