CHAPTER 22

76.3K 1.1K 65
                                    

Mabilis din ako na discharge sa ospital. At kasalukuyan akong nandito sa Condo ni Benedict.

"Hindi ka ba papasok Danica?" Tanong nya habang binabatones ang gitnang bahagi ng polo nya.

"Papahinga muna ako dek" sagot ko sa kanya at marahan na inihilig ang aking ulo sa may sofa.

"Ayos ka lang ba dito?" Tanong nya habang kinukuha ang bag nya.

Mumulat ako at tumango sa kanya.

"Sya sige, alis na ako may pagkain na diyan sa lamesa. Kumain ka nalang pag nagugutom." Paalam nya sakin at kumaway pa ito bago lumabas ng Condo.

Wala pang sampung minuto ng umalis si Benedict ng may nag doorbell. Dahan dahan akong tumayo sa sofa at nagtungo sa pinto.

"Hi" masaya at maikli nyang bati sakin.

"What are you doing here?" Takang tanong ko sa kanya.

"Ang sungit naman! Hindi ba pwedeng pumasok muna?" Nakangisi nyang saad sabay abot sakin ng dala nyang bulaklak at mga tsokolate.

"Halika, pumasok ka muna" at tumalikod na sa kanya. Ramdam ko naman ang pagsunod na ginawa nya.

Umupo ako sa Sofa habang sya ay nagmasid sa paligid. Nakakunot noo syang tumingin sa mga picture frame na kaming dalawa ni Dek ang nandun. Mahilig kasi kami ni Dek na mag travel.

Maya maya pa ay tumingin ito sakin ng seryoso.

"Anong meron sa inyo?" Seryoso nyang saad habang palapit sakin na hindi inaalis ang pagkatitig.

"Magkaibigan lang kami" maikli kong sagot at tumayo na upang kumuha ng pagkain at maiinom nya.

Ngunit mabilis nya akong itinulak pabalik sa sofa at kaagad na umibabaw sakin.

"Je-jerome?" Utal kong tugon sa kanya at tinutulak sya paalis sa ibabaw ko ngunit napakalakas nya.

Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan nya ito pataas kapantay ng aking ulo.

Sabik at mapusok nya akong hinalikan pinipilit kong iiwas ang mukha ko ngunit nasasaktan lang ako sa ginagawa ko..

Nagsimula nang lumikot ang kamay nya ngunit bago pa nya maituloy ang balak nya ay agad na bumukas ang pintuan ng Condo na tinutuluyan namin ni Dek.

"Sorry naistorbo ko ata kayo" sabi ni Jake na kumamot pa sa ulo nya. Agad ko namang itinulak si Jerome sa ibabaw ko at umayos ng pagkakaupo.

"Anong kailangan mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Jerome sa kapatid.

Lumapit ito kay Jerome at bumulong, pagkatapos ay tumingin sakin si Jerome.

"Emergency" aniya

"Go Ahead" nakangiti kong tugon.

"Are you sure?" Tanong nya.

"Yeah! I'm very sure" at tinapik sya sa braso.

"I'll be right back!" Paalam nya at madahan akong hinalikan sa noo at tuluyan nang nilisan ang Condo ko.

Sobrang saya ko! Hindi ko lubos maisip na babalik kami ni Jerome sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na mahahawakan at mahahalikan ko ulit sya. Sya ang unang lalaki na minahal ko at sya na din ata ang huli.

Napagpasyahan ko na magluto muna ng tanghali para kung babalik sina Jerome ay may makakain sila.

Pahakbang na ako papunta sa Stove ng marinig kong may nag doorbell. Ang bilis naman ata ni Jerome bumalik o baka naman may nakalimutan sya...

Excited akong tumungo sa pintuan upang pagbuksan kung sya nga iyon. Ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko kung sino ang nasa labas.

"Jane?" Taka kong tanong dito.

"Hi My Cousin" maarte nyang saad at nilampasan ako.

Naestatwa ako sa kintatayuan ko ngunit hindi ito pwede. Hinarap ko sya na ngayon ay nakaupo sa sofa habang tinititigan ang mga litrato namin ni Dek.

"Ano ba ang kailangan mo?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Masama bang dumalaw sa pinsan ko?" At tumayo sya kasabay ng paghakbang papunta sakin.

"Ano ba talaga ang pinunta mo dito?" Inis na saad ko sa kanya at sinalubong sya ng tingin.

"Ok, hindi ko na patatagalin pa! I want na iwasan mo si jerome" maarte nyang sabi at lumapit pa ng mas malapit sakin.

"Bakit ko naman gagawin yun?" Buong lakas kong tanong sa kanya.

"Dahil hindi ka nakakabuti sa kanya, tutal masaya naman kayo ni Benedict diba! Kaya please naman masaya na din kami ni Jerome guguluhin mo pa ba naman sya." Desperada nyang lintanya sakin.

"Ikaw lang ang masaya sa relasyon nyo ni Jerome na punong puno ng panloloko, punong puno ng kasinungalingan" sigaw ko sa kanya.

"No! 1 year na nagsama kami at naramdaman ko yun na masaya sya sakin"

"Siguro nga naging masaya sya sayo sa isang taon pero sa tingin mo ba kung nakakaalala sya nun mamahalin ka nya?" Malakas na sampal ang pinakawalan nya sakin. Tiningnan ko sya ng masama habang hawak ko pa din ang aking pisngi.

"Wala kang alam sa pinagsamahan namin! Ikaw ang naglagay sa ganoong sitwasyon ni Jerome! Hindi mo alam kung gaano sya naghirap at nagdusa! Pero sino ang nagpabangon sa kanya sa pagdudusa?! Walang iba kundi ako Danica.! Ginawa ko ang lahat para mapasaya sya. Wala kang alam kung gaano kasakit at kahirap yung pinag daanan ko sa kanya.! Wala kang alam dahil sarili mo lang ang inisip mo noon!. Wala kang alam dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko! Wala kang alam dahil mahal ka ng mga taong mahal mo! Danica si Jerome lang.! Si Jerome lang ang kailangan ko." Punong puno ng hinanakit na sumbat nya sakin habang umiiyak. Habang ako ay naestatwa at nakatingin lang sa kanya.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit na ipagtabuyan ako ng taong mahal ko! At hindi mo din alam kung gaano kasakit na habang magkasama kayo ibang tao ang nasa isip nya at ang tingin nya sayo. Naiintindihan mo ba ako Danica? Hahahaha syempre hindi kasi wala ka naman sa sitwasyon ko.! Alam mo yung feeling na habang magkatabi kami sa gabi ikaw yung nasa isip nya. Ang sakit sakit Danica sobra. Pero lahat ng yun tiniis ko dahil mahal ko sya.. Ako yung kasama nya nung panahong durog na durog sya, Ako yung kasama nya nang panahong wasak na wasak sya..Ako ang bumuo sa kanya pero bakit ganun kahit ako yung nandito kahit ako yung bumuo sa kanya ikaw pa din ang pinili nya na dumurog sa kanya. At Finale panalo ka dahil ngayon ako naman ang wasak na wasak.!" Pagpalatuloy pa nya at mabilis na lumabas ng Condo.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung awa, galit o konsensya. Alam kong kasalanan ko lahat pero hindi ko ginusto yun.. Tama si Jane sya ang kasama ni Jerome nang panahong durog na durog sya binuo nya si Jerome kahit alam nya na ako pa din.! At nag papasalamat ako sa kanya dahil inalagaan nya si Jerome.

Hindi ko alam kung iiwas ba ako o ipaglalaban ko sya. Mahal ko sya at ayaw kong maulit muli na makitang hawak sya ng iba. Pero pano kung yung bumuo sa kanya ay mawasak dahil sakin na dumurog sa kanya.

Ang hirap hindi ko na alam ang gagawin ko... Naaawa ako kay Jane ngunit mahal ko si jerome... Ayaw ko na mawala ulit sya, ayaw ko na. Sana naman magising si jane na dapat ay bumalik na sya kay Banedict..

Pero may point din sakin na piliin nalang na umiwas dahil ayaw kong lubusang wasakin si Jane kahit papaano pinsan ko sya. Si jane yung nasa tabi ni Jerome nung kailangan ako. Si Jane yung pumuno sa mga pagkukulang ko. Kaya siguro papaubaya nalang ako. Ang sama sama ko naman kung hahayaan ko na maging masaya kami ni Jerome habang yung taong hindi sya iniwan tulad ng ginawa ko ay nagdurusa.


Maid Of Wilson Brother's (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon