Chapter 41 - Five

3K 71 0
                                    

Chapter 41 - Five

(POV Helena)

FIVE years ago, I met a man named Architect Holden Hildago. When I saw his picture, I knew it right there and then that it was love, love at first sight. May be because he looks so much like my first heartbreak, Harland Hidalgo, who is the younger brother of Holden.


Parang pinagtagpo kami ng tadhana at parang nag-usap ang mga bituin sa aming kapalaran. I found out that Holden is one of the employees under my grandfather's architectural firm. He is working under the supervision of Aunt Zara Madrigal, my biological mother. The woman who tried to abort me because of his selfish boyfriend left her during his teen years.


Dahil malaking kahihiyan sa pamilya ang pagbubuntis ni Aunt Zara ng maaga, ipinalabas ng buo kong angkan na anak ako ng nakakatanda niyang kapatid. Nalaman ko lang ito nang ipinagtapat sa akin ito ni Aunt Zara during my college years.


Sa gitna ng aking kalungkutan dahil sa akin napag-alamanan, doon dumating si Harland Hidalgo sa buhay ko. His songs inspired me as if these were written specially for me. Nang magkaroon siya ng concert sa England, hindi na ako nagdalawang isip na kunin ang chance para makilala niya.


Ang isang beses na pag attend ng kanyang concert ay nagtulay sa pagiging isa kong die hard fan ni Harland. Binili ko lahat ng albums niya at memorabilia. Kahit ang half Russian security detail niya na si Aleksey at Ivanoff ay naging kaibigan ko na din dahil sa dalas na pag attend ko ng gig nila habang nasa England sila.


Madali ako napalapit kay Harland, siguro dahil may pera ako para makabili ng front row seats ticket at exclusive backstage passes. Harland noticed me and showed his interest on me. He asked me on a date and I ended up surrendering everything to him.


Ang isang one night stand idolo ko ay naulit ng ilang beses. I was under the impression that I was special, I was someone he cared about, I was the one for him.


Pero lahat ng naramdaman ko ay isang ilusyon lamang. Harland is just a caring and sweet guy. Ganoon siya sa lahat ng babaeng napapalapit sa kanya.


Pagkatapos ng ilang masasayang linggo ko sa piling ni Harland Hidalgo ay bigla siyang nagbago. I became an instant stranger, he dropped me easily like a hat.


Sa maikling panahon na 'yon ay alam ko na mahal ko si Harland, pero tila may iba ng babae ang umagaw ng atensyon niya, isang singer na nagngangalan na Keisha. Unti unti ko naramdaman ang galit at selos. Ang pagmamahal ko kay Harland ay napalitan ng poot dahil sa pagbasura niya sa akin, dahil sa pagkalimot niya sa namagitan sa akin at dahil sa pagsasabi niya na mahal niya ako, pero hindi naman pala ito totoo.


Kahit masakit, pinalaya ko si Harland. I watched him from afar being linked with several women. He is having the time of his life as a playboy rockstar.


I guess isa lang ako sa mga babaeng dumaan sa buhay niya na madaling kalimutan at madaling palitan. 

The Fall of Holden Hidalgo [Completed]Where stories live. Discover now