CHAPTER 11

89.7K 1.2K 70
                                    

SOMEONE POV

Hindi pwedeng mabaliw sa kanya si Jerome ngayon!. Kailangan kong gumawa ng paraan!. Pag nagpatuloy to ay tuluyan ng mawawala sakin ang minamahal kong si Jerome.! Hindi ako makakapayag na nakipag hiwalay sya sakin dahil lang sa katulong nila.! Babawiin kita Jerome.! Hindi magtatagal at magkakasama ulit tayo... Wala kahit sino man ang makakapigil sa aking pinaplano...

Danica POV.

Nagising ako ng maaga at pakiramdam ko ay ayos ayos na ang aking nararamdaman.! Nagpasya akong tumayo upang maligo at pumasok. Absent ako kahapon at paniguradong madami akong nakaligtaang subject..

Hahakbang na sana ako sa papunta ng banyo ng biglang bumukas ang pinto ng aking silid..

"Ayos na ba pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni Jerome habang may dalang pagkain at gamot...

"Oo, kailan ko din pumasok ngayon e" paliwanag ko sa kanya.

"Sakin ka na sumabay!" Presinta nya

"Hindi na Jerome" pag tanggi ko at tuluyan nang pumasok sa banyo upang maligo..

Pagkatapos kong maligo, magbihis at magayos ay inumpisahan ko nang kumain ng dala ni Jerome kanina, pagkatapos ay uminom ng gamot at tsaka lumabas ng aking silid...

Gaya ng dati naabutan ko ang tatlo na nasa Living nakaupo habang iniintay ako.

"Tara na" mabilis na pagtayo ni Josh.

"Hindi na, may dadaanan pa ako e! Mag co commute nalang ako" palusot ko sa mga ito.

Naningkit ang mga mata nila, ngunit bago pa sila makapag salita ay mabilis kong tinahak ang gate ng mansyon...

"Danica!" Malakas na tawag ni Jerome.

"Nica!" Tawag ni Jake at Josh.

Ngunit hindi ko na sila nilingon.! Mabilis akong nakalabas sa Gate nang may bumusinang napakalakas kaya napapitlag ako at napatigil sa paglalakad ang tatlo na sumunod pala sakin...

Bumukas ang bintana sa may Driver Seat.! Nang makita ko ang driver nito ay binigyan ko ito ng magandang ngiti... Bumukas ang pinto nito at mabilis ko syang niyakap.! Nasabik ako sa kanya! Namiss ko sya sobraa...

"DANICA!" pabulyaw na sabat ni Jerome dahilan para maagaw nya ang atensyon namin nitong kayakap ko.

"Boyfriend mo?" Bakas ang lungkot sa tanong ni Josh.

"Bakit hindi mo agad sinabi?" Inis na sambit ni Jake.

"Mga Bro!. AKO si Benedict Fontelo... Childhood Friend ni Nic" magalang na sabi ni Dekdek at naglahad ito ng kamay sa kanilang tatlo..

Pansin ko na ni isa sa kanila ay walang nais tumanggap nun kaya nagpasya akong tumikhim!. Nakuha naman iyon ni Dek kaya kaagad nyang inilagay ang kamay sa kanyang bulsa..

"Sige na Jerome.. Jake.. at Josh sa kanya nalang ako sasabay! Mauna na kami" pagpapaalam ko sa kanila.!

"Pe-pero...." di na natapos ni Josh ang sasabihin dahil sumakay na ako.! Napaka good ni tadhana biruin nyo tinulungan akong umiwas sa kanila!.. napakasaya ko at nagbalik ang Partner in crime ko...

Nang makasakay na sya ay minaniobra na niya ang manebela palayo kita ko pa ang tatlo na laglag panga..

"Pano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya ng makalabas kami sa subdivision.

"Tinanong ko sa tiya mo" masigla nitong sagot. "Nabalitaan ko din ang nangyari kay Tiya Yolly" at nagbago ang ekspresyon nito..

"Oo, siguro ganun talaga walang tumatagal sa mundong ito" at yumuko ako dahil naaalala ko na naman si Mama...

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Where stories live. Discover now