Chapter 16

79.9K 1.2K 43
                                    

Nabigla ako sa narinig ko.! Ka agad na niyakap ni Dek si Jane ngunit mabilis nya din itong tinanggal...

"Hindi ka pwedeng humadlang sa aking mga pinaplano" galit na saad ni Jane dito.

"Pero Jane alam kong ako ang ama nyan" Nangingilid na ang luha ni Dek hindi ko alam kung excitement ba yung luha nya o ano!?

"NO! HINDI...SI JEROME ANG AMA NITO! AT ISANG PAGKAKAMALI LANG ANG NANGYARI SATIN NUN" inis na sabat ni Jane. Nang aalis na ito ay hinila agad sya ni Dek palapit.

"Wanna Die?" Malamig na tugon ni Dek.! Kilala ko sya. At alam kong kaya nya yung gawin.! Kaya nag dadalawang isip tuloy ako kung lalabas o hindi...

"I Warn You" wala pa ring nag babago sa boses nya, nanatili lang syang kalmado. Bago winaksi ng malakas ang braso ni Jane.

Nang tutungo na si Jane sa aking pinagtataguan ay ka agad akong nag iba ng tingin ng direksyon. Nang makalampas ito ay agad kong pinuntahan si Dek na ngayon ay nakaluhod sa damo at nakatakip ang dalawang palad nya sa mukha nya na mahahalata mo na problemado ito...

"Dek! Kanina pa kita hinahanap" patay malisya kong sabi dito.

Ngunit wala akong nakuhang sagot o tingin man lang dito...

Nang iangat ko ang mukha nya ay kita ko ang namumula nyang mga mata na halata ang pag pipigil nya ng luha at galit..

"Dek? May problema ba?" Tanong ko sa kanya ngunit nag iwas lang ito ng tingin sakin.

Hinuli ko ang tingin nya at mahigpit syang niyakap! Napaka walangya talaga ng Jane na yan... Unang una pagkatapos nyang gamitin si Dek gaganituhin nya at pangalawa gusto nya talaga na panindigan ni Jerome ang anak nya! Hindi ba sya nakokonsensya.?!

Naramdaman ko ang pagtugon ni Dek sa aking yakap at naramdaman ko din na tumutulo ang luha nya dahil nababasa ang damit ko.

"Dek I'm Here lang" at marahan kong pinasadahan ng palad ko ang likod nya upang kumalma.

"Nic I'm Stupid" halata sa boses nya ang hinanakit.

"NO Dek don't say that" pag aalo ko sa kanya...

Ilang minuto din kaming nasa ganitong posisyon nang maramdaman kong ayos na sya ay nagsalita ako...

"Dek? Are You Ok?" Tanong ko sa kanya.

Tumango lang sya sabay bitaw sa mga yakap namin.

"Nic I Need You" sabi nya habang namumungay mungay ang mga mata.

Hindi ko sya pwedeng iwan na ganito baka mamaya kung ano pa ang mangyari dito.!

"Of Course" at binigyan ko sya ng malawak na ngiti..

"Ano bang nangyari sa inyo Ni Jane? Bakit kayo nag hiwalay? At paano kayo nagkakilala?" Sunod sunod kong tanong sya kanya, napangiti naman sya dahil sa inasal ko...

Bahagya nyang pinisil ang pisngi ko at hinilig ang kanyang ulo sa aking balikat....

"One Month Ago nameet ko sya sa Isang Bar sa Canada! She Drunk and broken hearted... Nilapitan ko sya at kinausap hanggang sa may nangyari samin ng gabing yun. Napamahal ako sa kanya Nic kaya pinilit ko syang patigilin sa condo ko.! Noon palang nakakaramdam na ako na pinapasakay nya lang ako para sa mga binabalak nya.! Hindi ko alam kung ano yun! Pero Nic handa akong mag sakripisyo bumalik lang sya sakin." Mahabang lintanya nya sakin na mahahalata mo ang sobrang pagmamahal nya Kay Jane. Pero pano nagawa yun ni Jane? Hindi ba talaga sya nakokonsensya.

Ini angat ko ang ulo ni Dek at kita ko itong nakapikit habang pinapakawalan ang malalalim na hininga. Naawa ako sa kanya ngayon! Hindi ako sanay na ganito sya. Pag babayaran mo ito Jane.

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt