Chapter 45 - Current

3.3K 66 1
                                    

Chapter 45 - Current

(POV Helena)


"Ms. Madrigal, please take your medicine," ang boses ng nurse ang nagpabalik sa akin sa realidad.


Five years ago, I surrendered to the police and admitted my crimes with the help of Holden and Aunt Zara. Pumayag lang ako na susuko ako sa mga pulis kung hindi na muling magpapakita sa akin si Holden. Just like Harland, I want to consider him dead.


I subjected him in to too much pressure and trauma. Kahit hindi niya sabihin, alam ko na malulungkot si Holden sa pagkakulong ko.


I don't want to see him suffer anymore because of me.


Aleksey and I was charged with murder and conspiracy to murder of Gretchen Sy and Keisha, but a month after, Aleksey recantted his confession. He admitted the sole responsibility to the whole murder, however, we are still both incarcerated.


Nasa isang bagong correctional facility ako ngayon na malayo sa city. After my psychological tests, inihiwalay ako ng kulungan at isinama sa mga may mental disorders.


Sabagay, sino nga naman na matinong tao ang gagawa ng karumaldumal na pagpatay dahil lang sa pag-ibig?


Sa loob ng limang taon, naging mapayapa ang buhay ko dito. Aunt Zara did leave my side and she tried her best to hide this scandal. Walang nakakaalam sa nangyari tungkol sa akin kundi si Leon Duran.


Kahit ang mga grandparents ko at ang aking parents ay hindi ako iniwan sa sandaling ito. They hired the best doctors and therapist to treat me. I have undergone medication and psychotherapy. I am even taking antidepressants and anti-anxiety medications.


I am not doing this for myself, I am doing this for Holden.


For five years, I haven't seen him. That is to be expected dahil ako mismo ang humiling sa kanya na huwag magpakita sa akin during my incarceration period. Malaki ang kasalanan ko kay Holden at gusto ko muna mapatawad ang sarili ko bago ko humingi ng tawag sa kanya.


Ako ang sumira ng buhay niya. Ako nagdala sa kanya sa impyerno.


Kahit kay Aleksey at kay Ivan, malaki ang kasalanan ko. Sila ang umamin sa krimen na ako ang may pasimula. I ended up being an accessory to the crime instead.

Wala akong balita kay Holden, pero ang nabanggit ni Aunt Zara ay nagpalipat siya sa branch namin sa ibang bansa. Siguro para mapalapit sa parents niya. Siguro para na rin mapalayo sa akin.


"Hoy, Helena. Tulala ka na naman diyan! Baka makalimutan mo na diligan ang mga okra sa likod ah?" sigaw ni Ate Leonora, ang nagsisilbing mayora namin dito sa loob ng correctional.


Hindi ko inaasahan na makakasundo ko ang mga inmates ko dito. Tinanggap nila ko at itinuring na isang pamilya. Sila 'yong mga may pagkakasala sa batas, pero sila 'yong pinili na magsisi at magbago.

Salamat na din sa tulong ng pamilya ko, naging maayos at walang gulo ang facility na ito. Aunt Zara sees to it that we will get the best services in this correctional facility.


"Nay, kailan ko ba nakalimutan ang mga okra mo? Ibang level na nga ang intimacy namin ng mga halaman mo eh," biro sa kanya.

"Bilisan mo magdilig ng halaman. Pagkatapos mo, bunutan mo ko ng puting buhok. Dadalaw mamayang gabi si Tatay Carding mo."

"Ay nako, nay. Lalandi ka na naman? Ang harot mo!" sagot ko sa kanya sabay irap.


Si Nanay Leonora ang pinaka malapit sa akin dito. Hindi ko na inungkat ang kaso tungkol sa kanya, dahil nakaraan na 'yon. Siya ang nagtalaga sa akin na maging in charge sa mga halaman dito sa facility, lalo na ang mga gulay niyang tanim.


Sabi ng doktor ko, humanap ako ng mapagkakaabalahan. Ang pagtatanim ng gulay at flowering plants ang nagsilbi kong hobby habang nakakulong dito. Tuwing hapon, madalas ako nagpupunta dito sa Greenhouse ng mag-isa para magdilig ng halaman, pero mukhang hindi ako nag-iisa sa mga oras na ito.


Isang lalaking ang tila nag-aabang sa akin sa dulo ng Greenhouse. Walang ngiti sa mga mata niya.


Walang kahit anong emosyon na parang walang impact ang presence ko.

The Fall of Holden Hidalgo [Completed]Where stories live. Discover now